Chapter 11 Beatrice Celestine AGAD kong pinunasan ang mga luha ko, pilit na pinapatahan ang sarili kahit ang bigat–bigat ng pakiramdam ko. Hindi pwedeng may makakita sa'akin na sobra akong nasasaktan. Pero hindi ko pa man tuluyang naayos ang sarili ko, may narinig akong nagsalita sa likuran ko. "Hija...sorry!" Dahan–dahan akong lumingon sa pinanggalingan ng tinig. Nakita ko si Yaya Korina. Nakatayo siya doon, nakayuko nang bahagya, kita sa mukha niya ang guilt at pag–aalala. "Yaya?" Napabuntong–hininga siya bago lumapit sa'kin. "Pasensiya ka na, hija," aniya, halos hindi makatingin nang diretso sa'kin. "Ako ang nakakita sa cellphone mo." "A–anong ibig mong sabihin?" Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita. "Nag–aayos ako ng closet mo, nang may marinig akong tumutunog—para

