Chapter 51 Beatrice Celestine FOUR years later "Bang! Bang! You're a bad guy!" sigaw ni Cael habang nagtatakbo sa hardin, hawak ang laruan niyang baril at halos mabuwal sa damuhan sa kakahabol kay Cole. "No! I'm Super Man! I can fly!" sigaw naman ni Cole, tatalon–talon pa habang tumatawa. Sa isang tabi, si Dannie naman, suot ang pink niyang dress na may glitters, at bitbit ang paborito niyang stuffed unicorn. "You boys are so noisy!" Asik niya sa dalawa, tila galit, siguro ayaw na naman isali sa laro. Napangiti ako habang nakasilip sa bintana ng kusina, pinapanood silang maghabulan kasama ang Daddy Kaydan, si Lolo Franco, tawa nang tawa habang nakaupo parang bumabata ang matanda. Si Kuya Bryn, palagi ring dumadalaw sa amin at si Brayden pero ngayon busy ang dalawa sa negosyo at pulit

