Chapter 32 Beatrice Celestine PAGMULAT ng mga mata ko, madilim na. Napabalikwas ako ng bangon. Mabilis kong tiningnan ang orasan sa bedside table—5:47 PM. Napamura ako sa loob–loob ko. Gabi na. Hindi ko namalayang nakatulog ako nang ganito katagal. Mabilis akong bumaba. Naabutan ko si Manang Sita sa kusina, na nakaupo sa bangko malapit sa lababo, nagbabalat ng kalabasa habang may nakasalang na mainit na tubig sa kalan. "Manang..." bungad ko, habang lumapit sa kanya. "Pasensya na po...ngayon lang ako nagising. Ang dilim na pala." "Ayos lang, hija," sagot niya at isang nakakaunawang ngiti ang binigay sa akin. "Kailangan mo rin naman magpahinga." Ngumiti ako pabalik, kahit alam kong halata sa mata ko ang pagod. "Ako po ang magluluto," sabi ko. "Simple lang...pero alam kong magugustuha

