Third Persons POV
Mula sa malaking gintong tarangkahan ng palasyo ng Astheria, ay maririnig ang isang malakas na tunog ng trumpeta. Tatlong beses iyong tumunog upang ipaalam na nagbalik na ang prinsesa. Ang trumpetang ito ang matatagpuan sa mataas n tore sa bulwagan ng palasyo at hinihipan ito ng tagapagbantay doon at hindi ito basta-basta lamang. Upang mapatumog ito ay kinakailangan ng lakas at pwersa sa hangin dahil kasing laki ito ng isang sasakyan. At ang tagapagbantay dito ay si Hiphus, ang mensahero ng palasyo.
Doon ay pumasok naman ang kulay puting engrandeng karwahe kung saan sakay nito ang prinsesa at ang kaniyang bituing yaya. Masayang-masaya siyang makabalik muli dito kahit na hindi pa man siya nadadaanan ng araw doon, pero inaamin niyang masaya siyang nakalabas ng palasyo. Iba ang dala nitong saya sa kaniya, kaya't sinabi niya sa sariling aaraw-arawin na niya ang pagbisita sa labas ng kaniyang trono.
Nang tumigil na ang mga kabayong humihila sa karwaheng pinapatakbo ng kotsero ay mabilis ding silang bumaba. Ngayon ay aakyat naman sila sa may kataasang hagdanan sa palasyo upang makapasok sa loob nito. Nakakapagod din itong gawin ngunit sanay na sila dito. At isa pa ay nakaaliw ang pagkislap nito dahil gawa sa ginto at crystal.
Hindi naman alam ng dalawa na may naghihingay sa kanilang maliit na salo-salo sa kanila sa loob. Doon ay hinihintay sila ng lahat ng kinatawan ng palasyo pati na ang mga pinuno. At syempre ay hindi mawawala ang reyna, na siyang nagplano sa lahat. Gusto niyang surpresahin ang anak sa pagbabalik nito, sa mabuti at mabilis na nagawa nito ang kaniyang kapatusahan o mas magandang tawagin na lamang misyon. Ginawa niya din ito upang mas pormal siya makahingi ng tawad sa kaniyang anak at lalong-lalo nang mapasaya ito.
"Ang saya ko ngayon, Vyatariah, napakasaya!" magiliw na saad ng prinsesa, habang umaakyat pa rin sila sa hagdan.
"Kitang-kita ko nga, mahal na prinsesa. Alam kong maganda ang naging araw mo kahit na napagod tayo sa dami ng ginawa natin. Mahahagilap sa iyong mga mata ang matatamis na ngiti ang nararamdaman mong kasiyahan at lalong-lalo na sa iyong puso," ani Vytariah nang nakangiti at bumaling dito.
"Ikaw din, alam kong masaya ang naging araw mo, lalo na ngayon at makikita mo nang muli si Saphiro," mapanuksong saad muli ng prinsesa, na siya naman ikinamula at ikinatawa ng kaniyang bituing yaya.
"Hay naku, ikaw talaga! Tigilin mo na 'yan at baka marinig ka niya," pagsuway naman ni Vytariah sa prinsesa.
"Oh, sige na at baka magtampo ka pa. At saka ayokong mainis sa sa akin, ano? Masyado pang maganda ang araa na ito para masira, kaya titigil na ako sa pang-aasar sa'yo kay Saphiro. Isipin na lang natin na wala kang sinavi sa akin," suhestyon ni Ayehster at ngumiti na lamang. Nginitian din naman siya ni Vytariah at ipinagpatuloy na lamang nila ang pag-akyat, hanggang sa makarating sila doon. Gano'n na lamang siya magulat nang malakas na sumigaw ang lahat sa loob ng palasyo.
"MALIGAYANG PAGBABALIK, MAHAL NA PRINSESA AT DAMA VYTARIAH!" pagbati nila sa kanilang dalawa. Napatakip na lamang sila ng bibig dahil hindi nila inaasahan na may ganitong mangyayari sa kanilang pagbabalik.
Hindi maiwasang mapaluha ni Ayehster dahil hindi niya alam na mayroong ganiyong magaganap sa kaniyang pagbabalik. Nang makita niya naman ang kaniyang ina ay mabilis niyang tinakbo ito at mahigpit na niyakap. Sumiksik siya sa leeg nito at doon ibinuhos ang kaniyang mga luha sa labis na kagalakan.
"Maraming-maraming salamat, aking ina," aniya habang pinupunas ang kaniya mga mata gamit ang dalawang kamay.
"Walanv anuman, mahal kong prinsesa. Responsibilidad ko bilang ina mo na alagaan, mahalin at pasayahin ka. Patawad kung anuman ang naging alitan nating nitong nagdaang araw. Hindi ko simasadyang saktan ang iyong puso, anak ko. Ang tanging gusto ko lamang ay ituwid ang iyong pagkakamali, ngunit masyado akong nagpadala sa aking galit," madamdaming saad naman ni reyna Ariah nang kumalas sila sa kanilang yakapan. Habang sinasabi naman niya ang mga salitang iyon ay nakahawak ito sa kamay ng kaniyang pinakamamahal na anak.
Habang pinapanood at pinapakinggan sila ng bahagi ng palasyo ay hindi na maiwasan ng mga itong maging emosyonal sa kanilang nakikita. Karamihan sa kanila ay hindi ito ang unang pagkakataon na makitang ang mag-ina sa ganitong sitwasyon, ngunit gano'n na lamang sila madala dahil na rin sa malalambot ang kanilang mga puso. Ang bawat Astherian ay mayroong ginintuang puso, kung kaya't lahat sila'y mababait at mapagmahal.
"Nauunawaan ko po ang lahat, inang reyna, at alam ko pong mayroon talaga akong pagkakamali sa puntong iyon. 'Wag na po kayong mag-alala pa sa nangyari dahil hindi naman po ako nahirapan sa aking pagpunta doon. Ang naging pagbisita ko ag puno ng tamis, pagtanggap, pagtutulungan at pagmamahalan. Puno ang araw na ito ng mga aral na maitatanim ko sa aking puso't isipan, na siya ding pwede kong gamitin sa pang-araw-araw na gawain dito sa kaharian." mahabang anito at saka ngumiti sa harapan ng kaniyang pinakamamahal na ina.
"Proud na proud ako sa'yo, Ayehster. Parang kailan lang noong kinakarga pa kita dito sa mga bisig ko, kasama ang iyong ama at si Vytariah. Hindi ko akalain lalaki ka nang mabilis at masasabi sa akin ang mga ito. Nawa'y gabayan ka lagi ng bathala sa lahat nv mga bagay na sa tingin mo'y ikabubuti mo, ng mga mortal at nang kaharian," saad muli ng reyna at hinaplos ang buhok ng anak.
Matapos iyon ay pumunta ay umupo na sila sa kanilang mga upuan at masayang pinagsaluhan ang mga inihandang pagkain. Napuno pa ang kanilang pagsasalo ng usapan at tawanan, bago ito nagtapos. Nang maipiglit naman na nila ang lahat ay nagkaniya-kaniya na sila ng daan patungo sa kanilang mga silid upang magpahinga, maliban na lang sa mag-inang magkasama pa rin hanggang ngayon.
Ngayon ay naglalakad silang dalawa sa palisyo ng palasyo at nag-uusap pa rin sa mga bagay na nangyari sa pagpunta niya sa sentro ng kaharian. Ikwinento naman ng prinsesa sa kaniyang ina ang mga nangyari sa tonong masayang-masaya.
"Marami din akong nakilala at nakalarong mga bata doon, ina, at nakakatuwa silang tingnan habang nagsasanay sa loob ng coliseum. Lahat sila ay sabay-sabay na kumikilos, hangang-hanga ako sa kanila dahil sa mudang edad ay marunong na silang sumunod at matuto ng mga gano'ng bagay. Mahirap magsanay pero makikita mo aa mga muhka nilang desidido at sanay na sila," pagkukwento ni Ayehster sa kaniyang ina.
"Maayos kung gano'n dahil nakahanap ka na din ng ga bagay na nagpamulag sa iyong loob. Ang ibig kong sabihin sa puntong ito ay nagising na ang iyong diwa, upang mapaghandaan ang mga pagsubok at pagsasanay na gagawin mo. Hindi na rin magtatagal pa, mahal ko, at magsasanay ka na rjn katulad nila. Kapag dumating ang araw na iyon ay nais ko gamitin mo ang iyong puso sa lahat ng bagah at alam kong handa ka na para doon, Ayehster," anang reyna at tinapik-tapik ang balikat ng kaniyang anak. Tumango at ngumiti naman ang prinsesa, bilang pagsang-ayon sa kaniyang ina.
Sa kanilang paglalakad ay dinala sila ng kanilang mga paa sa silid aklatan ng palasyo, ayon na rin sa balak ng reyna na dalhin dito ang anak. Bata pa si Ayehster noong unang pumunta suya dito at alam niya hindi na nito matandaan iyon. Ang lugar na ito ay tago at iilan lamang ang nakakaalam, kung kaya't silang dalawa na din ang magkasama ngayon. Ang silid kasi na ito ay naglalaman ng mga mahahalaganh bagay na higit na importante sa kaharian ng Astheria, isa na dito ang historia nito at mga gamit at bagay na taging opisyales lamang ang nakakahawak.
"Kung mapapansin mo, mukwang pamilyar sa'yo ang lahat? Naaalala mo ba, aking anak?" tanong ng reyna. Umiling lang naman si Ayehster, habang inililibot pa rin ang kaniyang paningin sa paligid nito.
"Hindi po at saka hindi ko alam na may ganitong lugar pala dito sa palasyo. Nagulay nga ako kanina nang biglang magbukas ang mga pader sa pasilyo," anang prinsesa.
"Alam kong hindi ka na pamilyar sa lugar na ito dahil musmoa ka pa noong unang beses mong pumunta dito, kasama ang iyong ama. Kung hindi ako nagkakamali ay ipinapasyal ka niya dito lagi dahil natutuwa kang makita ang mga bagay sa paligid," saad ni reyna Ariah, habang nakasiklop ang kaniyang mga kamay sa kaharapan nito. Dahil doon ay hindi makapaniwala ang prinsesa sa kaniyang mga narinig.
"Talaga ba, ina?!" tanong pa nito sa gulat na tonk, na siya naman ikinatango ng reyna.
"Sagrado ang lugar na ito, anak, dahil nandito ang lahat ng mga importanteng bagay. Hindi mo man alam ang lahat, ngunit ang lahat ng bagay na makikita mo dito ay may malaking gampanin o magagawa sa buong kaharian. Nandito ang mga detalye kung kailan lumitaw ang ating lugar, kung kailan ako ginawa ngmi bathala upang gabayan ang mga tao sa lupa. Kung kailan nangyari ang mga pinakamasasaya at pinakanakakalungklt na araw. Kung kailan pinagtagpo kami ng iyong amang Moluchas at isilang ka. Kung kailan tayo unang tumupad ng mga hiling. Ang lahat ng iyon ay nandito sa silid na ito," pahayag ng reyna at pinagmamasda ang lahat ng bagay. Ngunit habang tinitingnan niya ang mga ito ay gano'n na lamang siya napahinto at napatulala nang makita nito ang isang bagay.
'Mga pangyayari kung kailan hinamak ako ng kapatid ko,' pagpapatuloy niya sa kaniyang isipan.
Nang masilayan niyang muli ang dating korona ng kaniyang kapatid, na dati rin ay bahagi at prinsipe ng Astheria. Ang dating kapatid na mapagmahal, masayahin, makulit at mabait ay binalot ng kasakiman, inggit at galit. Ang kapatid na hindi niya alam kung saan siya nagkulang. Ang kapatid na ngayo'y mortal na niyang kaaway.
Dahil sa biglaang pagkahinto ng reyna ay nagkata ang prinsesa, sapagkat natahimik ang kaniyang ina. Sinundan niya naman ito, habang hawak-hawak din ang isang litratong pinaghihinalaan din niya. Isang litratong kamukhang-kamukha ng kaniyang ina.
"Ina, ano pong problema? Ayos ka lang po ba?" sunud-sunod niyang tanong dito, bago dahan-dahang lumapit dito. "At saka sino po ito, ina? Bakit kamukhang-kamukha niyo siya? Mayroon po ba kayong alam dito na hindi niyo pa nasasabi o naikukwento sa akin noon pa man?" pagpapatuloy pa niya at ipinakita sa kaniyang ina ang litratong nakita.
Nang makita naman itong reyna ay hindi na siya nagtaka pang ang kapatid nito ang tinutukoy nv kaniyang anak. Base na rin sa sinabi nitong kamukha niya ito ay alam na niya. Ngunit handa na nga ba siyang ikwento sa kaniyang anak ang lahat? Handa na bang malaman ni Ayehster ang tungkol sa kanilang tunay na kaaway, na dati'y naging bahagi ng kanilang mga buhay. Ang dating kakampi'y ngayon ay isa ng katakot-takot na nilalang. Napahinga na lamang ang reynam nang malalim, bago nilingon ang anak.
"Oo, anak, ayos lang ako. Sino ba 'yang tinutukoy mo? Maaari ko bang makita?" sambit niya at nagkukunwaring hindi nito alam. Iniabot naman sa kaniya agad ni Ayehster iyon at doon ah mapait na lamang siyanv napangiti, habang pinagmamasdan ang litrato ng kapatid.
Umupo muna sila sa mga upuan doon, bago magkwento sumagot ang reyna.
"Ayehsyer, siya ang Tiyo Dentrhas mo, ang dating prinsipe ng Astheria, ang kapatid ko."
Gano'n na lamang nanlaki ang mga mata ni Ayehster, kahit pa may paghihinala na siya kanina, na posibleng kilala nga ito ng kaniyang ina. Pahawak na din siya sa kaniyang bibig dahil sa tindi ng gulat niya sa narinig. Hindj siya makapaniwalang kapatid ito ng kaniya ina, lalong-lalo nang naging prinsipe pa ito. Sa pagkakataong ito ay isa lang ang tumatakbo sa naiisip niya. Nasaan na ito ngayon?
"Ngunit na saan na siya ngayon, ina? Bakit hindi natin siya nakakasama? Bakit hindi ko man lang siya nakita kahit minsan?" sunud-sunod at naguguluhan muli nitong tanong. Dahil naman sa tanong nito ay napapikit na lang nang mariin ang reyna, bago ito sumagot.
"Hindi mo siya naabutan, mahal ko. Hinayaan niya ang kaniyang sarili na balutin ng kasamaan at kumampi sa kadiliman. Ngayon ay naroroon na siya sa Dehstero at pinamumunuan ang kaniyang mga kampon. Siya ang mortal nating kaaway na dapag tulunin, anak ko."