Hindi ko na hinanap yung kwintas, tinanggap ko na lang na baka sa mismong dagat ko 'yon nahulog at napunta sa kailaliman. Pero ang totoo ay sinubukan ko pa na sisirin at hanapin dahil nga isa 'yon sa mahalagang bagay na mayroon ako pero wala... hindi ko na talaga makita. Saka, tatlong linggo na rin ang nakalipas, abala na ako sa pag-aaral at malapit na ulit ang exam namin. Tapos yung work immersion pa. Haaay. "Hello, Allie! punta kang gym?" Tumango ako sa kaklase ko, si Laura. Maganda iyan, maraming manliligaw, magaling manamit saka magmake up. Kinagigiliwan ng halos karamihan kasi friendly, kinaiinisan rin ng iba kasi daw pabida. May chismis nga dito sa school na may sugar daddy daw kaya nabibili ang anumang gustuhin. "Oo, magpapalipas ng oras. Bakit?" Umiling siya. Mabuti naman a

