Chapter 19 Beatrice Celestine HINDI ko alam kung anong pumasok sa utak ni DN at biglang nagbago na ang desisyon niya. Sasakay kami ng kabayo, papuntang kapehan. "Sasakay tayo ng kabayo," aniya habang tinuturo ang dalawang kabayong hinihila ng lalaking naka–sombrero sa tabi ng bakuran. Napakunot ang noo ko. "Ha? Ngayon? I can't ride a horse by myself?" tanong ko, sabay tingin sa suot kong simpleng blusa at pantalon. Ang alam ko, hindi ako marunong mangabayo. "Ay, naku, baka mahulog si Trice diyan!" mariing sabat ni Manang Sita habang lumalapit sa amin. "Baka matakot 'yan. Matagal na yata siyang hindi nakakasakay ng kabayo!" Pero umirap lang si DN. "She knows how to ride, Manang. Marunong "yan." Matigas ang tinig nito, walang bahid na konsiderasyon ang boses. Parang gusto niyang ipaham

