Chapter 27: Ikaw lang ba?

2085 Words

Chapter 27 Beatrice Celestine SABAY–SABAY kumakain ng tanghalian ang lahat. Ang mga pinsan ni DN, panay ang biruan at kwentuhan. Ang mga tawa nila, palakas nang palakas habang umiinit ang usapan tungkol sa kabataan nilang puno ng kalokohan. Tahimik lang akong nakaupo, nakikinig lang. Hindi pa rin nawawala ang kabog sa dibdib ko lalo na kapag napapatingin ako kay DN—tahimik, pero andun lang lagi ang matalim niyang mga mata. "Hi, Tita!" Biglang napalingon ang lahat sa pinanggalingan ng tinig. May matangkad, at magandang babaeng dumating, halatang sosyal sa ayos at kilos. Naka–formal dress, naka–high heels. Ang bawat galaw ay compose. "Oh? Lhea! Hija, buti naman at nakadalaw ka," bungad agad ng mommy ni DN. Lumapit ang babae sa mommy ni DN at humalik sa pisngi, ganoon din kay Darina.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD