Chapter 82: Sa likod ng Kasal

1674 Words

Chapter 82 Beatrice Celestine PAGKARATING namin sa ospital, ay agad akong bumaba sa motor niya hindi na ako naghintay pa sa kanya. Diretso agad ako sa private room ni Lolo Franco habang si DN naman ay tumuloy sa nursing station. May kailangan lang siguro. Pagbukas ko ng pinto, agad bumungad sa akin ang halakhak ni Lola Penelope. Nakaupo si Lolo sa kama, nakasandal, at mukhang masigla na. Hawak niya ang kamay ni Lola habang masayang nagkukuwentuhan silang dalawa. Para silang teenagers. 'Yun 'yung klase ng pagmamahal na pinapangarap ko. 'Yung tipong kahit ilang taon na ang lumipas, kahit ilang pagsubok ang dumaan, buo pa rin. At mas matibay. Mas totoo. Mas lumalim ang pagmamahalan sa isa't isa sa mga dekadang lumipas. "Beatrice, apo!” tawag ni Lolo nang mapansin niya ako. "Halika dito."

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD