KABANATA 9: PAGBISITA

2024 Words
Third Person's POV Hindi alam ni Ayehster na may naghihintay na surpresa para sa kaniya sa sentro, kaya nang makarating sila dito ay nagtataka siya. Alam ng mga Astherian ang pagkakamaling ginagawa ng kanilang prinsesa ngunit naiintindihan nila ito sapagkat dapat pa rin siya galangin bilang opisyal ng kaharian at bilang bata pa siya. Nauunawaan nilang hindi pa gano'n ka-mature ang kaniyang pag-iisip at dahil na rin sa mahal na mahal nila ito. Dito sa kaharian ay minsan lang siya lumabas ng palasyo, kaya naman nananabik ang bawat isang makita siya, lalo na ang mga bata. Alam nilang hindi ito pala-labas at tanging nagkukulong lang sa kwarto, kasama ang kaniyang dama. Gusto nilang makita ang kaniyang natatanging ganda, ang kaniyang presensya at ang busilak nitong puso. Habang pinagmamasdan ni Ayehster ang lahat mula sa loob ng karwahe ay napaluha na lamang siya, dahil hindi galit ang kaniyang nakikita sa mga mamamayan kun'di pananabik, saya at nag-uumapaw pagmamahal. Hindi niya lubos na inakalang ganito ang magiging pagsalubong nila sa kaniya dito sa sentro. Hindi niya inaasahang mayroon pa ring sumusuporta sa kaniya, sa kabila ng pagkakamali nito. Ang mga malalaking ngiting puno ng saya, ang mga matang nananabik na makita siya at higit sa lahat ay ang pagmamahal na nararamdaman niyang mula sa mga ito. Hindi niya alam pero masayang-masaya siya pagkakita sa mga ito. Parang napantayan na nito ang hinahanap na pagmamahal mula sa kaniyang amang si Moluchas sa Munehria. Ang kaniyang mamamayan ang pumuno sa kulang sa kaniyang buhay. Ang mga ito ang sumisimbolong pagmamahal sa kaniya, kaya gano'n na lamang siya maging emosyonal. Habang lumuluha naman siya at napapaluha na lang din si Vytariah, habang pinagmamasdan ang napakagandang prinsesa. Sa murang edad nito ay marami na siyang kailangang pagdaanan, ngunit alam niyang ito ang magpapatibay sa kaniya. Alam niyang sa hinaharap ay magiging matapang si Ayehster at pamumunuan nang mahusay ang buong Astheria. Napangiti na lamang siya sapagkat proud na proud siya sa kaniya. Sa isip-isip niya ay hindi pagkatalo ang pagkakamali, bagkus ay isa itong itong aral sa ating buhay at magpapatibay sa ating sarili. Hinimas na lamang niya ang likof ng prinsesa at niyakap ito nang mahigpit na mahigpit. "Kita mo, Ayehster, mahal kong prinsesa? Walang galit na makikita sa Astheria, kun'di pagmamahal at pagpapatawad. Maaga pa ang lahat, marami ka pang pagdadaanan at alam kong kayang-kaya mo itong harapan sapagkat alam kong matapang ka, katulad ng iyong ina. At syempre, bilang iyong dama, isa ako sa nakasuporta sa'yo lagi," mahabang saad ni Vytariah, habang yakap si Ayehster. Matapos iyon ay inayos na nila ang kanilang sarili, bago bumukas ang pinto ng karwahe. Tumugyog pa ang mga trumpeta nang lumabas siya doon. Gano'n na lamang sila mapangiti nang marinig ang ingay ng mga Astherian. Lahat sila ang masayang-masaya na makita ang kanilang prinsesa. Pagkababa ni Ayehster doon ay agad siyang yumuko upang magbigay galang o sinyales ng pagbati sa kaniyabg mamamayan. Hindi niya alam ang sasabihin sa mga ito ngunit alam niyang masayang-masaya din siyang makita sila. Ang kanilang mainit na pagtanggap sa kaniya ay siyang nagpapalambot sa kaniyang puso. "Magandang araw, mga minamahal kong Astherian!" pagbati niya sa mga ito at kumaway. Dahil doon ay naghiyawan at nagpalakpakan sila. "Magandang araw din, mahal na prinsesa!" sagot naman ng mga ito at ngumiti nang napakatamis. Agad namang pumunta sina Ayehster at Vytariah sa may gintong plataporma na may makukulay na bulaklak, na siyang naging silong nito habang kumikislap-kislap. Doon ay may naghihintay na maliit na pagsasalo upang siya'y salubungin. Mayroon ding maliit na programang magaganap tungkol sa mga aktibidades ngayong araw. Dito sa sentro ng Astheria ginaganap ang mga mahahalagang kaganapan sa buong kaharian katulad na lamang ng paligsahan, mga pagsasanay, pagpapalitan ng mga produkto at ang pagbisita ng mga opisyales o anunsyo mula sa mga ito. Makikita rin dito at malaking kalderang sumisibolo sa kaharian at ang fountain na may nagniningning na kristal. At dahil karamihan ay ginto, tunay ngang kumiskislap sa kagandahan ang lugar na ito. Para itong paraisong ginawa ng Diyos para sa mga tao, ngunit isa itong kahariang puno ng pagmamahal. Makikita din dito ang mga maliliit na diwatang naninirahan sa puno ng landas at pag-ibig. Sila ang mga gumagabay sa mga tao upang mahanap ang kanilang kaisang dibdib. Mamangha ka kapag nakita mo ito dahil mayroong kumikintab na parang golden glitters kapag gumagalaw sila. Maliit din sila ngunit makapangyarihan sa mahika at maliliksi. Ang mga ito ay normal na lamang sa kaharian dahil lahat naman sila ay engkantado't engkantanda o mas magandang tawaging immortal. Matatagpuan din dito ang isang napakalaking elesing sumasaklod ng tubig sa lawa na nagbibigay tubig sa Astheria, pangunahin na dito ang mga pananim at maiinom ng nga Astherian. Mayaman din ito sa mga yamang tubig katulad ng mga isda at iba pang lamang dagat. Puno din ito ng ilaw at isa sa mga nabibigay liwanag sa sa kaharian at mundong mortal. At ang pinakatuong atraksyon dito ay ang bilihan ng iba't ibang produkto ng bawat isa. Karamihan dito ay mga ginto, mga alagang hayop na magkakaiba ang uri, mga prutas at gulay, mga bulaklak at ibang gamit sa pang araw-araw na buhay. Dito dumadagsa ang mga mamamayan. Isama na din natin ang coliseum at ang unibersidad ng mga tala sa Astheria, kung saan nag-aaral ang mga bata. Magsasanay din dito si Ayehster, ngunit kailangan niya munang pumasok sa unibersidad ng mahika kasama ang iba pang prinsesa ng iba't ibang kaharian. Doon ay mas mapapalakas niya ang kaniyang kakayahan gamit ang mga bituin sa langit at sa pagtupad ng mga lihing. Mas mahuhubog ang kaniya sarili sa anumang sitwasyon at sa iba't-ibang paraan. Samantala, sa unibersidad naman dito sa Astheria, ay mapapalakas siya nito sa paraan nang paggamit ng mga sandatang pandigma katulad na lamang ng mga espada, sibat ay pana. Dito siya sasanayin sa pisikal at pandigmang paraan. Ituturo din sa kaniya ang mga lihim na kakayahan ng isang prinsesa, katulad ng kaniyang inang reyna. Masyado pa kasing bata si Ayehster para matutunan ito at baka hindi kayanin ng kaniyang katawan. At kapag dumating na ang panahon na iyon ay siguradong handa na siya. Matapos ang maliit na salo-salo ay naglibot na si Ayehster, Vytariah at mga pinuno sa kabuuan ng sentro. Bumisita sila sa mga kabahayan upang mag-abot ng tulong, katulad ng mga pagkain. Nakipag-usap siya din sa mga ito at nakipagkumustahan sa kaniyang mga mamamayan. Hindi na rin nagtagal ay tumulo g na siya sa mga naapektohan ng nangyari, dulot ng kaniyang pagsuway. Mas napagtanto niya doon ang kaniyang pagkakamali dahil kahit siya at nahirapan sa pag-aayos ng mga nasirang bagay. Ngunit alam niya sa kaniyang sarili na walang masama sa kaniyabg ginawa, sapagkat tungkulin din niya ang pagtupad ng kahilingan ng mga tao sa lupa. Wala man iyon sa tamang oras ngunit ang mahalaga ay nagampanan pa rin niya ang tungkulin. Pangunahing prayoridad nila ang kaharian ngunit hindi dapat pabayaan ang kanilang mga ginagabayang mortal. Nang maiayos nila ang lahat ay bumisita naman si Ayehster sa coliseum upang tingnan ang mga batang nagsasanay doon. Tuwang-tuwa naman siyang makita ang mga ito dahil sa cute na cute nilang itsura. Nakasuot kasi sila ng mga maliliit na kimono at may hawak na dalawang arnis at sabay-sabay na sumisigaw ang mga cute nilang boses. Napagod siya kanina ngunit parang nawala iyon bigla nang makita jiyang kay sisigla ng mga ito. Mga bata lang sila ngunit masusunurin at maabilidad. Habang pinapanood niya ang mga ito sa likod ay napapangiti na alamng siya dahil madali silang makasunod sa mga itinuturong galaw at kilos sa kanila. Pagkatapos naman nito ay maaari na silang umuwi at maglaro, kaya naisip niya makipagkulitan na lang sa kanila mamaya, kapag oras na ng uwuan. "Ang gagaling nila, Vytariah," ani Ayehster sa kaniyang katabi. "Kaya nga, mahal na prinsesa. Parang hindi sila mga bata," sagot naman nito. "Sinabi mo pa. Mukha ngang mas magaling pa sila sa akin eh," saad pa ng prinsesa at ngumiti sa kaniyang bituing yaya. Bahagya pa siyang huminto at tumingon sa mga ito bago ulit magsalita. "Kung normal na bata lang ako noon, siguro ay ganyan din ako o napagdaanan ko din ang mga bagay na katulad nito. Masayang siguro makipaglaro sa mga kapwa ko bata lalo na't mahilig ako sa taguan at habulan," dagdag pa niya habang iniisip ang mga bagay-bagay. Dahil doon ay lumapit sa kaniya si Vytariah at yumakapg sa kaniyang bewang. Hinaplos din nito ang kaniyang may kahabang gintong kulay na buhok at iniipit sa likod ng kaniyang tenga. "Sana... Pero alam mo, mahal na prinsesa, magkakaiba kasi tayong lahat. Ibig sabihin ay hindi tayo pare-pareho, kaya't naiisip natin minsan na sana ganito ako, na sana ganyan, mga gano'ng bagay ba? Mag kakaiba tayo ng tungkuling dapat gampanan. Ikaw bilang prinsesa, tungkulin mong pamunuan kami, kasama ang iyong ina at kami naman ay paglingkuran kayo at tumulo sa loob ng kaharian. Pero ito ang lagi mong tatandaan, Ayehster. Lahat tayo ay pantay-pantay, bilang nilalang na ginawa ng Diyos." pagpapaliwanag ni Vytariah sa kaniya, habang pinapanood pa rin ang mga bata sa ibaba nitong coliseum. "Gano'n na nga eh. May mga bagay talagang hindi natin naranasan na nagawa naman ng iba. Magkakaiba tayo ng sitwasyon, kaya mas intindihin sana natin ang isa't isa kaysa manghusga," sagot pa ni Ayehster. "Tama 'yan, Ayeshter, mahal kong prinsesa," saad pa ng bituing yaya at tuluyan na itong niyakap. Makalipas ang ilang minuto ay natapos na rin ang mga bata sa kanilang pagsasanaybat sinalubong sila ni Ayehster doon, kasama si Vytariah. Masayang-masaya ang nga itong makita siya at ang iba'y napanganga na lamang sa gulat at pagkamangha dahil nasa harapan nila ang magandang prinsesa. "Ate Ayehster!" Sigaw ng isang batang babae at masayang tumakbo ito palapit sa kaniya. Nagkatingin na lamang ang prinsesa at si Vytariah, dahil sa itinawag nito sa kaniya. Napapailing na lamang ang bituing yaya at inintindi na lamang ito, sapagkat bata pa naman. Sa paglaki nito ay maiintindihan naman siguro niya ang lahat. "Mahal na prinsesa!" Sigaw naman ng ibang bata at yumakap sa kaniya. "Kumusta mga bata! Maayos ba ang naging pagsasanay niyo?" tanong ni Ayehster sa kanila at ginulo ang buhok ng mga ito. "Maayos naman po at masaya dahil nakita at kasama mo namin kayo ngayon," masayang saad naman ng batang lalaki. Ang mga ito ay nasa edad otsenta at nobentang libong taon o sa mortal na mundo ay walo at siyam pa lamang. Kadalasang ginagawa sa ng mga ito ay naglalato lamang maghapon at nag-aaral sa paaralan katulad ng mga mortal, ngunit mayroon na silang responsibilidad sa buong kaharian. Hanga si Ayehster sa kanila dahil sa murang edad ng mga ito ay kayang-kaya na nilang makihalubilo sa iba. Mga bibo silang bata. Nagpunta pa sila sa parkeng malapit doon at nakipagkulitan ang prinsesa sa kanila. Ibinili oa niya ang mga ito bg matatamis na pagkain, na siyang paborito ng mga bata sa ganitong edad. Naglaro din sila doon, nakwentuhan at nagtawanan bago sila mag-uwian. "Paalam mga bata, mag-iingat kayo sa pag-uwi! Bibisita ulit ako sainyo kapag mayroon akong sapat na oras. Salamat sa araw na ito," pagpapaalam pa sa kanila ni Ayehster, habang nakangiting kumakaway sa kanila. "Paalam, mahal na prinsesa!" sagot naman ng batang tumawag sa kaniya kanina ng ate. At iba nama ay kumaway pa at naglakad na pauwi. Nakangiti na lamang si Ayehster, habang pinapanood ang likod at maliit ng mga batang naglalakad. Sa wakas ay naramdaman na din niya kung paano magkaroon ng nakababatang kapatid. Masaya ang magkaroon nito, sa isip-isip niya. Masayang maging bahagi ng buhay ng bawat isa. Natapos ang araw na iyon na puno ng saya. Sumakay na lamang din ang dalawa sa karwahe upang dalhin na sila sa palasyo. Natapos na ang lahat kaya't maari na silang umuwi doon. Ang mga gamit na nasa bahay na dapat nilang tutuluyan ay isusunod na lamang din sa palasyo. Ang araw na ito ay maraming mapupulot na at kabutihan sa isa't isa. Napahawak na lamang ang prinsesa sa kaniyang dibdib, habang nakatanaw sa bintana ng karwahe at pinagmamasdan ang maliwanag na buwan, kung saan naroon ang kaniyang ama. 'Mahal at nananabik na akong makita ka, aking ama,' saad niya sa kaniyang isipan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD