Maling- Akala
Hindi kailan man sumagi sa isip ko na may mga bagay na hindi mo kayang gawin ng mag-isa sapagkat ako'y anak nang pinaka-mayamang negosyante sa aming bayan kaya't lumaki akong nakukuha lahat nang mga bagay na gusto ko.
Haha ba't pa ako mag-aaral ih sa yaman palang ni dad kayang-kaya na ko nang mabuhay at kahit pa mag-asawa na ako ngayun ay hinding-hindi padin kami maghihirap.Mayabang na sambit ko sa harap nang aking Yaya.
Senyorito dapat Kang mag-aral para na rin sa iyong kinabukasan at para matuto ka din kong paano patakbuhin ang negosyo ng iyong ama sapagkat ikaw na ang mamahala into sa hinaharap .Malumanay at malalim na salitang binitawan ni Yaya.
Yun nanga yaya ako ang magmamana ng negosyo ni dad balang araw kaya wala ding silbe kahit mag-aral pa ako kasi mayaman parin nmn ako kahit pa di ako mag-aral dahil sa negosyo ni dad na mapapasakin din pagdating panahon. Mga salitang binitawan ko habang nakaharap sa aking yaya.
Senyorito kapag hindi ka nag-aral at wala kang alam sa pagpapatakbo ng negosyo maaaring ito pa ang maging dahilan nang pagkalugi ng negosyong pinaghirapang ipundar ng iyong ama. Mga salitang binitawan ni yaya habang hinawakan ang aking kamay.
Ah wala akong pakialam ,tsaka bat kaba nangi-ngialam ha?Ih, yaya lang naman kita si mommy nga di ako pinipilit mag-aral Ih, at binibilhan pa ako ng maraming laruan, pareho lang kayo ni dad di nyo ako naiintindihan si mommy lang talaga nakakaintindi sa akin dito. Pasigaw na sambit ko habang iniwaglit ko ang aking kamay at pumasok sa aking kuwarto at nagsara nang pinto.
Kinabukasan kinausap ako ni dad tungkol sa nangyari kahapon nagsumbong pala si yaya sabay ipinaliwanag sa akin na kailangan kong mag-aral para matuto ako sa kalakaran ng mundo at magkaroon ng sapat na kaalaman para sa pamamahala nanga negosyo. Pero dahil sa aking kayabangan sumagot kay daddy ng ba't pa ako mag-aaral ih kaya mo naman kaming buhayin ni mama at isa pa marami na tayong pera.
Halata sa mukha ni dad na hindi sya nasiyahan sa aking sagot, tumalikod sabay isinara ng malakas ang pinto.
Humiga ako , sabay sabing asan kana ba kasi mommy lang kakampi ko, dalawang taon na simula ng umalis ka ba't hanggang ngayun di ka parin bumabalik.
Umalis si mommy noong ako'y 8 taong gulang pa lamang kasi nag-away sila ni daddy pero hanggang ngayun 10 taong gulang na ako di pa din siya bumabalik.
Makalipas ang limang taon ako'y 15 taong gulang na, at isang araw nagpagdesisyonan kong sumama kay yaya sa palengke, habang namimili kami may nakita akong isang babae na kasing edad ko na nagtitinda nang mga gulay sobrang ganda niya kahit hindi siya naka ayos.
Gustong-gusto ko siyang lapitan at makipagkilala pero nangibabaw sa aking isipan ang mga salitang ba't ako makikipagkilala sa isang mahirap na kagaya niya. Siya dapat ang lalapit sakin at makikipagkilala kasi mayaman ako at mahirap siya.
Umuwi kami ni yaya na hindi ko man lang naitanong kong ano ang pangalan nang babaeng yun.
Kinagabihan nag chat ang kaibigan ko na si Ryse, uy Theo? libre kaba bukas sama ka sa amin mag a outing kami nang barkada "mga salitang binanggit ni Ryse
Oo naman libre ako wala nmn akong gagawin dito sa Bahay ih, San ba tayo? sagot ko sa kanya
Sa De Luna Beach sikat yan Ngayon dito sa ating bayan ih ,sagot ni Ryse
Ah sige Ryse punta ako bukas, San ba Tayo magkikita? Sagot ko
Punta ka nalang dito sa amin mga bandang alas 8 nang umaga,dito kami maghihintay sa iyo " sambit ni Ryse
Ah sige , hintayin nyo nalang ako bukas , pupunta ako panigurado yan, ako na bahala sa pagkain at iinumin" sagot ko
sige Theo, yan Ang gusto Namin sayo apaka galante mo na kaibigan, sige aasahan ka namin bukas a" sagot ni Ryse
Natulog ako nang Maaga na may halong galak para sa outing kinabukasan
Nagising ako ng alas 5 , sobrang-aga kumpara sa pangaraw-araw kong pagising kalimitan nagigising ako alas 8 hanggang Alas 9 pero exception ngayong araw kasi may gala akong sasamahan , lumabas ako nang kuwarto at inutusan si yaya na ihanda na ang aking agahan bago ako pumasok ng banyo para maligo.
Pagtapos kong maligo nagbihis agad ako at dumiretso sa kusina para kumain ng agahan, bakas sa mukha ni yaya ang gulat at hanggang sa di na siya naka tiis at nagtanong na siya,
May lakad ka po ba Ngayon senyorito? Ang aga mo kasing nagising," Tanong pa ni yaya
Oo yaya mag a outing kami nila Ryse ngayon pero mamimili muna ako ng mga pagkain at iinumin nakapangako kasi ako na ako na ang bahala sa pagkain at iinumin." sagot ko kay yaya
Pero senyorito alam ba ito nang Senyor? baka kasi magalit na naman yun kapag lumakad ka ng di nagpapaalam" batid pa ni yaya na bakas sa mukha ang pagaalala
Wag kang mag-alala yaya malapit lang naman kami sa De Luna Beach lang daw kami sabi ni Ryse kagabi, mabuti pa yaya ay maganda kana't magpapasama ako sayo sa pamimili. sambit ko kay yaya
Nakahingi kana ba ng pera sa Dad mo senyorito? Tanong ni yaya
Wag kang mag-alala yaya may sarili akong pera " mayabang kong tugon sa katanungan ni yaya