The shower steamed around me, but the heat did nothing to melt the chill in my chest. Every second ticking toward the auction felt heavier, parang bawat minuto ay may naghuhukay sa ilalim ng paa ko.
Paglabas ko ng aking kwarto, tinignan ko agad ang wall clock. Malapit na mag alas siete… As usual, ay inilugay ko lang ang aking buhok, naka loose waves ito upang mas lalong magkaroon ng buhay. Kinuha ko ang isang mamahaling pabango na bigay ni Arturo na nilagay ko sa aking purse. Pinagpipilitan pa niya sa akin na gamitin ko raw ito kapag nasa auction ako.
I exhaled deeply. The red silk binds to me like a danger I couldn’t escape, and the slit running high up my thigh that screams invitation.
Nahuli ko ang aking repleksyon sa nakatayong full body mirror na nasa tabi ng isang drawer. The lady staring back at me didn’t look like Luna anymore, she looked like someone’s prize.
Nalipat ang aking atensyon sa tunog na nanggagaling sa labas. Isang boses ng lalaki ang narinig ko matapos niyang kumatok.
“Miss Ramirez, I’m your escort to the VIP lounge,” the voice said outside after he greeted me a good evening.
Biglang bumilis ang t***k ng aking puso. Ito na ang oras.
Muli akong huminga ng malalim at naglakad palapit sa pintuan. Kasabay ng pagpihit ko ng doorknob ay ang pag-iisip na kung magpapakita si Gael ngayong gabi… mag-iiba ang lahat.
Parang ilang hakbang lang ang ginawa ko at nasa loob na ako ng isang VIP Lounge dito sa The Empress. Amoy na amoy sa paligid ang mababango at mamahaling pabango, ang matapang na amoy ng mga branded na alak. Kahit konting agam-agam ay hindi makikita sa mga babaeng makakasama ko sa auction.
We, five girls, were told to stand on a small podium at the far side of the room, each in our assigned spots under a flattering pool of golden light. Para akong nanliit sa mga titig nila.
Nakatayo ‘di kalayuan sa akin si David. Bahagya siyang tumingin sa akin at ngumiti. Kung kagabi ay pinapanood ko lang ang ganitong eksena, ngayon naman ay ako na ang nakasalang at parang isang gamit na may presyo at hinihintay kung kailan mabebenta.
“Stand straight. Smile a little, but not too much,” he instructed, his voice smooth yet commanding. “And remember, the higher they bid, the better for you.”
I barely nodded. Itinuon ko ang aking tingin sa double doors na nasa kabilang dako ng silid.
“Hi,”
Napapitlag ako at mahinang napamura nang may isang malamig na kamay ang humawak sa aking braso.
Lumingon ako sa kanya at tinaasan siya ng kilay. “You—”
“I’m sorry. Ang seryoso mo kasi, kanina pa kita napapansin na nakatitig ka lang sa pintuan. May inaasahan ka bang darating?” saad niya. Her voice is sweet and playful, may kasamang biro na parang nanunukso habang pilit niyang kinukuha ang sikreto sa mga mata ko.
“W-Wala,” I answered and looked away.
I heard her soft chuckle. “Asus, kunwari ka pa. By the way, I’m Cassandra but you can call me Candy.”
I was about to face her but suddenly the first chime of the door echoed like a gunshot in my chest.
Isang lalaki ang pumasok, nasa mid-40s at silvered hair. Ngumisi siya, parang nagmamayabang na sa kanya na lahat ng babaeng nandirito sa lounge. He was followed by another, younger but with the same predator’s eyes.
Then two more stepped in. All strangers. All carrying the same air of power and entitlement.
Apat na VIPs.
Ngunit wala siya.
Walang Gael na dumating.
Bumaliktad ang aking sikmura, I told myself to breathe, but my pulse was pounding in my ears. Umimpis ang aking pag-asa at napalitan ng mas matinding takot.
The reality was hitting me hard. Another man could win me tonight. Another man’s hands, mouth, breath—
I swallowed hard and kept my smile faint, fixed, just as David had said.
Isang mahinang tunog ng pagsara ng pinto ang aking narinig, na parang sinelyuhan na kaming lima sa mga lalaking nasa harapan namin.
Sa kaibuturan ng isip ko, may maliit na boses na bumubulong. Darating siya… kailangan niyang dumating.
Pero alam ko… sa kabila nito, isa lang sa amin ang mananatiling malaya. At sa mga tingin ng lalaking nandito, kung hindi siya papasok sa pintuang ‘yon ngayon, may ibang aangkin sa akin.
David moved toward the podium, his presence instantly pulling every pair of eyes in the room to him.
“Gentlemen,” he began with a charming smile, “let’s begin tonight’s private selection. You all know the rules. Discretion, exclusivity, and satisfaction guaranteed.”
Umupo na ang apat na kalalakihan, sa bawat kamay ay may hawak na isang baso ng whiskey. Ang kinang ng kompetisyon ay kitang-kita na sa kanilang mga mata.
Ang layo na ng narating ng aking isipan, hindi ko nga narinig na tinawag na pala ang unang dalawang babae at isa doon si Candy na animo’y parang linta kung makakapit doon sa lalaki na tingin ko ay mas bata sa akin.
Naka-focus lang ako doon sa pinto na kanina ko pa gustong buksan but it stayed shut.
“And now,” David’s voice cut through my spiraling thoughts, “Lot number three—Luna.”
My heart raced extra miles when I heard my name and it went more than I could imagine when the two remaining VIPs' heads turned toward me.
The silver-haired man’s gaze slid down my body like I was merchandise he was inspecting. The other one smirked, tilting his head as if deciding how much I was worth.
“One hundred thousand,” unang bid ng naka silver hair na buhok. Napakakaswal ng pagka sabi na parang bumibili lang ng bagong relo.
Tumikhim yung nasa kaliwa niya at mukhang nagmayabang pa. “One fifty,”
“Two hundred,” the silver haired man countered.
Nanatili ang tingin ko kay David, dahil hindi ko kayang maatim ang pagmumukha ng dalawang lalaki. Pinipiga ang dibdib ko sa bawat halaga na kaya nilang i-alok para makuha lang ako.
“Two-fifty,” the other man said smoothly, swirling the amber liquid in his glass.
Gusto kong sumigaw at sabihing tama na. Pero sa halip, nakatayo lang ako roon, pinipilit ang isang ngiting hindi man lang umaabot sa mata.
The numbers kept climbing. Three hundred… three-fifty… and the air in the lounge grew heavier. My breaths came shorter.
Gael… where the hell are you? Kailangan kong makaalis dito..
“Four hundred,” anunsyo ni Mr. Silver Hair, ngumisi na parang siya na ang panalo.
David’s grin widened. “Four hundred thousand, going once…”
Hindi ko na naririnig ang mga tawanan at bulungan, tanging pintig ng puso ko ang umaalingawngaw sa tenga ko.
“Going twice…”
The doors behind the VIPs slammed open.
Lahat kami ay napalingon.
At naroon siya.
“Gael…” mahina lang ang pagkakasambit ko, pero sapat para mapukaw ang titig niya. A slow, meaningful smile drew at his lips, while his dark eyes locked onto mine, sharp and dangerous.
The silver-haired man leaned back, clearly irritated. Hindi niya ba alam kung sino ang katapat niya?
“Who the hell—”
“Ten million.”
Tahimik ang lahat.
Relief flooded me, but so did fear. Because the way Gael looked at me, it wasn’t just to save me. It was to own me. And I wasn’t sure if I should run to him… or run away.