KABANATA V

1984 Words
Zaina Jhin Sa unang pagtunog pa lamang ng aking alarm clock ay naimulat ko na agad ang aking mga mata. Gaya ng nakasanayan, kay bilis lamang ng oras heto at umaga na naman, oras na upang bumangon at muli ay pumasok sa trabaho. Ngunit hindi gaya dati, pakiramdam ko ay tila nadagdagan ako ng enerhiya sa araw na ito. Kay gaan ng aking pakiramdam at para bang may sapat akong lakas upang harapin ang nakakapagod na trabaho. “Vina, Vina, gising kana. James, Josh, gumising na kayo may pasok pa,” Matapos i-off ang aking alarm ay bumangon na ako upang isa isang ginigising ang aking mga kapatid na naroon lang din naman sa aking tabi. Nakailang tapik pa ako sa kanilang mga braso bago tuluyang nagising ang aking mga kapatid. Gaya ng araw araw naming sistema ay kababakasan sila ng pagkaantok at tamad na tamad bumangon. Ngunit hindi ko sila tinigilan hanggat hindi sila nagsisibangon. Nang magising na silang lahat ay nagsimula na kami ni Vina na magligpit n gaming higaan na araw araw din naming ginagawa sapagkat wala namang ibang gagawa nito lalo at wala namang naiiwan dito sa bahay. “Oh kumain na kayo, bilisan nyo tatanghaliin na naman kayo,” Rinig kong wika ni nanay habang abala ito sa paghahain ng almusal. Katuwang nito si Faye na syang incharge sa pagluluto ng aming almusal para sa araw na ito. “Halina mga anak, sabay sabay na tayo kumain,” muling tawag ni nanay sa amin kayat nagsi upo na kaming lahat sa aming sahig. Pabilog ang aming upo upang magkakaharap kaming kumakain. Wala parin kaming lamesa kaya tang aming higaan ang siya paring nagsisilbing habag kainan namin. Mabilisang kain lamang aming ginawa at sanay na ang bawat isa sa amin sapagkat kailangan pa naming magsigayak ng aming mga sarili. Kasalukuyan akong nagbibihis ng marinig ko ang pagdating ng landlady namin upang iaabot ang mga bills namin na siya namang kinuha ni nanay. Nang lumabas ako ng kwarto ay sina nanay at Faye na lamang ang inabutan ko sapagkat nagsialis na ang iba kong mga kapatid patungong eskwela. “Nay sige naman na po pumayag na kayo,” Napahinto ako sa pagsusuklat ng aking buhok ng marinig ko ang winika ni Faye. Nang lingunin ko ito ay panay ang sunod kay nanay na para bang may pinagpapaalam. “Faye sinabi ko na diba delikado yan. Hindi ka nga marunong lumangoy, at isa pa night swimming, magstay ka doon ng ibang tao ang mga kasama mo! Nahihibang kana bang bat aka?” inis na tugon naman ni nanay, muli nitong pinagpatuloy ang pag aayos niya. “Nay, minsan lang naman po saka hindi naman po ako pupunta sa malalim. Mga katrabaho ko lang naman po ang kasama ko, sige na nay pumayag kana po,” muli ay pagsusumamo ni Faye na sa pakiwari ko ay malapit ng umiyak. Tinigil ni nana yang pag aayos ng kanyang mga gamit sa bag niya saka hinarap ng mabuti si Faye. Nanatili akong nakamasid sa kanilang dalawa habang tinitingnan ang aming mga bills. Napahilot ako sa aking sintido ng makita kong tumaas ang bill namin sa kuryente maging sa tubig. Dobleng pagtitpid na an gaming ginagawa ngunit tumataas parin ng tumataas ang mga bayarin. Kay aga ngunit heto at problema agad ang sumalubong sa akin. Tyak kaseng mababawasan na naman ang budget namin sa pagkain sapagkat malaki ang babayaran sa bills. Marahil ay mag oovertime na lamang ulit ako haggang nagpapaovertime an gaming boss. Buti na lamang ay madami kaming gawa ngayon kayat panigurado na laging may overtime. “Faye, wag matigas ang ulo, hindi nga pwede! Iyong gagastusin mo anak dyan ay idagdag na lamang natin dito sa bahay. Kita mo may bills ng dumating, itulong— “Nay sige na po payagan nyo na,” pagsingit ko sa pag uusap nila dahilan upang kapwa sila matigilan. Sabay pa silang napalingon sa akin, si Faye ay tila umaliwalas ang muka sa pag asang narinig habang si nanay ay halos malukot ang muka dahil sa aking winika. “Ina, alam mong delikado papayagan mo pa itong kapatid mo!” giit ni nanay kayat nilapitan ko na sila. Hinawakan ko ang kamay ni nanay upang pakalmahin ito. “Mag iingat naman iyan nay, sinabi naman ni Faye na sa mababaw lang siya, diba Faye?” “Oo ate, promise. Saka kasama naman namin si ate Tin,” mabilis nitong sagot. Napatango naman ako matapos marinig ang pangalan ni ate Tin na kakilala din nila nanay. “Ang laki ng bayarin natin, magbabayad pa ng bahay yung gagastusin nya don ay maaari ng— “Wag mo ng alalahanin yung bills natin nay, kaya naman po may sobra sa sahod ko ngayong linggo,” “Pero anak,” Palihim kong piniga ng bahagya ang kamay ni nanay upang hindi mahalata ni Faye at saka ko sinalubong ang tingin nito upang ipaabot na pumayag na siya. Tila naman naintindihan ni nanay kayat tumango na lamang ito kahit labag sa kanyang kalooban. “Ano pa bang magagawa ko, ate mo na yang kakampi mo,” wika ni nanay bilang pagsuko. Agad na napayakap si Faye kay nanay habang kitang kita ang saya sa muka nito. Ako man ay hindi ko napigilan ang mapangiti ng makita ang kaligayahan sa muka ng aking mahal na kapatid. Bilang nakatatandang kapatid, ramdam ko ang hirap at lungkot na tinitiis ni Faye dahil sa hirap ng buhay namin. Wala pa siya sa tamang edad subalit nararanasan na niya ang magtrabaho sa halip na mag aral. Masakit man sa akin ngunit wala pa naman akong magawa upang tulungan siya sapagkat hindi ko pa kaya. Kayat sana kahit sa ganitong paraan lamang ay mapasaya ko siya kahit saglit na oras. “Salamat po nay, promise po mag iingat ako at uuwe din po ako agad sa umaga,”masayang bigkas pa ni Faye. Tumango na naman si nanay na nakangiti na rin, habang ako ay nakangiting binalikan ang aking gamit upang iayos na lahat sa aking bag. Handa nako sa pagpasok at tanging hudyat na lamang ni nana yang aking hinihintay kung kami ay aalis na. “Oh sya tara na baka malate pa tayo,” iyon na ang aking hinihintay kayat nauna na ako sa paglabas ng pinto habang ramdam ko ang pagsunod ni Faye. Saglit muna akong huminto upang hintayin si nanay na kasalukuyang nagsasara ng aming pinto at nagpatuloy lamang sa paghakbang ng masiguradong kasunod na namin si nanay. “Ate salamat,” Nagulat pa ako ng mula sa aking likod ay may yumakap ng mahigpit sa akin. Matamis na ngiti ang sumibol sa aking labi ng mapagtantong ang gumawa ay walang iba kundi ang kapatid kong si Faye. “Wala yun, sige mag enjoy ka basta’t mag iingat ka at wag mong kakalimutan ang mga bilin namin ni nanay ha,” wika ko saka hinaplos haplos ang braso niyang nakayakap parin sa akin. Kahit naroon siya saking likuran at tila nakita ko na rin ang pagtango niya habang paulit ulit na nagpapasalamat. Isa sa masarap na pakiramdam ang mabigyan ng munting kasiyahan ang mga kapatid ko. Ito rin ang patuloy na nagbibigay sa akin ng lakas upang patuloy na lumaban. Kayat kahit mahirap ay hindi ako magsasawang lumaban para sa kanila. Dahil naniniwala ako na habang may bukas ay mayroong pag asa. “Ang ganda ata ng awra mo ngayon girl,” Mula sa pagkakayuko ay napaangat ako ng tingin ng marinig ko ang pamilyar na boses. Kasalukuyan akong nagsusulat ng pangalan ko sa log book namin ng may lumapit sa akin at sa kanyang boses ay nabatid kong si ate Ada iyon. Ngumiti ako saglit saka pinagpatuloy ang pagsusulat ko pagkatapos ay inabot ko sa kanya upang siya naman ang mag-in. Hindi ako kumibo sa halip ay hinintay na lamang siya upang sabay na kaming maglakad papunta sa aming pwesto. “So anong meron sayo at mukang good mood ka?” muling tanong ni ate Ada habang naglalakad na kami ng sabay. Sasagot na sana ako ng biglang may humarang sa amin na lalaki. Napakunot noo ako ngunit agad ko ding sinubukang kalmahin ang sarili ko ng makilala ko ito. “Good morning Ina,” bati nito habang wagas ang ngiti sa akin. “Good morning din,” maikling tugon ko. Aalis na sana ako ngunit agad ako nitong pinigilan sa braso kayat tiningnan ko ito ng tinging nagtatanong. Tila naman siya napaso at dagling binitawan ang aking braso. Ngunit sa halip na hayaan akong umalis ay nagulat pa ako ng may iaabot ito sa akin. “Ina para sayo,”nakangiti ngunit kinakabahan nitong sambit habang inaabot sa akin ang plastic na sa tingin ko ay may lamang mga kakanin. Mula sa pagkakatingin ko sa pagkaing inaabot niya sa akin ay binaling ko sa mga mata nito ang aking tingin. Malungkot ko siyang tiningnan habang naroon sa aking mga mata ang paghingi ng paumanhin. “Joven, hindi ba nag usap na tayo? Pasensya kana pero wala talaga akong balak makipagrelasyon kayat sana ay itigil mo na ito. Muli ay humihingi ako ng pasensya sapagkat hindi talaga maaari, maging magkaibigan na lamang tayo,” wika ko habang deretcho ang tingin sa mga mata niya kayat kitang kita ko ang paglungkot nito. Siya si Joven ang isa sa mga katrabaho ko dito sa pabrika. Matagal na rin kaming magkakilala at ilang beses na na rin siyang nagtangkang manligaw sa akin ngunit sa ilang pagsubok niya ay palagi ko siyang tinatanggihan. Ayaw ko makapanakit ng kapwa ngunit hindi ko rin nais na masaktang muli. Hanggang ngayon ay hindi pa naghihilom ang mga sugat ko kayat wala akong balak na pumasok sa isa na namang pagkakamali. Mabait na tao si Joven, maalaga at ramdam ko ang pagiging sinsero niya sa panliligaw sa akin. Isa rin sya sa tinuturing kong kaibigan kayat gayon na lamang ang pagtutol ko sa nais niya sapagkat hindi ako ang nararapat sa kanya. Hindi siya maaaring pumasok sa wasak kong puso dahil maaari iyong magdulot ng pagkawasak niya bagay na hindi ko na nais pang mangyaring muli. Marami na akong pagkakamaling nagawa, at aaminin kong batid kong hindi doon nagtatapos ang lahat sapagkat sa bawat araw ng buhay ko ay maaari pa itong madagdagan. Kaya naman hangad ko ang subukang pigilan at maiwasan ang pagkakaroon muli ng pagkakamali hanggat maaari. “Joven I’m sorry,” bulong ko na siyang umagaw sa atensyon niya upang muling mag angat ng tingin sa akin. Mapakla siyang ngumiti saka tumango tango. Kitang kita ang sakit sa kanyang mga mata kayat nakaramdam ako ng guilt. “Pasensya kana din may kakulitan ako. Alam ko naman na wala talagang pag asa, hayaan mo lang sana muna ako hanggat mapagod ako ng kusa. Sana maging magkaibigan parin tayo,” hiling nito kayat ako naman ang tumango ng sunod sunod. “Oo naman,” tugon ko. “Salamat, sige alis na ako,” Ngumiti siya at akmang tatalikod na kayat aalis narin sana ako ngunit bigla siyang humarap kayat maging ako ay napatigil sa paglisan. “Gusto ko lang sanang malaman kung siya ba ang dahilan?” tanong nito na kinakunot nook o. Hindi ko maintindihan ang sinasabi niya kayat agad akong nagtanong. “Anong ibig mong sabihin?” “Kagabe nakita kase kita. May lalaking nagsundo sayo, kayat gusto ko sanang malaman kung siya ba ang dahilan kayat ayaw mong magpaligaw?” Gulat at halos manlaki pa ang mga mata ko ng marinig ang mga winika ni Joven. Agad na rumihistro sa isip ko ang ginawang paghihintay si Jovann sa akin kagabe. Marahil ay nakita kami ni Joven kayat gayon ang kanyang tanong. “Boyfriend mo ba siya?” Hindi ako nakakibo at sa halip ay napatitig kay Joven na siya namang naghihintay ng aking kasagutan. Ang simpleng tanong na hindi ko agad mabigyang kasagutan. Isang tanong na siyang nagbigay kabog sa aking dibdib ng hindi ko maintindihan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD