"Good morning, sleepyhead."
Gosh! Bakit ang ganda ng morning voice niya? Parang ang sarap gumising kapag boses niya lagi ang maririnig. Teka—
Agaran akong napadilat at, tangina, ang lapit ng mukha niya sa mukha ko. Gumising ka, Luna... akala ko ba sa boses pa lang aatras ka na? He chuckled softly, then leaned back a bit, resting his head on his right hand habang nakatitig pa rin sa’kin.
Tumikhim ako at nagmadaling umupo pero agad din akong bumalik sa pagkakahiga nang maramdaman ko ang sakit sa ibabang bahagi ng katawan ko. Sa pagkakaalala ko… dalawang beses lang namin ginawa 'yon kagabi. Nanggigil ba siya?
Para akong robot nang dahan-dahan ko siyang lingunin. Bahagya akong ngumiti pero hindi siya gumanti. Ilang segundo lang niya akong tinitigan bago siya maupo sa kama, nakatalikod na sa akin. His broad back is now facing me, muscles shifting subtly as he moved.
"You didn’t tell me you’re a virgin."
Nasamid ako sa sariling laway. Pilit akong umupo at hinarap siya.
"Bakit? Big deal ba ’yon para sa’yo? Kung sinabi ko ba kagabi, hindi mo itutuloy ang ginawa natin?" I said bluntly.
Bahagya siyang napalingon, pero hindi ako sinagot agad. Nakakunot lang ang noo niya, jaw tight, eyes unreadable.
"Kung sinabi mo," mahina pero matigas ang boses niya, "baka pinahirapan pa kita bago ka bumigay."
Napasinghap ako, hindi ko alam kung insulto ba ’yon o… ibang klase lang siyang mag-isip.
"Baka naman gusto mo lang talaga akong pahirapan, Gael." I fired back.
That earned me a slow smirk. "Kung gusto kitang pahirapan, Luna… hindi lang dalawang beses ang kaya ko kagabi."
Uminit ang pisngi ko. "You’re impossible."
He shifted closer, bracing one hand on the mattress beside my hip. "And yet…" He trailed his gaze over my face, then down to my lips. "Here you are, still in my bed."
Hindi ako nakasagot agad. Ang alaala sa nangyari kagabi ay muling sumagi sa aking isipan. His heat, his hands, the way he looked at me like he owned me. And now, in the morning light, he still had that same claim in his eyes.
He didn’t break eye contact as his hand brushed a stray strand of hair from my face, fingers lingering against my cheek.
"Tigilan mo nga yang pagtitig sa akin ng ganyan," sabi ko sa mahinang boses.
"Why?" he asked, voice still deep from sleep.
"Because it's as if.. you’re about to…" Napaatras ako, nahihirapan tapusin ang gustong sabihin. May kakaiba namang ngiti ang gumuhit sa kanyang labi.
"About to what?" His thumb stroked my jawline, slow, unhurried, almost lazy, but his eyes said otherwise.
"About to ruin me again," I whispered.
Gael’s chuckle was low, dangerous. "Luna, you have no idea…" He leaned in, not kissing me, just letting his breath mingle with mine. Ang isa niyang kamay ay napunta sa likod ng aking leeg, pulling me gently until my chest rested against his.
Saglit kaming nanatili sa ganoong posisyon. Wrapped in the quiet hum of the morning, my fingers unconsciously drawing shapes along his shoulder. No rush. No words. Just the heat of his body seeping into mine, and that silent question between us neither of us dared to answer.
Nakabalik ako sa suite—the one Arturo gifted me ay hapon na, ang plano ko ay hindi magtatagal na kasama si Gael ngunit wala sa amin ang hindi nakatiis sa tawag ng laman. Napapailing ako sa nangyari, baka naman ay sapat na 'yon para ibigay na sa akin ang kalayaang nais ko.
Nagbihis lang ako ng simpleng puting t-shirt at cycling short. Nilaktawan ko na ang pagkain ng tanghalian dahil nabusog na ako kay Gael. I mean, who wouldn't? Kompletos rekados na siya, but the atmosphere now felt so empty. Naiinip na ako, kanina pa ako palipatlipat ng channel sa TV, sinusubukan ko rin hanapin ang live feed na pinakita sa akin ni Arturo kagabi ngunit hindi ko mahanap.
Papikit na ang aking mga mata when I heard the soft chime of the elevator outside, followed by the sound of my front door unlocking. Iniluwa nito ang isang payatot na lalaki, speaking of the devil.
Bumangon ako mula sa pagkakahiga at umayos ng upo. Nakakahiya naman sa boss ko.
"How are you?" A smirked formed on his lips. "You look... gorgeous with that messy bun. You look fresh as well," aniya pagkapasok sa may sala. Umupo siya sa sofa na nasa harapan ko at sumandal doon.
I wanted to raise my middle finger but my freedom is at stake with them. "Anong ginagawa mo dito?"
Napawi ang ngisi niya at naging seryoso ang mukha. May kinuha siya sa kanyang bulsa, isang itim na card. Para saan kaya 'yon?
"Your first salary," saad niya at inilapag ang itim na card sa coffee table. "Sasali ka mamaya sa auction," dagdag pa niya.
Bigla akong kinabahan sa narinig, ayokong mangyari 'yon. Hindi ako basta nagpapagalaw sa kahit sino... call me anything but one is enough, twice or more is too much. Who knows baka may sakit pa 'yung iba. Kaya nga noon, hanggang table lang ako sa bar ng kinikilala kong ina. Katawan at ganda ang puhunan, diskarte lang ang laban. Pero ngayon, si Gael lang ang nakadale sa akin.
Arturo leaned forward and pour a drink on his glass before looking at me. "Parang ayaw mo, ah. Inaasahan mo bang si Gael ang makakakuha ulit sayo? Pwes, hindi siya pupunta mamaya. It seems you didn't do your job properly, maghahanap na lang kami ng iba."
"No!" agaran kong sagot sa kanya. Imposible ang sinasabi niya, sa tingin ni Gael sa akin kanina parang ayaw niya na akong bitawan. Mariin akong napapikit saka siya tinignan ng diretso sa mata. "I-I mean, give me another chance, I'll do my best."
Umangat ang kanang kilay niya, feeling amused. "Kagabi lang ay nagdadalawang isip ka pa na gawin ang pinapagawa ko, why the sudden change?"
Napakuyom ako sa aking palad at pilit na itinatago ang panginginig sa boses. "Dahil... ayokong mawalan ng pagkakataon. Hindi ako basta-basta sumusuko."
Arturo's smirked returned, but it was colder this time. Inikot-ikot niya ang alak na nasa kanyang baso bago ito ininom. Ang kanyang titig ay nanatili sa akin.
"Good. Kasi sa larong ito, Luna, walang lugar para sa mga mahihina."
Tumayo siya at lumapit sa akin. He stopped just inches away, tilting his head slightly as if he was trying to read something behind my eyes.
"Make sure," he said softly, almost like a warning, "na kapag dumating ang oras... hindi ka nagbabahag ng buntot. Dahil kapag ginawa mo 'yon, wala nang balikan."
Bago ko pa masagot, he was already walking to the door. The faint click of it closing felt louder than it should have, leaving me alone with my thoughts... and the sudden, heavy question of what exactly I was willing to risk for my so-called freedom.
Matagal akong nakatitig sa black card na nasa coffee table. Ang makintab na ibabaw nito ay nakakakuha ng liwanag na parang nanunuya sa akin. My first salary. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mandiri.
Pinilit ko ang sarili na tumayo at nagtungo sa kwarto. Nahuli ng suite's mirror ang aking repleksyon, hair still in that messy bun Arturo mentioned, lips still fainty swollen from Gael's kiss. Nanikip ang dibdib ko sa kakaisip sa kanya.
Pupunta kaya siya mamaya?
Or worse... paano kung hindi?
Parang pinupulupot ang aking sikmura sa ideyang ibang kamay ang dadapo sa aking katawan, ngunit ang imahe ng mga mata ni Gael kanina... dark, claiming, mainit ang titig. Hindi siya ganun kadaling bumitaw. Alam ko. Ramdam ko.
I opened the wardrobe Arturo had stocked for me. Silk dresses, high heels, jewelry that glinted under the light. Lahat ng ito, hindi para sa akin kundi para lang sa kung sino ang may pinakamataas na bid.
Pinasadahan ng aking mga daliri ang isang pulang dress. It was dangerous, sobrang nakalantad. But maybe danger was the point, maybe if Gael saw me like this...
Napapailing ako. Hindi. Hindi ako dapat umasa.