KABANATA 8: SA BAWAT PAGKAKAMALI

1251 Words
Third Person's POV Hindi naman na nahirapan pa si Ayehster at Vytariah na lumabas ng palasyo, papunta sa kanilang tutuluyang bahay. Hindi rin naman iyon kalayuan kaya't mabilis nila itong narating. Ang hindi nga lang nila alam ay hindi pa nalilinisan ang kanilang tutuluyan, kaya gano'n na lang sila nagulat nang tumambad ang isabg maliit, puno ng alibok at maraming sapot na bahay. Napahinga na lang nang malalim ang prinsesa, samanlatang nagkakamot naman ng ulo ang kaniyang bituing yaya. At dahil wala naman silang magagawa, napilitan na lamang silang pasukin at linisin ito, sapagkat mayroon namang nakahandang panlinis sa likod ng pinto. Wala rin naman silang ibang mauutusan o matutulungan dahil nasa dulo sila ng kaharian, kakaunti lang din ang malapit na bahay sa kanila. "Hayst... Ano ba 'tong napasok ko? Pero hayaan na lang natin dahil na wala na rin naman tayong magagawa. Ang pinakamabuting paraan na lang siguro ay tanggapin ang lahat. Kasalanan ko din naman ito, kaya nararapat lang na pagdusaan," ani Ayehster habang inaagiw ang bawat sulok ng bahay. "Tama 'yan, aking prinsesa. At saka isipin na lang natin nang positibo ito. Sa bawag pagkakamali naman ay mayroon tayong napupulot na aral. Kaya nasasabing natututo at tumitibay ang isang nilalang sa mga pagkakamali o pagsubok ng ating buhay," sagot naman ni Vytariah, habang nagwawalis naman ng sahig at matiyagang nilalampaso ito. Ipinagpatuloy na lamang nila ang paglilinis ng bahay, habang pinag-uusapan ang mga bagay-bagay, katulad na lamang ng pag-ibig. Gano’ na lamang sila nag-asaran at tumawa sa kanilang usapin. Todo asar na alng si Ayehster sa kaniyang damang si Vytariah. “Ikaw ah? Ang dami mo pa lang lihim sa akin ah? May lihim ka pa lang pagtingin kay Sapihro,” anang prinsesa at sinundot ang kaniyang kasama sa tagiliran nito. Gano’n na lamang umiwas si Vytariah, habang namumula ang mga pisngi. “Mahal na prinsesa, wala namang masama kung tayo’y magmamahal dahil parte iyon ng ating buhay. Ako, bilang dama mo, mayroon akong tungkulin sa kaharian, kung kaya’t hindi pa ako nag-aasawa. Ikaw din. Darating din ang panahon na iisipin mo iyon, lalo na kapag mayroon ka ng prinsipeng mamahalin. Sa ngayon ay pagtuonan mo muna ang iyong sarili, ang mga magulang mo, ang mga Astherian at ang buong kahiraan, pati na ang pagpasok mo sa paaralan ng mga mahika,” mahabang lintanya ng bituing yaya sa kaniyang pinamamahal na prinsesa. Tahimik namang nakikinig sa kaniyang dalaga at nappaatanong na lamang sa mga sinasabi niya. “Alam mo, Vytariah, iniisip ko na din ‘yan dati, pero mas gusto ko na lamang manatili sa silid ko, kaysa makipaglandian. Excited din ako sa unibersidad pero matagal pa naman ‘yon. At saka ‘wag mo ngang ipunta sa akin ang usapang ito,” sagot naman nito sa mapagbirong tono. “Ah basta, kinikilig pa rin ako saiyong dalawa ni Sapihro. Alam mo bagay kayong eh. Totoo, walang halong biro,” dagdag pa niya. “Sana pala, ‘di ko na lang sinabi sa’yo, kung aasarin mo din pala ako. Kapag ikaw, nagkaroon ng manliligaw, humanda ka talaga sa akin dahil hindi kita titigilan,” natatawa sambit pa ng bituing yaya. Tumawa lang naman si Ayehster sa mga sinabi niya. “Hay naku, Vytariah… ‘Wag ka nang umasa pa dahil hinding-hindi mangyayari ‘yan. Alam mo bang isa ‘yan sa aking mga kahilingan?” pag-angal at pagtatapat sa kaniyang ng prinsesa, “Ay susmaryosep kang bata ka! Kung anu-anong lihing ang ginagawa mo. Utos ng bathala na dapat lahat ay may asawa, kaya wala ka ding magagawa,” pagsalungat naman ni Vyatariah sa kaniya. Napabuntong hininga na lamang si Ayehster, habang pinakikinggan ang mga iyon sa kaniyang pinakamamahal na alalay. Hindi na di sila nagtagal pa sa usapang iyon dahil mabilis din silang natapos sa paglilinis. Dahil naman sa pagod ay naisipan na lamang nilang maghanda ng makakain, bago lumabas. Kailangan din nilang ng kaunting pahinga, bago ipagpatuloy ang araw na puno ng trabaho. Dahil nasa labas sila ng palasyo ay simpleng pagkain lamang ng Astherian ang makakain nila. Hindi sanay ang prinsesa sa mga ganitong pagkain, kaya gano’n na lamang niya tikman ang mga ito. Isang simpleng tinapay lamang ito na gawa sa harina at walang kalasa-lasa, na kailangan pay isaw-saw sa tinunaw na asukal. Tanging gatas na lamang ang kaniyang ininom, habang pinagmamasdan si Vytariah na kumain. Mabilis din naman silang natapos doon. Hindi na rin naman sila nagtagal ay mayroong kumatok sa kanilang pinto. Nang buksan naman ito ni Vytariah, bumungad sa kaniyang ang tatlong pinuno ng kaharian. Gano’n na lamang siya nagulat nang makita ang mga ito, habang nanlalaki ang mga matang bumalik sa prinsesang nakaupo sa sala. “Magandang umga, dama ng prinsesa!” bati nilang tatlo at nagbigay galang sa pamamagitan ng bahagyang pagyuko. Gano’n din naman ang ginawa ng bituing yaya, bilang tugon sa kanila. “Maaari ba namaing makausap ang mahal na prinsesa?” tanong pa ng isa sa kanila. “Maaari po, mga pinuno. Tumuloy po muna kayo sa kakalinis naming maliit na tutuluyan,” sagot naman ng bituing yaya at binigyang diin ang kaniyang huling sinabi. Punto niya talagang patamaan ang tatlong ito, dahil hindi naman magandang bigyan pa sila ng ganitong kaparusahan at ang pagtira nag-iisang bagay dito sa dulo. “Mahal na prinsesa, naririto po ang tatlong pinuno ng Astheria at hinahanap po kayo,” pagtawag pa nito sa kaniyang alaga. Dahil narinig ay mabilis na tumayo ang prinsesa at sinalubong ang tatlong pinuno ng kaharian. Katulad naman ng nakasanayan ay nagbigay galang ang mga ito sa kaniya at gano’n din naman siya. Pinaupo naman nila ito sa kanilang maliit na sala at hinandaan ng makakain. “Mahal na prinsesa, naparito kami upang makausap kayo tungkol sa mga naapektuhan. Nais po sana naming magpunta po kayo doon at kamustahin sila. ‘Wag po kayong mag-alala sapagkat nauunawaan naman po nila ang lahat. Hindi po namin desisyon ang palabasin kayo sa palasyo, kun’di desisyon din poi to ng mga Astherian. Gusto po nilang makita kayo, bilang aming prinsesa at opisyal ng buong kaharian. Umaasa po kaming pahihintulutan niyo kaming dahil kayo sa kaniya,” mahabang pagpapaliwag ni Grego, ang pinuno ng mga tagapagbantay sa kaharian ng Astheria. Kahit na bata pa si Ayehster ay nauunawaan niya ang mga sinabi nito. Alam niyang malimit siya nakikita ng kanilang mga mamamayan, kaya’t pumayag siya sa kagustuhan nito. Bilang nakasala na din, syempre ay nararapat lang din na kamustahin nila ang mga ito, kahit na hindi naman nito sinasadya ang lahat. Kaya dapat na kamustahin niya sila. “Dahil wala naman na kaming gagawin ng dama kong si Vytariah, pumapayag na ako sa kagustuhan niyo, mga kagalang-galang na pinunong Grego, Leonsito at Picaso.” Agot ni Ayehster nang nakangiti. “Maraming salamat po, mahal na prinsesa. Ipagpaumanhin na lamang po ninyo ang pagtuloy sa ganitong bahay, sapagkat ito na lamang po ang natitirang pwedeng matutuluyan sa buong Astheria,” ani Leonsito. “Nauunawaan ko po ang lahat, pinunong Leonsito,” saad naman ng butihing prinsesa. “Kung gayon ay maaari na po kayong sumakay sa karwahe upang dalhin kayo sa sentro ng kaharian,” pahayag naman ni Picaso at ginawi ang kaniyang kamay sa pinto. “Maraming salamat kung gano’n,” mulung pagpapasalamt ni Ayehster sa kanila. Bago lumabas ay niligpit muna nila ang kaniyang pinagkainan. Hindi na rin naman iyon nagtagal at sumakay na sila sa karwaheng naghihintay sa labas, na siya ding sinakyan nila noon. Dinala sila nito sa sentro ng Astheria, sa may fountain.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD