Chapter 50 Beatrice Celestine SEVEN months na akong buntis. Hindi siya ganoon kadali. Walang araw na lumilipas na hindi ko nararamdamang parang isa lang akong salamin na puwedeng mabasag anumang oras. Maselan ang pagbubuntis ko. Konting kilos, may spotting. Konting lakad, hinihingal na agad. Kaya halos araw–araw, nakahiga lang ako. Minsan naiiyak ako nang wala sa oras, minsan naman tahimik lang habang pinagmamasdan ang kisame, iniisip kung paano ko kakayanin ito. Buti na lang...andiyan si Lola Penelope. Si Mommy Kassandra. Sila 'yung nagpapalakas sa akin. Si Lola 'yung tipo ng tao na kahit hindi magsalita, ramdam mong andiyan lang. Si Mommy naman 'yung palaging nagsasabi na—"Kaya mo 'yan, anak." Kung wala sila, siguro matagal na akong gumuho. Sobrang pasasalamat ko sa presensiya nil

