Chapter 101 Beatrice Celestine PARANG lumulutang ako. Parang... nasa alapaap. Walang problema, walang sakit, puro init lang ng yakap, puro haplos sa balat, puro halik sa labi. Hindi lang halik. Mas higit pa. Parang ako lang at siya. Parang nag–iisa ang katawan namin. "DN..." I moaned soflty, paulit–ulit. Hindi ko na alam kung ilang beses. Basta ang alam ko, ramdam ko siya. Ang bawat galaw, bawat dampi, bawat ungol. Kilalang–kilala ko. "DN..." Napasinghap ako. God, it feels so real and it feels so good. Mainit ang palad niyang nakalapat sa balat ko. Mabigat ang hininga niya. Kasabay ng t***k ng puso ko. Pero— May mga daliri na pumisil–pisil sa pisngi ko. "Mommy....wake up." May mga hagikgik. Ang saya ng mga tinig. "You're dreaming, mommy," sabay tawanan ulit. Napakunot ang noo ko

