Chapter 49 Beatrice Celestine MAGULO ang paligid. May sumisigaw, "Five minutes na lang, ready na ba ang camera?" May tumatakbong production assistant na may hawak na clipboard. May isa namang halos madapa sa pag–aayos ng linya ng kuryente habang sa may gilid, abalang naglalatag ng food trays ang catering team. Pero ako? Tahimik lang ako sa loob ng tent. Nakatingin lang ako sa salamin sa harap ko, malalim ang iniisip. Ganoon kabilis lumipas ang mga araw, isang buwan na ang lumipas at malapit na kaming matapos sa shooting ng pelikual namin ni Andrew. Mula nung bigla siyang humarang sa harap ng sasakyan. At isang buwan na rin mula nang mag-message siya sa akin sa messenger. Akala niya siguro madadaan ako sa ganito: "Trice, please. I know I messed up. But I still love you. I still drea

