Chapter 102 Dmitri Nikolai "YOU keep us worried, DN. Akala namin talaga...kinain ka na ng dagat, anak," nanginginig ang boses ni Mommy Zoey habang hawak–hawak ang kamay ko, mahigpit. Nakikita ko sa mukha niya na halos 'di siya makapaniwala na nasa harap nila ako ngayon—buhay na buhay. Katabi niya si Daddy Daniel, tahimik lang pero halatang pinipigilan ang luha. Ilang beses siyang tumango habang nakatitig sa akin, para bang tinitimbang kung totoo ba itong nangyayari o isang panaginip lang. "Anak..." sabay sabay na humugot ng malalim si Dad. "Akala namin nawala ka na. Salamat sa Diyos at buhay ka." "Eh, sabi ko naman sa'yo Mom, Dad... matibay itong anak ni'yo." Pinilit kong ngumiti kahit mabigat pa rin ang dibdib ko. Hindi ki rin lubos mapaniwalaan itong second life ko. Dinaan ko sa bir

