Chapter 43 Beatrice Celestine "NO," DN shook his head violently, voice hoarse and desperate. "No, tell me you're kidding... May mga natanggap akong sulat galing sa—" Tinuro niya ang sarili niya, pilit ipinapaliwanag, "—I have letters from Trice. I kept them...lahat ng sinulat niya sa akin." Sa hitsura ni DN para itong pinagbagsakan ng langit habang nanginginig ang kamay niya, para bang naghahanap ng kakapitan sa gitna ng biglang pagguho ng mundo niya. Napailing lang si Kuya Bryn, saka tumawa ng mapait. Walang galit sa tawa niya — puro awa lang, pero hindi para kay DN. Para sa akin. Lumakad siya palapit kay DN, pinanood ko silang dalawa habang halos hindi ako makahinga. Kuya pulled out a small paper from his back pocket. "Here," sabi ni Kuya habang iniabot iyon kay DN. "This is where

