Chapter 33 Beatrice Celestine TAHIMIK lang si DN. Nakatitig lang sa akin, blankly no emotion at all. Parang pinipili niya na maging maingat sa mga salitang bibitawan niya. Isang matalim na buntong–hininga ang pinakawalan niya bago nagsalita. "I tried, Beatrice.I tried to love you." Ang bawat salita niya'y, parang balang tumama sa dibdib ko. Humigpit ang hawak ko sa laylayan ng blouse ko. I swallowed, pilit kong tinatanggap ang bawat salita niya kahit ayaw ko. "I tried to build something with you, kasi akala ko...maybe, just maybe, it would work." Nakangiti ako, pero alam kong ang itsura ko, parang baliw na pilit tinatawanan ang sakit. I was desperate to hear anything but the truth I feared the most. "But I can't." Parang may pumunit sa dibdib ko. "I can't force myself, Beatrice.

