Kinagat ko ang pang ibabang labi upang pakalmahin ang aking sarili. Hindi maalis ang kaba sa aking dibdib habang nakatitig ako sa pinto na nasa harapan ko. Hindi ko rin magawang igalaw ang aking katawan dahil sa kaba na aking nararamdaman.
Napalunok pa ako bago napag desisyonang kumatok ng tatlong beses sa pintong nasa harap ko. Inulit kong muli ang pagkatok ng walang nagbukas ng pinto o kahit nagsalita.
Sa pangatlong beses kong pagkatok ay bumukas ang pinto at lumabas doon ang isang dalagang babae. Maputi at mahaba ang buhok. Halata sa kan'yang mukha na siya'y nag-aaral pa.
Nakunot ang kan'yang noo habang nagtataka ang kan'yang mga matang nakatingin sa akin. Ngumiti ako ngunit hindi siya ngumiti kaya't napangiwi ako. "Sino ka? Anong ginagawa mo dito sa amin?" tinatamad nitong tanong.
"Ahm.. Hinahanap ko kasi si Vilma--"
Napahinto ako nang bigla itong sumigaw habang nagkakamot sa kan'yang ulo. "Ate Vilma! May naghahanap sa'yo!" sigaw niya kaya't lumayo ako ng bahagya dahil halos mabingi ako sa lakas ng boses nito.
Nakarinig ako ng yapak ng tsinelas. Isang kasing edad kong babae na may maikling buhok ang lumabas sa pinto. "Sino ba 'yan at kay aga-agang bumisita,"
Mabilis na nag tama ang mga mata namin nang lumabas siya sa pinto. Isang pamilyar na pares ng mata ang muli kong nakita pagkatapos ng maraming taon.
"V-vilma," garalgal ang aking boses. Hindi ko mapigilang maging emosyonal habang nakatingin sa kan'ya.
Nagtataka ang mga mata nito lalo na at parang naiiyak ako sa harapan niya. "Sino ka Miss? At bakit kilala mo ako?" alinlangan nitong tanong.
"Ate, baka isa 'yan sa mga na utangan mo at kinalimutan mong bayaran." bulong nito kay Vilma habang ang mga mata ay nakatingin sa akin.
Natawa ako sa bulong ng dalagang babae na satingin ko ay si Mila ang kapatid ni Vilma. Napaka bata pa niya nang huli ko siyang makita ngayon ay dalaga na.
Narinig ko ang pagtikhim ni Vilma kaya't nabaling sa kan'ya ang aking tingin. "Miss balik ka na lang sa susunod na buwan wala pa akong pambayad sa utang--"
Mabilis akong lumapit at niyakap ng mahigpit ang aking kaibigan na kay tagal kung hindi nakita.
"Ay talong na malaki!" bulalas nito nang bigla ko siyang yakapin.
Napahikbi ako sa hindi malaman na dahilan. Gumaan ang pakiramdam ko nang mayakap ko siya na tila ba nabawasan ang pinapasan kong problema. Hindi ko makakalimutan na siya ang isa sa mga nakaramay ko noong panahong gusto ko na sumuko.
"I m-miss you," mahina kong sambit sa gitna ng aking pag hikbi.
"Hala ate! Miss ka raw oh!" singit ng kapatid nito.
Kumalas ako sa pagkakayakap ko sa kan'ya at ngumiti.
"Marami akong naging boyfriend pero wala akong maalalang may naging girlfriend ako. Hahaha!" nag peke ito ng tawa sa huli. "Sino ka ba, Miss?"
"M-maphia.. 'yon ang pangalan ko." sagot ko.
Nakita ko kung paano natigilan si Vilma at kung paano dahan-dahan na nanlaki ang mga singkit niyang mata.
"Omygad! Buhay ka pa?!" tanong nito na parang nakakita ng multo.
Tumango ako at ngumiti.
HINDI maalis ang tingin nito sa akin habang inilalapag sa mesa ang pitsel na may lamang juice at biskwit. Pagkatapos niya iyon mailapag ay hinila niya ang upuan na nasa tabi ko at doon umupo.
"Pasensya ka na ang liit ng bahay namin," pasimula nito.
Tipid akong ngumiti. "Ayos lang," Buti nga ikaw may bahay ako nakikitira lang. Nais ko sanang idagdag iyon ngunit nanatili na lamang akong tahimik.
Ilang minutong katahimikan ang namutawi sa amin. Hinihintay ko siyang magsalita ngunit alam kong hinihintay niya ang paliwanag ko sa mga tanong na alam kong maaari niyang itanong. Gusto kong magpaliwanag ngunit hindi ko alam kung saan magsisimula at hindi ko alam kung handa na ba ako.
"Kumusta?" tanong nito.
Kinagat ko ang labi ko. "A-ayos lang, Ikaw?" balik kong tanong.
"Ayos lang din,"
Katahimikan muli ang namutawi sa aming dalawa. Hindi ko maintindihan kung bakit walang nagsasalita sa aming dalawa gayon alam kong maraming katanongan ang tumatakbo sa aming isipin.
Ilang minuto pa ang lumipas ngunit wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Wala ni isa sa aming dalawa ang alam kung paano bubuksan ang usapan. Kung dati napakadali para sa aming dalawa ang sabihin sa isa't isa ang nararamdaman o sekreto , ngayon napaka hirap na. Siguro dahil maraming taon din ang lumipas noong huli kaming nag-usap.
"Pasensya kana at--"
"Gusto ko sanang--"
Sabay kaming nagsalita kaya't sabay kaming natigilan.
"Ikaw muna!" she exclaimed.
Tumango ako. Kinagat ko ang labi ko at yumuko. "S-sorry," I murmured. Ang dami kong gustong sabihin pero pinangunahan na ako ng mga luha ko kaya't tanging patawad lamang ang salitang nabigkas ko at hindi ko na iyon magawang dagdagan pa.
Saglit itong nanahimik. "Bakit?" malamig nitong tanong. "B-bakit ka umalis? Bakit mo kami iniwan? Bakit ka umalis na walang pasabi? Akala ko ba k-kaibigan mo ako." nabasag boses niya sa huling salita.
I sobbed. "S-sorry. I'm s-sorry," hikbi ko at nag taas ng ulo para tingnan siya. Lalo akong naiyak nang makita kong umiiyak na rin siya.
Lumunok siya at nagpunas ng luha. "Hindi ko kailangan ang sorry mo. Ang paliwanag mo ang kailangan ko. Ang kailangan namin." mariin niyang salita.
"P-patawad. H-hindi pa ako handang sabihin ang reason kung bakit ko nagawa iyon."
Tumawa ito ng sarkastiko. "So, bakit ka nandito? Anong ginagawa mo dito kung hindi ka naman pala pumunta dito para mag paliwanag?" Napayuko ako sa mga tanong niya dahil wala akong maisagot. "Alam nating dalawa na hindi muna kailangan pumunta dito para humingi ng tawad dahil kahit hindi ka pa mag sorry pinapatawad na kita kasi kaibigan kita." her voice broke again.
Parang kinurot ang dibdib ko sa pagkabasag ng kan'yang boses. Nasasaktan siya ng dahil sa akin. Nasasaktan kong muli ang kaibigan kong iniwan ko. Gusto ko man sabihin sa kan'ya lahat pero hindi pa ito ang tamang panahon. Hindi pa ako handang sabihin kahit kanino man ang lahat.
Binasa ko ang pang ibabang labi ko para pilitin ang sarili kong magsalita. "V-vilma.. ano kasi--" she cutted me by her exclamation.
"Alam ko na! Pumunta ka dito para humingi ng tulong dahil gusto mong malapitan ang mag ama mo. Tama ba ako?"
Gusto kong umiling at sabihing hindi iyon totoo para hindi siya masaktan pero tama siya.
"S-sorry," tanging salitang lumabas sa aking labi.
Tumayo siya kaya't narinig ang pag-ingay ng upuan sa ginawa nitong marahas na pagtayo. "Maphia naman! Kaibigan mo ako! Hindi lang basta malalapitan mo kapag may problema ka o may kailangan ka! Noong umalis ka hindi lang ang asawa mo ang nasaktan. Ako din! Nasaktan din ako kasi kaibigan kita pero wala akong alam kung bakit ka umalis! Kung bakit mo kami iniwan! Kung anong dahilan mo kung bakit mo kami nagawang saktan ng sobra! Tapos ngayon babalik ka at sasabihin mong hindi ka pa handang sabihin ang rason kung bakit ka umalis? Kung ganon sana naisip mo man lang na hindi pa kami handang makita ka pagkatapos mo kaming iwan!" puno ng hinanakit nitong sabi.
Tuloy-tuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata ko. Patuloy ang paghikbi ko at hindi ko magawang mag salita. Paulit-ulit na tumatakbo sa aking isipan ang mga sinabi ni Vilma. She's right. Kaibigan ko siya. Siya lang nag iisang kaibigan na mayroon ako dati pero anong ginawa ko? Iniwan ko rin siya at sinaktan tulad ng ginawa ko sa mag-ama ko.
Patuloy ang paghikbi ko habang sinasambit ang salitang. "S-sorry. I'm s-sorry." paulit-ulit kong sabi. "V-vilma sorry," inabot ko ang kamay niya ngunit agad din niya iyong hinawi.
Nakita ko ang namumuong luha sa mga mata niya. Nakita ko ang pagkagat ng labi niya at pag-iwas ng tingin. Lumayo siya at lumapit sa pinto saka iyon binuksan. "Umalis kana," ani nito habang hindi nakatingin sa akin. Mas lalong lumakas ang paghikbi ko sa sinabi nito. "Tumayo ka diyan at umalis kana, Maphia." ulit nito.
Umiling ako. Natatakot akong pag sinunod ko siya at umalis tulad ng nais niya ay hindi ko na magawang makabalik muli dito.
"Maphia, umalis ka na. Umalis ka na at bumalik dito sa oras na handa ka ng sabihin sa akin ang rason mo."
Napahinto ako at napatitg dito dahil sa sinabi niya. Handa siyang hintayin kung kailan handa na akong mag paliwanag.
Tumayo ako dahan-dahan lumapit sa kan'ya saka siya niyakap. "I'm sorry, Vilma." bulong ko. Hindi ko naramdaman ang pag sukli nito sa yakap ko kaya't humiwalay na ako. "Pangako babalik ako dito kapag handa na ako."
Tumango lamang siya at hindi na nag salita. Para akong nanghihina sa bawat paghakbang ng aking mga paa paalis sa bahay na iyon.
Kailan ba akong magkakaroon ng lakas na loob sabihin sa kaibigan ko ang rason kung bakit ako umalis ng walang paalam? Hindi ko gustong mangyari ang lahat ng 'to. Kung may choice lang ako noon ay hindi ko nanaiising umalis at iwan sila.
Mabigat man sa aking pakiramdam ay pinilit kong ihakbang ang aking mga paa paalis. Hindi ko na alam kung paano muling makakalapit kay Primo. Hindi na ulit ako pwedeng pumasok sa company niya at ang tanging pag asa kong si Vilma ay wala na rin. Naiintindihan ko rin naman si Vilma. Anong karapatan kong hingiin ang tulong niya kung hindi ko magawang sabihin sa kan'ya ang rason kung bakit ako umalis.
Wala sa sariling nag lalakad nang marinig ko ang pagtawag sa pangalan ko kaya't lumingon ako sa dereksyon kung saan tinatawag ang aking pangalan.
Natulala ako nang makitang si Vilma iyon.
Hinihingal siya ng makalapit sa akin.
"A-anong?"
Kinuha niya ang kamay ko at binigay ang isang envelope na kulay yellow. "Sa susunod na linggo birthday ni Tori. Gamitin mo iyan para makita mo ang anak mo sa araw ng kan'yang kaarawan."