Natatakot pa rin ang lola ko na maging mag-isa kahit ngayon pero gusto niya na ibigay sa akin yung karapatan ko na mamili kung ano ang buhay na gusto ko. "Siguro mag-aaral ako pagkatapos po ng dalawang taon?" sabi ko at ngumiti. "Allie..." Pinalis ko ang mga luha niya at mas humigpit ang yakap ko. Ayoko na rin umalis muna, eh. Malayo ang Manila, ilang oras na byahe at kung mag-aaral ako hindi pwedeng hindi ako maghanap ng trabaho kahit pa sabihin na may ipon ako o maging scholar ng University. Magiging matagal ang uwian lalo kung mapapasok ako sa trabaho. At matanda na ang lola... marami nang taon ang lumipas na hindi kami magkasama. Lumaki ako na halos mag-isa at ayokong magsisi na hindi ko nilubos ang panahon na dapat magkasama pa kaming dalawa. "Huwag mo akong isipin, Lola Pacita.

