Chapter 58: Halik na panakaw

1494 Words

Chapter 58 Beatrice Celestine PARANG huminto ang paligid ko at tila ang hirap huminga. Hindi dahil sa kaba, kundi dahil siksik nang emosyon ang dibdib ko habang nakaupo kami ni Brent. Magkahawak ang kamay namin, mahigpit pero banayad. Ramdam ko ang init ng palad niya sa lamig ng aircon na bumabalot sa buong event hall. Mula sa kinauupuan namin, tanaw ko ang stage na punong–puno ng liwanag. Pero kahit maliwanag ang harapan, pakiramdam ko mas maliwanag pa ang mga matang nakatingin sa akin mula sa likod. Hindi ko alam kung saan ako titingin. Kaya tumingin na lang ako kay Brent. "You look so beautiful tonight," bulong niya. I smiled faintly. Ayoko kasing kumalat ang lipstick sa labi ko. Pero totoo naman 'yung sinabi niya. Kahit ako, medyo nabigla rin sa hitsura ko kanina nang tumayo ako

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD