CHAPTER 2

1475 Words
Nabibingi ako sa lakas ng t***k ng aking puso. Sa dalawampu't walong taon ko dito sa mundo, ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong klaseng intimidasyon mula sa isang lalaki. Kung paano niya ako titigan ngayon... pakiramdam ko ay kanina pa ako hubad sa kanyang isipan. Ano, Luna? Hindi ka ba gagalaw? Kanina ka pa mukhang tuod diyan. Palihim akong huminga nang malalim, at kahit alanganin ay humakbang ako palapit sa kanya. But I think he sensed my hesitation kaya siya na mismo ang naglapit ng sarili sa akin. Damn! Ngayon ko lang naamoy ang pabango niya pero naaadik na agad ako. Ako naman ata ang mapapaamo nito, hindi siya. "You look tense," saad niya sa baritonong boses, saka ngumisi at nagtungo sa bar counter. Kumuha siya ng dalawang wine glass at nagsalin ng red wine. He turned his gaze at me and tapped the high stool across from him. "Drink?" Get yourself together, Luna. I smiled at him. I made sure it would affect him and it sure did. Nakita ko ang pagkislap ng kanyang mga mata. Those eyes... parang nakita ko na noon pero hindi ko matandaan kung saan at kailan. Nakita ko rin ang pagtiim ng kanyang bagang, na parang ginulo ng ngiti ko ang pinagmamalaki niyang pagkontrol sa sarili. Hindi siya gumalaw, ni nagsalita. Ngunit ang enerhiya sa suite na ito ay parang bumaliktad na. Ganyan nga, Luna. Ipakita mo ang kakayahan mong magpaamo ng dragon. Umupo ako sa high stool, crossing my legs intentionally so he'd see. Kinuha ko ang wine glass at inangat ito ng konti. I faced him. "Cheers." He did the same, clicking his glass against mine. "Now you're more relaxed. For your information, hindi naman ako nangangagat." "Really?" Inangat ko ang isang kilay. "So you're easy to tame?" saad ko, bago ko dinilaan ang labi matapos sumipsip ng alak. I leaned forward, watching him. Nagkibit-balikat lang siya. Challenging me, I guess. Inilapag niya ang baso sa counter at dahan-dahang lumapit. His presence was overwhelming. Tall, powerful, radiating heat and quiet rage. Ngayon ko lang napansin na bukas na ang tatlong butones ng kanyang polo shirt. Just low enough to hint at skin and sin. Bumaba ang kanyang tingin sa aking labi bago bumalik sa aking mga mata. Marahan niyang hinaplos ang aking binti gamit ang kaliwang kamay—taas, baba. Sa pagdampi pa lang ng kanyang mainit na palad, para na akong kandilang unti-unting nauupos. Bakit ganito ang nagiging epekto niya sa akin? Sinalubong ko ang papalapit niyang mukha, our faces inches apart. "You think you can tame me that easily?" bulong niya, dahilan para tumayo ang mga balahibo ko sa batok. "Try me, Luna." Parang may sariling buhay ang aking mga kamay. Habang pinipisil niya ang aking binti, banayad ko ring hinahaplos ang kanyang dibdib. I grabbed his right hand and placed it exactly where I wanted it. Ugh, Luna. Hindi ka naman ganito dati. Why the sudden change? Kung noon hanggang legs lang ang pinapahawak ko, bakit ngayon ay ako pa ang nag-i-initiate? He didn't move his hand, but his gaze burned into mine. May hinahanap siya sa mga mata ko—pagdadalawang-isip ba? O di kaya ay... pahintulot? At sa nakakatakot at mababang boses, bumulong siya, "May oras ka pa para umatras." A shiver danced down my spine. Gusto kong ipagmayabang sa kanya na hindi ako natatakot. Ngunit ang katawan ko... tinatraydor ako ng katawan ko at mas inilapit pa sa kanya. "Bakit naman ako aatras?" Bulong ko sa kanya pabalik. Lumambot ang boses ko dahil sa init na namumuo sa dibdib ko. Umangat ang gilid ng kanyang labi. Hindi iyon isang simpleng ngiti, more like a predator amused by its prey. "Because once I start, Luna... wala nang makakapigil." Bago pa ako makasagot, his fingers slid higher along my thigh, slow and deliberate, hanggang umabot ito sa laylayan ng damit ko. Mas lalong uminit ang paligid kasabay ng kanyang palad, parang sinusunig ang balat ko sa bawat paghagod niya. Napasinghap ako. My heart was pounding so loudly, I swore he could hear it. Inilapit niya ang kanyang bibig sa aking tenga, ang kanyang paghinga ay nagbibigay sa akin ng kiliti. "Say something," aniya sa garalgal na boses. I closed my eyes, feeling the electric pull between us. "Don't stop," I breathed. That was all it took. His mouth claimed mine. Walang pag-aalinlangan, walang kahinahunan. Mapusok at mapang-angkin ang kanyang mga labi, ninanakaw ang hangin sa aking mga baga. Hinawakan ko ng mahigpit ang kanyang damit at hinila siya ng mas malapit, ramdam ang matitigas na linya ng kanyang dibdib na nakadikit sa akin. Nabitawan ko ang wine glass at nahulog 'yon sa carpet na nag-iwan ng mahinang tunog. Gael's hand cupped the back of my neck, ang hinlalaki niya ay gumuguhit sa balat ko habang pinapalalim pa ang halik. I parted my lips and he took it as an invitation, his tongue sliding against mine in a slow, intoxicating rhythm that made my knees weak. I felt his other hand trace the curve of my waist, pababa. Ang daliri niya ay mariing nakapatong sa balakang ko, hinila akong dumikit nang todo sa kanya. Napa-igik ako sa labi niya, at nilamon niya ang tunog na parang isang lalaking matagal nang uhaw. "Luna..." he growled against my lips, my name sounding like both a warning and a vow. Wala na akong pakialam kung saan ito hahantong. My hands were already exploring—the hard lines of his chest, the heat radiating from every inch of him. Isa pa, nakasalalay ang kalayaan ko sa trabahong 'to at kailangan kong gawin ang inutos sa akin. "Gael..." bulong ko pabalik, not sure if I was calling him... or surrendering to him. Bumagal ang kanyang paghalik, hindi dahil sa awa kundi ay parang mandaragit na ninanamnam ang kanyang naging biktima. Humiwalay siya sa akin, tama lang para matingnan ako. His dark eyes scanning my face, my parted lips, the rapid rise and fall of my chest. "You're shaking," he murmured. "I'm not," I lied, my voice barely above a whisper. Dumampi ulit ang labi niya sa akin, parang nanunukso lang, bago siya tumayo nang tuwid, towering over me. Hindi inaalis ang tingin, kinuha niya ang kamay ko. Malaki, mainit, at matatag ang kapit niya at dahan-dahang hinila ako palayo sa bar counter. Bawat hakbang papunta sa kanyang silid ay parang mas bumibigat, parang mas lumalalim ako sa isang bagay na hindi ko na pwedeng takasan. Pagkasara niya ng pinto, tahimik na ang buong paligid. Malamlam lang ang ilaw sa kwarto, tanging nanggagaling lang sa liwanag ng lampara. Mabango ang paligid at magarbo ang kagamitan, pinapamukha lang kung gaano na kalayo ang narating ng hotel na ito. Huminto si Gael isang hakbang lang mula sa pinto, hawak pa rin ang kamay ko. “You still have time to run, Luna,” mababa at mabigat ang boses niya… pero marahang hinaplos ng hinlalaki niya ang kamay ko. Nilunok ko ang kaba ko, pero hindi ako umatras. Sa halip, nilapit ko pa ang sarili ko sa kanya. “I’m still here, Gael.” May kumislap sa mata niya, satisfaction, gutom, at kung ano pang hindi ko mabasa. Isang mabilis na galaw lang, hinawakan niya ang panga ko at iniangat ang mukha ko, ang hinlalaki niya ay dumadaan sa ibabang labi ko. “Then you’re mine tonight.” Bago pa ako makasagot, hinalikan niya ako ulit mas mapusok kaysa kanina. Napaatras ako hanggang sa tumama ang likod ng tuhod ko sa kama, at sinundan niya ako, parang ikinulong ako ng katawan niya. Dumapo ang mga kamay niya sa bewang ko, umakyat sa gilid ng katawan ko, sinusukat bawat kurba na parang gusto niyang kabisaduhin. Napasinghap ako nang bumaba ang mga labi niya mula sa akin, dumaan sa panga ko papunta sa leeg. Napapikit ako nang bahagya nang dumampi ang ngipin niya sa sensitibong parte sa ilalim ng tenga ko. “You taste like trouble,” bulong niya. Napatawa ako nang mahina. “Sabi nga nila… trouble’s fun.” Umungol siya ng mababa, parang natawa pero madilim. Dahan-dahan niya akong inihiga sa kama at pumaibabaw. Tama lang ang bigat niya marahil ay dahil sa nakasandal pa ang braso niya bagkus ay sapat na para maramdaman ko ang init niya, pero kulang pa para mas lalo kong hanapin. Hinaplos ng daliri ko ang bukas na parte ng polo niya, sinusundan ang matitigas na linya ng dibdib niya. Binuksan ko pa ng kaunti, inilalantad ang balat niya, at hinayaan niya lang, pinapanood ako na parang ako lang ang mahalagang bagay sa mundo. “Careful, Luna,” bulong niya, ang labi niya halos nakadikit ulit sa akin. “Kapag sinimulan mo ‘to… hindi na ako titigil para sa’yo.” “Then don’t,” bulong ko pabalik. Yun na ang huling salitang sinabi namin sa isa't isa bago kami lamunin ng init ng katawan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD