SIMULA
Lara
PANIMULA
Pagkalipas ng ilang taon labis ang takot ng ginang habang namataan niya ang kagandahang taglay ng kanyang anak. Natatakot siya na pagdating ng mga araw ang kagandahang ito ay naging sanhi ng kapahamakan sa kanya.
Noong nabububay pa ang kanyang asawa, wala siyang naging problema dahil alam niya na maproprotektahan sila nito. Pero natatakot na siya sa sitwasyon ngayon dahil wala na ang kanyang asawa nakalipas na tatlong taon.
Oo nong una nahihirapan siya dahil nababaguhan siyang wala na ang kanyang asawa. Nasasanay na siya na palagi itong kasama.
Galing sa marangyang pamilya ang kanyang asawa, pero mas pinili siya nito at nagpapakalayo layo. Ikakasal kasi ito sa ibang dalagita na galing din sa marangyang pamilya. Pero mas nanaig ang kanilang pagmamahalan. Kaya sila tumakas at nagpakalayo sa mga magulang nito.
Nang dahil namatay ang asawa di na tumahimik ang isip niya. Maraming salitang gumugulo sa kanya. Natatakot siya sa mangyayari sa kanyang anak, lalot nat may dinaramdam siyang sakit, at ramdam niyang nalalabi na ang kanyang buhay.
"Ina? Bat kailan ko ito isuot?"tanong ng isang binibini na nasa labing tatlong taon, habang taimtim na nakatingin sa kanyang ina.
"Para maitago ang tunay mong ganda anak" malumanay na saad ng kanyang ina kaya napatingin lang ang dalagita sa pulang balabal na pilit pinasuot ng kanyang ina.
Ito ang hinahabi ni inay tuwing gabi
Ani nang dalaga sa kanyang isip.
"Bakit naman po inay?" Tanong niya sa kanyang inay habang inaayos ang balabal sa kanyang mukha.
"Dahil lungkot at gulo lamang ang dala ng kagandahan anak. Kaya mas mabuting iyong itago ang iyong mukha gamit ang balabal na ito. Kaya huwag na huwag mong tanggalin ang balabal na ito sa iyong mukha" tugon ng kanyang ina.
Paano naman nasabi iyon ni inay?
Sa isip niya. Kaya walang nagawa ang dalaga at sumang-ayon lang dito.
MAKALIPAS NG APAT NA TAON
Labis ang lungkot ang naramdaman ng dalagita habang nakatanaw sa puntod ng kanyang ina. Di mapapawi ang kanyang luha na dumadaloy sa kanyang mga mata ngunit hindi iyon napapansin dahil sa suot niyang balabal na mata lamang ang nakikita.
Hinawakan niya ang balabal na nasa kanyang ulo at hinaplos iyon. Sa pamamagitan nito ay ramdam niya niya na kasama niya ito lage.
"Nay? Bat naman niyo po ako iniwan?" Panimula niya habang humihikbi. Kanina pa nag-aalisan ang ibang dumalo pero heto parin siya, nakatayo habang nakatingin sa puntod ng kanyang ina.
"Nakakalungkot lang po at di niyo ako sinama. Iniwan niyo akong dalawa. Nakakatampo kung aking iisipin. Masakit at nasasaktan ang puso ko nay" Hikbi parin nito.
"Paano napo ako? Sino nalang ang magmamahal sa akin? Nay mami-miss ko po kayo"
"Tandaan niyo nay, tay, mahal na mahal ko po kayo. At wag kayong mag alala, susundin ko po ang hinabilin niyo sa'kin. Siyaka nay, isusuot ko po ito lage. Pangako!" Huling sambit ng dalaga habang pinunasan ang luhang lumandas sa kanyang mata. Sa isip niya na kailangan niyang magpakatatag dahil siya nalang ang nag-iisa.
Binaybay nang dalaga ang daan papauwi sa kanilang tahanan. Malubak at maalikabok ang kaniyang dinadaanan at kailangn din niyang hawakan ang kanyang kulay kahel na saya para di sumayad sa lupa. Napangiwi pa siya nang napansin niya ang malapit na sumuko niyang sapin sa paa. Kunting pilit nalang nito talagang masisira na talaga. Sa totoo lang may isang pares pa naman siyang sapin na di lang niya nasusuot, regalo kasi iyon ng kanyang inay noong tumuntong siya nang desi-sais, kaya labis niya itong iniingatan.
Patuloy lang siya sa paglalakad habang naabot niya ang kanilang bayan. Malayo kasi ito sa pinaglilibingan ng kanyang ina, pansin pa niya ang makahulugang tingin ng iba dahil sa kanyang postura, pero di niya ito iniisip pa, dahil ang bilin lang ng kanyang ina ang nasa isip niya na kailangan niyang sundin.
Ilang hakbang nalang ay natanaw na niya ang maliit nilang tahanan na gawa sa kawayan. Mababatid mo talaga sa unang tingin palang na tahimik ang bumabalot dito. Bumuntong hininga siya bago binuksan ang sirang sira nilang pinto.
——
Kinabukasan maagang gumising ang dalaga para labhan ang mga lampin na ginagamit sa pagburol ng kanyang ina. Nasa sapa siya habang suot parin ang balabal sa kanyang mukha. Di lang naman siya nag iisa sa sapa, marami rami din siyang kasama na kababaihan sa kanilang bayan. Dinig dinig pa niya ang hagikhikan at kwentuhan nito.
" Sabi ni nanang, isasama daw niya ako sa bahay ng mga El de Villamore may gaganapin kasing kasiyahan doon at nangangailangan sila ng katulong" ani nang isang dalaga, na himig ang tuwa sa mukha.
"Ang swerte mo naman. Tiyak iyong masisilayan ang nag-gagandahang anak nito at ang matitipuno nitong mga anak"segunda nang isa.
"Kaya akoy nagagalak na maulingan sila. Lalo na sa kanya. Akoy lubos na di makapaghintay" dagdag ng isa.
Umiiling iling lang siya at pinagpatuloy ang ginawa, pagkatapos nilisan ang lugar na iyon habang di parin mawala ang katuwaan ng ibang kababaihan ukol sa mga El De Villamore.
Sinampay niya agad ang kanyang nilabhan sa kanilang sapayan na nasa likod ng bahay.
Maya maya ay may kumalabit sa kanya na naging dahilan nang kanyang pagkagulat. Napahawak siya sa kanyang dibidib habang hawak nang mahigpit ang damit na dapat niyang isampay, buti nalang di iyon nahulog.
"Ano ang iyong kailangan Silla?" Tanong niya sa babaeng Silla na naging kaibigan din niya sa loob ng labing apat na taon.
" Magugulatin ka talaga Lara" natatawa nitong ani.
"Ano nga ang iyong nais?" Tanong niya muli.
" Wag muna ang tanong na iyan Lara. Sabihin mo muna sa akin bakit ka nagsusuot nang balabal? Bat mo tinatago ang kagandahan mong taglay Lara?" Tanong nito. Kaya tiningnan niya ang kaibigan niya na naguguluhan.
"Nais ni ina. Iyon ang kanyang habilin" Ikli niyang sambit "At ayaw ko nang magpaliwanag pa. Kaya sabihin muna ang iyong nais. Marami pa akong ginagawa Silla"
Walang nagawa ang kaibigan dahil alam naman niyang di mapipilit ang kaibigang si Lara. Nagtataka lang kasi siya kung bakit nakasuot ito ng balabal, di naman kasi ito pangit. Sa totoo nga siya ang pinakamagandang binibini sa kanilang bayan. Apat na taon na itong nakasuot ng balabal at paulit ulit ang kulay nito.
"O siya at di na'ko mangungulit pa." Ani nito"Sabi pala ni inay sa'kin na isasama ka daw niya sa bahay ni Don. Gregor El De Villamore, syempre kasama ako. May gaganapin kasing kasiyahan doon at nangangailangan ng ibang katulong. Baka malay mo magustuhan tayo nang may ari at lage na tayong mamalagi doon" Makahulugang ani nito. Ni para bang may iba pang kahuligan ang mga salitang sinasabi ng kaibigan.
"Parang sa mga salita mo Silla ay may iba kapang ipinahiwatig" ani ni Lara habang sinampay ang nalalabing damit na nasa palanggana nito.
"Hehehe. Nababalitaan ko kasing may maginoong anak ang Don. Baka malay mo? Baka sila na ang sagot sa ating mga dasal"hagikhik ni Silla. Napailing lang si Lara dahil sa turan ng kaibigan.
"Dasal mo'lang Silla. Di ako kasama sa iyong mga dasal"
"Grabe ka kaibigang Lara. Sinama na kasi kita sa panalangin ko. Siyaka! Ano gusto mo ba?" Sambit ni Silla kaya tumango lang si Lara kahit himig niya ang ibang kahulugang ipahiwatig nito. Wala naman kasi siyang magagawa, kailangan din kasi niyang buhayin ang sarili niya.
"Kailangan ba yan?" Tanong ni Lara sa kaibigan. Kumalabit naman si Silla sa mga bisig ni Lara. At tumingala dito. Mas matangkad kasi si Lara sa kanya ng ilang inches.
"Sa ikatlong araw pa naman. Wag kang mag alala, susunduin kita dito. Sabay na tayo don kasama si inay"
PUTIK at lubak na lubak na daan ang tinahak nina Lara kasama ang kaibigan nito at ang ginang. Maaga siya nitong sinuyo sa bahay para maaga silang makarating sa tahanan ng mga El De Villamore
"Eksayted na ako Lara" Bulong nang kaibigan sa kanya. Tiningnan niya ito. Nakasuot ito ng mabulaklaking saya na kulay dilaw. Makikita mo talagang maganda ang dalaga, katamtaman lang ang puti nito, nakapusod ang straigth nitong buhok di tulad sa kanya na maalon at kulay chocolate, di tulad sa kanyang kaibigan na kay itim. Manipis na mga labi, may kasingkitang mata at matangos na ilong. Sa isip niya na, ito ang tunay na maganda kaya naguguluhan siya minsan sa hinabilin ng kanyang inay, kaya nga nagsusuot siya nang balabal.
"Ikaw Lara. Anong naramdaman mo?" Tanong nito.
"Ayos lang naman ang nararamdaman ko Silla"sagot niya. Napansin pa niya na bumusangot ang kaibigan. "Ano ba ang gusto mong nararamdaman ko Silla?
"Yon lang? Di kaba masaya at sa wakas makita natin ang mga anak ng Don"Hagikhik nito.
"Trabaho ang pinupunta ko don Silla. Hindi ang mga anak nang Don" ani niya sa kaibigan, umiling pa siya nang palihim dahil sa hitsura nito, tela ba di makapaniwala sa mga sinasabi niya.
Patuloy lang sila sa pagbabangayan pero nahinto lang sila nang nagsalita ang ina ni Silla na nasa unahan.
"Andito na tayo. Kaya magsitahimik kayo. At tandaan niyo, andito tayo para sa trabaho. At wag na wag kayong lumapit sa mga El De Vilamore. Di natin sila kauri, at di nila magugustuhan ang kagaya natin. Langit sila, lupa lang tayo" Ani ni ginang Sally ang inay ni Silla. Bumaling siya kay Silla na may makakahulugang tingin.
"Wag mong ituloy ang iyong pag-iidolo sa mga binatang El De Villamore Silla. Gulo ang dala ng mayayaman sa mahirap. Kaya mas mabuting wag kayong pumasok sa pamilyang mayaman at umibig dito. Mabuti nang katulong lang tayo, ang katulong ay di mahihimasok" Dagdag nito. Binalingan pa niya nang tingin si Lara bago tumalikod.
Kaya sinundan lang nila si ginang Sally habang naghihimutok si Silla sa tabi. Tela ba di tanggap ang ani nang ina nito.
"Sundin mo nalang ang nais nang iyong ina Silla. Intindihin mo ang sinasabi niya"bulong niya sa katabi.
"Paano ko iyon mapipigilan Lara. Talaga namang magagandang lalaki ang mga anak ng Don. Kung makikita mo sila nang personal talagang luluwa ang iyong mga mata" Nag huhugis na bituin ang nakaukit sa mga mata ni Silla habang binanggit iyon. Wala nang magagawa pa si Lara kundi umiling nalang dahil sa inasta nang kaibigan.
Di din niya gusto ang mga salita nitong luluwa ang kanyang mga mata pag nakita ang mga binata.
Bakit? Para bang mga anghel ang mga anak ng don? Kung bakit ganun nalang kagigil ang kaibigan kung ito? Idagdag mo pa ang mga kababaihan na nakasabay ko sa sapa noong isang araw!
Ani nang dalagita sa kanyang isip habang tinahak ang mataas na daan patungo sa pintuan ng bahay ng mga Ed De Villamore.
Malaki ang bahay at binuo ito ng tatlong palapag. Talagang mayaman ang pamilyang Vilamore, idagdag mo pa ang malawak na lupain na nasa likod ng bahay na may ibat ibang uri ng pananim.
Hinila siya nang kaibigan papasok nang bahay. Napabuntong hininga nalang siya dahil sa ginawa nang kaibigan, para bang hindi ito bininini sa kanyang aksyon at turan talagang maliksi ito at mataas ang enerhiya, di tulad niyang tahimik at tingin tingin lang sa tabi.
Pero di alam nang lahat sa likod ng kanyang pagiging tahimik ay may kaakibat na dragon na kumukubli.
Napalunok uli si Lara habang tuluyang nakapasok sa mala-palasyong bahay ng El De Villamore.
NOTE:
This is work of fictions. The name, characters, events, locations, places is the product of author's imagination and used for fictiously. Any resemblance of actual events, name of people, living or dead is purely coincidental
Note: Plagiarism is a crime