Chapter 103 Dmitri Nikolai NAKIKITA kong lumapit si Beatrice sa mga bata. "Okay, kids," malumanay niyang sabi. "Aalis muna si Mommy ha? Magpakabait kayo dito." Sabay–sabay namang sumigaw ang triplets ng "Yes, Mommy!" "Makinig sa grandparents niyo, okay? No kulit, no fighting," dagdag niyang sabi, na may bahid ng paalala. "Mommy, where are you going again?" tanong ni Dannie, habang hinahaplos ang laylayan ng bestida ng Mommy niya. "I just need to go to Manila. Quick trip lang. I'll be back agad." "Tatawagan mo kami?" singit ni Cael, habang nakataas pa ang kamay, parang sure lang na may kasunduan silang mangyayari. "Of course," sagot ni Trice sabay halik sa noo ni Cael. " Mommy loves you all so much." Napatigil ako saglit sa hagikgikan ng mga anak ko. 'Yung tanawin na 'yon doon ako

