Chapter 50.2 Beatrice Celestine I HEARD giggling words in my head. Mga boses ng bata. Tila musika sa pandinig ko—masaya, magaan, parang walang problema. Napangiti ako. Sandali lang. Hanggang sa bigla kong maalala ang nangyari before I passed out. Yung dugo. Yung kirot. Yung sigaw ko. Yung takot. Napamulagat ako. Napahawak ako sa tiyan ko. Dahan–dahan. Pero wala na. Flat. Wala na ang baby bump ko. Wala...wala na sila. Napabalikwas ako ng bangon. Halos matanggal ang mga tubo sa kamay ko sa bilis ng galaw ko. "Where's my babies?! Where are my babies?!" sigaw ko. Nanginginig ang boses ko habang sinusuyod ng paningin ang buong kwarto. "Nasan ang mga anak ko?!" Sigaw ko, habang kumakalabog sa matinding kaba at takot ang dibdib ko. Walang sumasagot. Pinilit kong bumangon mula sa ka

