Third Person's POV
Sa isang siyudad na puno ng makukulay na ilaw, mga naglalakihang establisyemento at ang napahaba at mabagal na trapiko, ay mayroong madilim, mabaho at nakakatakot na sulok nito. Isang inabando ng lugar dahil sa naging paniniwala at karanasang marami daw engkanto at maligno. Ilan sa kanila at napatunayan na, kung kaya't nagsilikasan ang mga mamamayan. Lalo na nang marinig nila ang isang kahabag-habag na tawang nagmula sa kung saan.
Wala ng kahit na sino pang nagtaka pang bumalik sa lugar na ito magmula noon. Ngayon ay isa na itong tapunan ng mga bangkay na ipinapapatay ng mga politiko at mga sendikato, mga sanggol na ayaw ng mga magulang, patay na hayop at mga basura. Naging isang katakot-takot na lugar ang noon ay dating sentro ng bayan.
Ang lugar na ito ay nagkakaroon na lamang ng tao, sa tuwing mga iniimbestigahang kaso at mga krimen. Binalot na ito ng kadiliman dahil sa maraming madudugong pangyayari sa lugar. Pinamugaran na ito ng mga masasamang espiritong kumapit na sa demenyo, mga magkukulam at iba bang nilalang na walang ibanv gawain kun'di hamakin ang mga tao. Walang ibang gustong gawin kun'di ipalaganap ang kasamaan sa buong mundo at panadakin ang mga mapupulang dugo sa buong sangkatauhan.
Sa kalagitnaan naman ng lugar na ito ay makikita ang isa butas, na dati ay daanan ng tren o sa madaling sabi ay tunnel. Isang napakadilim na butas, na tipong mawawalan ka ng malay dahil sa paninikip ng iyong dibdib kapag pinasok mo ito. Lingid sa kaalaman ng mga tao na mayroon itong sumpang ng itim na mahika, upang patigasin ang puso at kumitil ng buhay. Isang makapangyarihang sumpa, na magtataboy sa iyong malinis at mabuting kaluluwa.
Dito nagmula ang katakot-takot na tawang narinig nila noon at pinaniniwalaang nagmula ito sa kampon ng diablo. Isang nilalang na may sungay, pakpak, mahahabang kuko, pulang mga mata at matatalim na pangil, sa pinaghalong itim at pulang anyo. Isang nilalang na kayang baguhin ang isang tahimik at payapang mundo sa isang punon ng poot, pagdurusa at kadiliman.
Ang nilalang na ito ang siyang mortal na kaaway ng liwanag at kapayapaan, mula sa langit. Isang maliwanag na kahariang puno ng kumikislap na ginto at nagniningning na mga bituinng ka'y kay gandang pagmasdan sa gabi, sa langit. Isang kahariang puno ng pag-asa, pagmamahal at pagkakaisa na siyang tatalo sa kasamaang dala ng kadiliman. Ang gumagabay sa mga tao sa lupa at nagbibigay ng mga mabubuting landas sa mga mortal.
Ngunit hindi iyon gano'n kadali dahil sadyang makasalanan ang mga tao. Marami na sa kanila ang gumagawa ng hindi naayon sa kagustuhan ng Diyos, dahil sila'y natural na impektong nilalang. Mga pasaway na kinakailangang gabayan upang mailigtas mula sa nagbabandyang kamatayan, temptasyon, tukso at iba pang mabibigat na kasalanan.
Sa isang kalye malapit sa lugar na ito ay mayroong madungis, mabaho at patpating batang lalaki ang natutulog sa ligid ng daan. Naglatag lamang ito ng tagpi-tagping karton upang gawing higaan at makapagpalipas ng isang maulan at malamig na gabi. Ngunit hindi naman siya nilalamig masyado dahil nakakita siya ng isang tolda, na ginamit niyang pangtakip sa kaniyang kinaroroonan upang hindi mabasa at pumasok ang napakalamig na simoy ng hangin. Doon ay mahimbing na lamang siyang natulog, sapagkat busog din dahil maraming natirang pagpag kanina sa basurahan ng kalapit na fast food restaurant.
Habang nasa kalagitnaan siya ng pagtulog gano'n na lamang siya pagpawisan dahil sa nakikitang panaginip. Pabaling-baling siya sa at malalalim ang kaniyang ginagawang paghinga. Binabangungot siya ng kaniyang nakaraang puno ng paghihinagpis, takot at pagkamuhi ng mga taong nakapalibot sa kaniya.
"Anak, bilisan mo! Tumakbo ka na!" Sigaw ng kaniyang ina, habang pilit siya nitong itinutulak palayo at umiiyak.
Sa murang edad ay hindi niya alam kung anong nangyayari sa kanila ng kaniyang ina, pero isang ang alam niya, na nasasaktan siya kapag nakikita itong lumuluha. Gano'n niya ito kamahal, kaya tahimik na lamang siyang umiiyak sa harapan nito.
"Sige na, anak, tumakbo ka na!" saad pa ulit ng kaniyang ina.
Ang tanging nagawa na lamang ay tumakbo nang tumakbo, hanggang sa malayo siya sa kanilang maliit na tahanan, na tinutupok na nang naglalagablab na apoy. Napahinto na lamang siya at napalingon sa kaniyang likuranan nang marinig ang malakas na sigaw dahil sa sakit at galit, na mula sa mga taong may hawak na apoy at mga armas.
"Patayin ang mangkukulam!" rinig pa niyang sigaw ng mga taong hindi niya makita ang mga mukha dahil nababalutan ito ng dilim, ngumit gano'n na lamang siya kilabutan nang makita niya ang kanilang mga mapupulang mata.
Sa isip-isip niya ay isa silang demonyo, ngunit sila'y mga taong binalot ng galit at pagkamuhi ang puso. Dahil doon ay muli siyang nagpatuloy sa pagtakbo, habang umiiyak at natatakot sa napakadilim na daang kaniyang tinatahak.
Hanggang sa natagpuan na lamang niya ang sarili sa isang maliwanag na kalsada, sa tabi ng poste ng street light. Napayakap na lang siya sa kaniyang mga binti at humihikbi. Hindi na niya alam kung saan pa pupunta dahil wala naman na silang kamag-anak na iba. Alam niyang hindi na siya babalikan ng kaniyang ina sapagkat pinatay na nila ito at pinaratangang magkukulam.
Nakatulog na lamang siya sa labis na pagkapagod at matinding pag-iyak sa tabi ng poste. Ang gabi iyon ay nagbigay sa kaniyang trauma sa mga taong nakapaligid sa kaniya at laging pumapasok sa kaniyang isipan na anak siya ng isang demonyo. Napaglaboy-laboy na lamang siya at lumaki sa mga maduduming bangketa at tira-tirang pagkain sa mga basurahan.
Hindi niya alam kung bakit sila tinatawag na kampon ng mga demonyon kung gano'n na wala naman silang patunay dito. Oo, mababait silang tao, ngunit dahilsa kanilang itsura ay lagi silang kinukutsa, kinaiisan at pinandidirihana. Ang masaya at puno ng kalaro sana niyang pagiging bata ay napuno ng hirap at takot.
Ang apoy, mga dahas na katulad na lamang ng itak, palakol at iba pang mga gamit sa pagtatrabaho sa bukid ay nagpapabalik sa kaniyang nakaraan. Tila nawawala soya sa kaniyanh sarili kapag nakikita ang mga ito, kaya kumubli na lamang siya sa dilim, na tanging gabi lamang siya lumalabas upang makapagtago sa mga mapanakit na tao. Gano'n na lamang siya natakot, dahil sa nangyari sa kanila ng kaniyang ina. Sa isip-isip niya, kung hindi dahil sa mga ito ay mayroon sana siyang ina na gagabay, mag-aalaga at magmamahal sa kaniya nang buong puso.
Nabuhay siyang normal ngunit dahil doon ay nagbago ang takbo ng kaniyang buhay at masasabi niyang hindi ito normal, katulad ng mga batang may kompleto at masayang pamilya. Sa murang edad ay ipinagkaitan siya ng mga kapwa tao ng ganito at ang masakit pa ay wala man lang siyang nagawa, sapagkat hindi niya sila kaya. Ang pagtago namang ang naiisip niyang paraan upang matakasan ang mga ito.
Ang puno sana ng kulay na buhay ay biglang nagdilim, dahil sa takot. Ang mga kapwa taong sana'y tumutulong, ngunit naging matigas ang puso. Ang bawat ngiti niua sana'y napalitan ng luha at lungkot. Naging miserable siya dahil lumalaganap na ang kasamaan sa sangkatauhan.
SA pagkakataong iyon naidilat niya rin ang kaniyang mga mata, mula sa bangungot ng kaniyang nakaraan. Hingal na hingal siya dahil sa pagod na dala ng paninikip ng kaniyang dibdib, na dulot ng madilim na nakaraan. Napaiyak na lamang siya sa kaniyang kinauupuan habang tinatakpan ang kaniyang tenga, sapagkat mayroon siyang naririnig na pag-iyak at pagsigaw.
Nagtatakbo na lamang siya na tulad ng kaniyang ginagawa dati, upang makalayo sa peligrong magdadala ulit sa kaniyang ganito. Dahil umuulan ay basang-basa na siya, ngunit hindi siya huminto sa pagtakbo at patuloy na tumatakas. Hanggang sa makita niya ang isang bulto nilalang na may mapupulang mga mata.
Hindi siya makapaniwala sa nakikita at gano'n na lamang siya panghinaan ng mga tuhod. Hindi siya alam kung matutuwa ba siya, malulungkot matatakot? Dahil ang kaniyang ina ang nakatayo sa kaniyang harapan.
Ang mga nangungusap na mata'y naging pula, na katakot-takot pagmasdan. Ang maamong mukha nito mawalan ng kulay at tanging galit lamang ang makikita. Nakangiti ito ngunit hindi na katulad nang dating napakatamis. At ang matutulis nitong ngipin at pangil na punong-puno ng sariwang dugo.
Bumagsak siya sa gitna ng kalsada, habang basang-basa. Umaasang sa pagkakagaong ito ay babawian na siya ng buhay upang hindi na muling maghirap pa sa buhay. Nawawalan na din siya ng pag-asa, kaya't mas mabuti na lamang kung hihinto na ang kaniyang paghinga.
"Hilda, aking ina!" Sigaw pa niya, bago malawan ng ulirat at balutin ng kadiliman.