Third Person's POV
Sa isa sa mga pinakamataas na establisyemento ng syudad na pinamamahalaan ng mag-asawang negosyante, ay kilalang-kilala ito sa loob at labas ng bansa. Isa sila sa pinakamalaking grupo ng kompanyang may malaking impluwensya sa mundo. Marami silang naitayong proyekto na makapagbibigay ng trabaho sa mga tao at iskolar sa mga batang gustong makapag-aral, hindi lang sa local kun’di, pati na rin sa internasyonal.
Marami din silang naitayong organisasyon, na siyang makakabuti sa mga taong may kapansanan at mga matatanda. Napakarami nilang natulungan at minsa’y hindi maiiwasang matanong sila, kung gusto ba ng mga itong tumakbo sa politika, ngunit hindi sila sumagot, dahil na rin wala dito ang kanilang isip. Mas gusto nilang tumulong nang walang posisyon at reponsibilidad na kinabibilangan bilang lider. At ang mabibiyayaan ng anak na aalagaan at mamahalin.
Hindi maipagkakaila sa marami na wala nga silang anak dahil minsan na din nila itong sinabi nang interview-hin sila sa isang media press, para sa mga may maunlad na negosyo. Gayunpaman, ay patuloy pa rin silang umaasang magkaroon ng supling, kahit na sila’y may katandaan na. Marami na din silang nalapitang kilala at magagaling na doktor, ngunit hindi pa rin sila nagtatagumpay na mabigyan sila ng anak. Kaya’t napagdesisyonan na lamang nilang mag-ampon, sa kabila ng kanilang nakaraan.
Dati, bago pa man silang makilala sa buong mundo ay lagi nang ipinapanalangin ni Alice, na magkaroon sila ng bunga ng kaniyang asawang si Hidalgo. Mula sila sa pamilyang mayayaman, kaya’t hindi na nila proproblemahin pa ang lahat, pagdating sa kanilang pagsasama. Nasa kanila na ang lahat-lahat at kung gugustuhin nila ang isang bagay ay makukuha nila kaagad ito, ngunit sa pagkakaroon ng bunga sila minalas. Mayroon kasi silang deperensya sa s*x hormones na tinatawag na, hypogonadism. Isang sakit ng tao, mula sa kaniyang reproduvtive system, na nagpro-produce ng maliit o walang s*x homones.
Lumipad na din sila sa iba’t-ibang bansa upang komunsulta sa mga doktor, ngunit wala pa ding nagbago. Pare-pareho ang sinasabi sa kanilang hindi sila magkakaroon ng anak, at kung magkakaroon man, malaki ang posibilidad nitong mamatay din o magiging abnormal. Gano’n na lamang sila nalungkot, pero sinubukan pa rin nila. Sinubukan nilang magpa-surrogate at noong una ay nagtagumpay, pero nang maglaon ay binalitaan silang nakunan ang surrogate mother. Mahina daw ang kapit ng bata at hindi nadadal sa vitamins na iniinom nito.
Nakakalungkot man ngunit wala naman silang magagawa. Hanggang ngayon ay umaasa pa rin silang bibiyayaan sila ng Diyos, nito. Mas lalo silang lumapit at kumapit sa panginoon dahil dito. Nagsisimba sila tuwing linggo at pumupunta sa mga seminary, upang manalangin para sa kanilang nag-iisang lihing sa buhay. Upang mabigyan ng tagapagmana ng kanilang ari-arian.
Sa kasalukuyan ay papunta sila ngayon sa isang mahalagang meeting sa proposal ng negosyanteng gustong makipag-partner sa kanila. Naglalakad na silang dalawa ngayon, papunta sa kanilang exclusive elevator, paakyat sa conference hall ng kanilang kompanya. Nakangiti na lamang sila, habang naglalakad at binabati ng kanilang mga empleyado.
“Good morning, Chairman Hildalgo and Vice Chairman Alice!” pagbabati sa kanila ng mga ito.
“Good morning too,” malambing at nakangiting sagot naman ni Alice sa kanila, samantalang napaka-cold lang ng kaniyang asawa, sa walang ekspresyon nitong mukha. Mabait din naman ito, sadyang boss na boss nga lang umakto at tahimik, hindi katulad ng kaniyang asawang malapit sa tao at may pagkaingay din minsan.
Nang makasakay na sila sa elevator at mapindot ang numero doon, ay nagulat na lamang si Alice nang kurutin ni Hidalgo ang kaniyang may katangusang ilong. Nangunot na lamang ang noo niya, habang nagtatakang tinitingnan ang nakangiti at mukhang kinikilig na asawa.
“Honey, anong meron? Normal na pagkain naman ang almusal natin kanina ah?” pagkuwa’y natatawang tanong nito sa asawang namumula na ang mukha.
“Nothing… I’m just in love with my charming wife today, seeing her greet the employees in a sweet tone. I love you, Honey,” tapat at kinikilig naman sagot ni Hidalgo sa babaeng pinakamaganda sa kaniya.
“Bolero! Alam mo, Hidalgo, katulad ka pa rin nang dati? Kung hindi ka lang gwapo at mayaman noong college eh, ‘di talaga kita sasagutin,” anang babae at hinampas sa braso ang kaniyang asawa.
“Correction! Rich, handsome, muscular, tall and daks!” pagtatama nito sa asawang nakataas ang isang kilay. Kinindatan pa niyang ito nang masabi at nagtangkang hahalikan ito.
“Mukha mo! Daks nga, pero baog naman!” Pinigilan ni Alice at mukha ng kaniyang asawa gamit ang kaniyang kamay at itinulak ito. Pero gano’n na lamang siya nagulat nang bigla nitong hawakan ang kaniyang mga kamay at ipader siya. “Tigilan mo nga ‘tong lalaki ka!” dagdag pa niya at nagpupumiglas sa kaniyang matangkad na asawa. Hindi na sila teenager na katulad nang dati para gawin pa ang mga bagay na ito, pero ganito na lamang sila mag-asaran.
Naipikit na lamang niya ang kaniyang mga mata nang lumapit ang mukha nang asawa. Akala niya ang hahalikan siya nito, gano’n na lamang siyang nakiliti nang bumulong ito sa kaniyang tenga at magpunta ng isang halik doon. Oo, seductive ang asawa niya, pero wala din itong silbi dahil nga hindi sila magkaroon ng bunga.
“Correction again, mahal ko. Baog na katulad mo!” bulong nito at ipinagdiinan ang huling sinabi. Tumawa pa ito nang malakas at at nakakaasar. Sakto din naman tumunog at bumukas na ang elevator, kaya nauna na itong lumabas. Naiwan na lang si Alice doon, na natatawa na lang din.
‘Gagong lalaki! Kung sabagay, may point naman siya. Iba na talaga ang tumatanda, nagiging ulyanin na,’ saad pa nito sa kaniyang isipan at bahagyang natawa. Inayos na lamang niya ang kaniyang sarili, bago umalis doon at sundan ang kaniyang mayabang na asawa.
Nang makarating si sa conference ay nandoon na ang kanilang kapwa director ng kompanya, pero gano’n na lang sila katahimik dahil nandoon ang isang taong minsan na silang pinagtaksilan. Pagkapasok pa lang nito dito ay nag-dismiss na sila kaagad at hindi na itinuloy pa ang meeting, sapagkat ayaw na nila itong maging partner pang muli. Kaagad din namang nagsialis ang iba pang opisyal nang ipaalam ni Hildago, na wala ng mangyayaring meeting proposal.
“Wala ding kasing kapal ang mukha mong bwisit ka, ano?!” seryoso ang tono ni Hildalgo, nang makita si Gil Guang, ang dati nilang business partner at malapit na kaibigan, pero ninakawan sila nito ng shares sa kompanya, ilang taon na ang nakkalipas. “You better go out my company, bago ko mabasag ‘yang mukha mo,” dagdag pa nito at susugudin na sana ito ngunit napigilan siya ni Alice.
“Honey, calm down! Gil, please umalis ka na at ‘wag ka nang bumalik pa. I’m sorry pero, mahirap nang ibalik ang tiwalang minsan mong nang sinira,” mahinahong ani Alice, sa dating kaibigan. Wala namang nang iba pang nagawa ang lalaking kun’di umalis na lamang.
Lalapit lang ulit sa kanila ang isang ‘yon upang makipagkasundo muli at isalba ang kaniyang negosyo. At kapag nakaahon na siya, ay muli na naman itong gagawa ng ikasisira niya. Dapat ay hindi na nila ito pinagkatiwalaan pa noon, kung gagawa din lang ng ikapapahamak nila. Isang taong manggagamit at kapag nakaangat na, ay hindi na ito lilingon pa sa pinanggalingan. Kaya siya bumabagsak, dahil takbo nang siya nang takbo ta hindi tumitingin sa dinadaanan. Bigla na lamang itong mapapatid at madadapa, at ngayon ay muling hihingi ng tulong.
Naipagpatuloy naman nila nang maayos ang araw na iyong sa kanilang kompanya, kahit na sinimulan itong hindi maganda. Marami silang inasikaso at kinailangang pirmahang papales. Nagkaroon din sila ng ibang meeting sa labas at doon ay napagtagumpayan nila ito. Mabuti na lang at magaling silang makitungo sa mga tao, kaya wala pa silang unsuccessful meetings, maliban sa nangyari kaninang umaga. Wala namang nangyari meeting proper, kaya hindi na lamang nilang isip pa ito.
Mabilis naman lumipas ang oras at maaga silang umuwi. Pagod man sa trabaho, ngunit sanay na din sila dito, sa dalawampung taon nila sa industriya. Kaunting pahinga lang nito ay ayos na silang muli, basta’t sila’y magkasama.
Nasa kalagitnaan na sila ng daan pauwi nang biglang may tumawag sa kanila at mula sa kanilang bahay. Kaagad din namang sinagot iyon ni Alice, dahil mukhang importante ang tawag. Usually kasi ay sila ang tumatawag sa mga ito, ngunit iba ang nangyari ngayon.
“Hello, Bing! Bakit? Anong nangyari?” bungad nito sa kausap sa telepono at isang sa kanilang kasambahay.
“Ate, si Ate Sha po kasi, umalis ng bahay,” anito na nakapagpagulat sa kaniya.
“Ha? Bakit? Bakit daw?” tanong at paglilinaw pa nito. Nagtanong din ang kaniyang asawang abala sa pagmamaneho at sinagot niya din ito.
Simple lang silang klase ng tao, kahit pa mayaman. Gusto nilang ituring sila ng kanilang mga katulong sa bahay, na parang mga kapatid na din. Kaya gano’n na sila tawagin ng mga ito. Gusto nilang pantay ang turingan, kahit pa silang ang boss.
“Ate, dinala daw po kasi sa ospital ‘yung nanay niya, inatake daw sa puso. Kilala niyo naman po si Ate Sha, hindi basta-bastang aalis iyon kung hindi importante at saka hindi din po siya mapalagay kanina,” mahabang pagpapaliwanag pa ng kaniyang kasambahay na halatang umiiyak dahil sa namamaos na boses.
Kinakabahan naman sila bigla dahil sa narinig. Malapit na sa kanila ang lahat ng kasambahay nila, lalo na si Shasha. Limang taon na itong nasa kanila at alam nilang mabuti itong tao. Pinag-aaral din nila ito, habang namamasukang katulang sa kanila. Gusto nila itong tulungan sapagkat hindi biro ang pinagdaanan nito sa buhay. Sa murang edad pa lang kasi, ay nangangalakal na ito upang may makain, kasama ang kaniyang inang may dinadamdam na sakit ngayon.
“Oh, sige at pupuntahan namin sila. Saan daw bang ospital?” muli niya tanong nito.
“Ate, sa Sweet Heart Medical Center daw po,” mabilis naman ni Bing, sa kaniyang Ate Alice.
“Okay, pupuntahan namin sila. I’ll try to call her also. Magluto kayo d’yan ah? ‘Wag din kakalimutang magsara ng bintana at pinto, baka kasi gabihin na kami,” saad pa niya, bago ibaba ang tawag.
Mabilis naman silang tumungo sa lugar na iyon at may kalayuan din ang isa’t kalahating oras na byahe, patungo sa lugar na ‘yon. Napag-uusapan na lang nilang mag-asawa ang mga nangyayari, habang binabagtas ang daan. Everything is unexpected nga naman kasi, lalo na kapag ganito mga bagay.
Mula sa isang oras, ay naging dalawa ito, hanggang sa nagpapaikot-ikot at pabalik-balik na sila ng dinadaanan. Umuulan na din at malas pa dahil walang malakas na signal kapag ganito ang panahon. Napahilot na lamang sila ng ulo at napapahinga nang malalim nang mapag-alamang naliligaw na sila ng daan.
“Ano ba naman ‘yan?! Ngayon pa tayo naligaw oh,” ani Hidalgo, nang makita na naman ang nadaanan nila kanina.
Doon ay lumiko naman sila sa isang kalsadang napakadilim at nakakatakot, lalo na ngayon at umuulan pa. Ito na lang ang likuan na hindi pa nila napapasok, kaya dito na ang napili nilang tahakin. Ang nakakapagtaka nga lang ay napakadilim nito, na dapat ay maliwanag sana dahil sa mga street light.
“H-Honey, natatakot ako,” ani Alice at nagtatakip ng mata.
“Don’t be, Honey, nandito naman ako,” sagot naman ng kaniyang matapang na asawa.
“Ang malas naman kasi ng araw na ‘to! And ngayon lang ‘to nangyari sa atin,” inis na saad pa ni Alice.
“It’s called adventure, mahal ko,” positibong sagot pa ni Hidalgo at hinawakan ang kamay ng kaniyang matatakuting asawa.
Ipinagpatuloy pa nila ang pagbagtas sa napakadilim na daang iyon, hanggang sa mapahinto na lamang sila sa nakahandusay na katawan, sa gitna ng kalsada. Doon na sumigaw nang malakas si Alice at umiyak sa takot. Hindi niya alam ang gagawin, kaya’t natagpuan na lamang niya ang sarili sa backseat at nagtatago. Matapang naman lumabas ang kaniyang asawa at tiningnan ito.
Kitang-kita naman ni Hidalgo ang isang maliit na katawang basang-basa ng tubig ulan. Naiilawan ito ng kanilang sasakyan, kaya’t makikitang isa itong batang lalaki. Kinakabahan man ngunit naglakas-loob pa rin siyang lapitan ito.
Gano’n na lang manlambot ang kaniyang puso nang makita ang itsura nito. Isang payat, madungis at mabahong batang lalaking ang kaniyang nakita. Kitang-kita ang takot sa mukha nito, kaya gano’n na lamang tumulo ang kaniyang mga luha. Hindi niya alam kung bakit? Pero biglang kumirot ang kaniyang puso, dahil doon. Pakiramdam niyang nakahanap na naman ulit siya ng kayamanan sa kaniyang buhay.
“Honey, may bata dito!” Sigaw pa niya, bago buhatin ang bata at dalhin sa kanilang sasakyan.
Idinala nila ito sa ospital, kung saan naroroon ang ina ng kanilang kasambahay. Mabuti na lang dahil sa oras na iyon ay tumila na din ang ulan at nagkaroin din sila ng maayos na signal upang kumonekta sa internet at makahanap ng masusundang daan sa maps. Doon ay nakarating din sila sa ospital.
MULA sa pagkakahiga ng batang nakaratay sa kama ng ospital ay malakas at takot na takot itong nagsisisigaw. Kitang-kita sa mukha nito habang nakapikit pa rin, ang labis na poot mula sa nangyati kagabi. Binabangungot na lamang siya dahil sa mga hindi niyang inaasahang bagay na makikita, sa mura niyang edad.
Dahil naman doon ay mabalis na napabalikwas ang mag-asawa sa kaniyang tabi at kaagad suyang nilapitan. Tinapik-tapik nila ang pisngi nito at doon at saka niyuyugyog upang magising. Kinakabahan sila sa nangyayari sa batang natagpuan nilang walang malay sa gitna ng daan kagabi, habang malakas na umuulan.
"B-Boy... A-Anong nangyayari? Gumising ka, anak," anang babae, na siyang tumatapik sa pisngi ng bata. Hindi na nito maiwasan pang mataranta at napatakbo na lang sa labas upang tumawag ng tulong sa may nurse station, samantalang naiwan naman ang kaniyang asawa at ginigising pa rin ang bata.
Doon ay biglang napaiyak ang batang lalaki at idinilar ang kaniyang mga mata. Habol-habol nito ang kaniyang hininga, habang ang kaniyang dalawang kamay ay nasa kaniyang dibdib. Kung titingnan mo ito ay parang pagod na pagod siya sa pagtakbo at butil-butil ang mga pawis na bumabasa sa kaniyang damit. Nakakaawa ang itsura nitong may bahid ng pangamba at poot.
"Tahan na, tahan na. Nandito kami... Kasama mo kami," saad naman ng lalaki, upang pakalmahin ang bata at hinaplos-haplos ang ulo nito.
Hindi rin naman nagtagal ay dumating na ang nurse at doctor, upang tingnan ang kalagayan ng bata. Sinabi naman nilang kailangan nito ng rehabilitation dahil nakikitaan itong depresyon at trauma.
Kay bilis lumipas ng gabi, matapos iyon. Hanggang sa mapagdesisyonan nilang kupkupin na lang ang batang iyon, sa 'di nila malamang dahilan. Sinabi nila sa isa't isang magaan ang pakiramdam nila dito.
"Honey, ito na siguro 'yung hinihiling natin? Ang magkaroon tayo ng anak na aalagaan st mamahalin," naluluhang saad ni Alice sa kaniyang asawa at niyakap ito.
"I hope so, mahal ko. Just like you, lagi ko rin ipinapanalangin na sana ay magkaroon tayo ng batang mamahalin," sagot naman nito sa kaniya asawa. Hinalikan pa niya ito sa noo, bago tingnan ulit ang batang ngayon ay nahihimbing namuling natutulog sa hospital bed.
Pagkatapos niyon ay pinunatahan naman na nila ang su Shasha at ang kaniyang ina. Nangako baman silang tutulungan nila. Sasagutin na nila ang lahat ng gastusin dito sa ospital, basta't bumalik lamang ang kanilang katulong sa kanilang bahay.