bc

GABI NG PAGNANASA (SPG)

book_age18+
437
FOLLOW
4.1K
READ
billionaire
HE
powerful
heir/heiress
bxg
addiction
like
intro-logo
Blurb

SHEENA ESCUDERO thought he was her knight in shining armor. Nasagip siya ng isang guwapong estranghero sa gitna ng kapahamakan—parang eksena sa pelikula. Akala niya, destiny na 'yon. Fairy tale vibes. Siya ang prinsesang ililigtas ng makisig na prinsipe. But she was wrong. Dead wrong. Dahil ang "hero" na ito… may hinihinging kapalit. “Just one night. Be mine.” Isang gabi raw. Isang gabi lang na ibigay niya ang sarili niya, buong-buo. Pero hindi si Sheena Avila isang babae para sa one-night stand lang! Hindi siya mabibili ng kahit gaano pa ka-intense ang titig ng lalaki. Kung si Cinderella nga nag-iwan ng sapatos, siya rin? Nag-iwan ng mas maselang remembrance. Ang maliit na telang tumatakip sa gusto niyang itago—tinanggal niya ang panty niya ar iniwan niya… para takasan siya. But fate isn’t done with her. Dahil ang lalaking gusto niyang kalimutan… Siya ring lalaking hindi na aalis sa buhay niya.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
SHE’S not there. Wala si Lita sa inuupahan nitong apartment. Tinanong ni Sheena ang landlady at kahapon pa raw ng umaga hindi umuuwi si Lita. Nakaramdam si Sheena ng matinding pag-aalala para sa kaibigan. Alam niyang hindi maganda ang pinagdadaanan nito ngayon. Naikuwento na rin sa kanya ni Marsh ang nangyari kina Lita at sa nobyo nitong si John. Apat na taon silang magkasintahan at may planong magpakasal. Pero hindi na ‘yon matutuloy. Nalaman ni Lita na nakabuntis ng ibang babae si John. Devastated for sure ang kaibigan niya. Naipaplano na ang kasal tapos biglang malalaman lang ni Lita na may iba pala si John? Na may sinisipingan na itong iba? Bumuntong-hininga siya. Nasaan na kaya ito ngayon? Nag-aalala rin si Marsh para dito. Pero nasa Palawan ang bakla kaya siya ang pinakiusapan nitong puntahan si Lita. Tamang-tama at nasa Manila lang siya ngayon. Katatapos lang ng modeling gig niya sa may QC kaya dumiretso na siya sa address na ibinigay ni Marsh—sa Antipolo, Rizal na raw nakatira ang kaibigan niya. Naligaw pa siya bago nakarating sa mismong lugar. Only to find out, wala rin doon si Lita. Ilang beses niyang sinubukan na kontakin ito pero walang sumasagot. Kung nasaan man si Lita, sana okay lang siya. Sana huwag niyang ulitin ang ginawa niya noon. May history kasi ito ng pagiging suicidal—iyon ang kinakatakot nila ni Marsh. Tumingin siya sa relo. Alas-sais na. Malayo pa ang uuwian niya at kailangan na niyang umalis. Hindi rin siya pamilyar sa lugar at nagsisimula nang dumilim. It’s not safe for her to be alone right now. Nagsimula na siyang maglakad palabas ng madilim na eskinita. Sa hindi malamang dahilan, tumindig ang balahibo niya. Nakaramdam siya ng kaba. Kahit sino, sa kalagayan niya, gano’n din ang mararamdaman—lalo na’t ngayon lang niya napuntahan ang lugar. Sanay naman siyang gumala sa Kamaynilaan, pero kadalasan, may kasama siya—si Marsh o si Lita. Ngayon, mag-isa lang siya. Hindi niya feel na ligtas siya. Kinuha niya ang cellphone at ginamit ang ilaw niyon para makita ang dinaraanan. Naka-six inch heels pa naman siya. Palinga-linga siya sa paligid. Damn, normal lang ba ang ganito katahimik? Siguro, mag-book na siya ng taxi habang maaga. Pagkalabas ng eskinita, bumungad sa kanya ang isang madilim na kalsada. Ghad, feeling niya nasa isang slasher film siya. Parang hindi ito ang binabaan niya kanina. O ito nga ba ‘yon? Napakunot-noo siya. Hindi niya maalala. Dapat siguro bumalik siya sa apartment ni Lita at hintayin ito. Baka dumating din mamaya? Lumingon siya sa pinanggalingan. Dapat nga siguro hintayin— Napatili siya. Biglang may humablot ng hawak niyang phone. “Hoy!” sigaw niya. Masyado siyang nashock kaya late ang reaction niya. Mabilis na tumakbo palayo ang lalaki, hawak ang kanyang cellphone. At hindi basta cellphone—latest iPhone na pinag-ipunan niya ng matagal! Napamura siya at hinabol ang lalaki. Akala mo ah! Runner siya noong high school—runner, hindi drug runner, okay? At walang chance na pababayaan niya lang na mawala ang cellphone niya. “Hoy, ibalik mo ‘yan!” sigaw niya. Lumingon sa kanya ang binatilyo. Batang hamog lang ang snatcher! Mukha nitong wala pa sa disi-sais. Pero mabilis. At ang cellphone niya, unti-unting lumalayo sa paningin. Sumasakit na ang mga paa niya. Kusa na siyang sumuko. Napamura siya habang habol ang hininga at napasandal sa pader. She needs to go. Baka pati bag niya masnatch pa. Andoon lahat ng ID niya, cards, cash. Mahirap na nga siya—mas lalong hindi na niya kakayanin. “Miss?” Napalingon si Sheena. May lalaking lumalabas mula sa eskinita. Malaki. Matangkad. Punong-puno ng tattoo ang katawan. Muscular. Naalala niya si Marsh. Ganito ang type ng bakla—kung tatakpan lang ang mukha. Kasi ang totoo, chararat ang itsura ng lalaki. “Naliligaw ka yata, Miss.” Asiwang ngumiti si Sheena. “Ah, hindi naman. M-May binisita lang ako.” “Talaga? Boyfriend mo?” Mula sa pagkakatitig sa mukha niya, dumako ang mga mata ng lalaki sa katawan niya. Nakita niya ang init sa mga titig nito. “K-Kaibigan ko lang.” “I see. Hindi ka dapat nag-iisa kapag ganitong oras.” “I-I know, right?” Dapat hindi siya nakikipag-usap sa estranghero. She should go now. Pero ang mga paa niya, tila ipinako sa lupa. Nangangatal. “Uuwi ka na ba? Baka gusto mo magpahatid.” Nanlaki ang mata niya. “No. S-Salamat, pero hindi na. Kaya ko naman…” Tumawa ito. Humakbang palapit. “You can trust me, Miss. Mapagkakatiwalaan mo kami… na ihatid ka ng maligaya.” Kami? Doon niya napansing hindi lang sila. Lumingon siya. May dalawa pang lalaking maskulado. Hubad-barong tila binigkis ng testosterone. Mas matangkad pa sa kanya kahit naka-heels na siya. Napalunok siya. Naamoy niya ang amoy alak sa hininga ng mga ito. Nakaramdam siya ng matinding kaba. Tumingin siya sa unang lalaki. “Kaya kong umuwi ng mag-isa. Di ko kailangan ng tulong niyo. Now, if you’ll excuse me…” “Ah, suplada naman pala,” ani ng isa. Naglakad siya palayo, pero hinawakan siya ng isa. “Ano ba! Bitawan mo ako!” sigaw niya. “Ano bang kailangan niyo?” “Miss, wag ka magmadali. Ihahatid ka namin pagkatapos, eh…” Nanlaki ang mata niya sa takot. Tatlong lalaki, lasing, agresibo. At siya lang mag-isa. “Wala ka namang dapat ikatakot, binibini,” bulong ng isa. “Sumama ka lang ng ayos, hindi ka masasaktan.” “Masasarapan ka pa.” Tangina. Mga hayop. Nilunok niya ang takot. Hindi siya papayag na mapagsamantalahan. Pero kailangang mag-isip. Kailangan niya ng tyempo. “Sigurado kayo?” mahinang tanong niya. “Hindi niyo ako sasaktan pag sumama ako?” “Oo naman. Kung hahayaan mo lang kami…” Hinaplos ng lalaki ang braso niya. Nangilabot siya. Sa gilid, humahaplos na rin ang isa. Sa likod, isa pa. Puno ng pagnanasa ang mga titig nila. Kailangan niyang magpanggap. Ngumiti siya. Mapang-akit. Nilabanan ang suka sa lalamunan. “Sigurado ba kayo na… dito niyo ako gustong i-s*x?” Napangisi ang mga hayop. “Bakit, saan mo ba gusto?” Sinapo ng isa ang pisngi niya, hahalikan siya pero pinigilan niya. “Mamaya na. Dalhin mo muna ako sa place mo.” “Tangina, game na game pala ‘to, pre,” sabi ng isa. “Nagpapakipot lang.” Sa isip niya: Mukha mo! Inakbayan siya. Nakakakilabot ang pagdampi ng braso nito sa balikat niya. “Wag ka matakot sa amin.” “H-Hindi naman ako takot…” “Pare, meron ka ba dyan? Bigyan natin para kumalma.” “Meron ako dito.” Tumigil sila. May inilabas ang isa—puting sachet. Droga. Hindi. Hindi. Hindi. At iyon ang magiging cue niya—ang sandali ng kasukdulan. Nag-angat siya ng tingin sa isang lalaki. "Miss, alam ko alam mo na pinagbabawal 'to. Kaya atin-atin lang 'to kung ayaw mong masaktan." Napailing siya. "B-Balak niyo ba akong pagamitin niyan?" "Syempre, para masarap ang banatan." No way. Hindi puwede 'yon. Ngayon pa lang kailangan na niyang gumawa ng paraan para makatakas. Pasimpleng ipinasok niya ang kamay sa kanyang bag. Wala siyang pocket knife para maipagtanggol ang sarili. Pero may nahagip ang kamay niya sa ilalim—isang bagay na nagliwanag agad ang isip niya. Right! "Pero hindi ako nagda-drugs. At hindi niyo ako mapapagamit niyan." "Wala kang magaga—" Mabilis niyang kinuha ang bote ng pabango at ini-spray iyon diretso sa mata ng lalaking nakaakbay sa kanya. Napasigaw ito at napatakip sa mga mata. "Putangina!" Pinag-spray din niya ang mukha ng dalawang kasama nito. Pero kamalasan, isa lang ang napuruhan. Maagap na nahagip ng isang lalaki ang kamay niya. Ibinato niya sa mukha nito ang bote ng pabango. Nasapo nito ang noo. Sinamantala niya ang pagkakataon—tumakbo siya. Nakita niyang nakatayo na ulit ang lalaking unang inisprayan niya. "Magbabayad ka, puta ka!" Hinabol siya nito. Tumakbo siya nang mas mabilis. Sagabal ang suot niyang heels, kaya habang tumatakbo, sinubukan niyang tanggalin iyon sa kalagitnaan ng panic. "Ngayon magbabayad ka talaga." Napatili siya nang marinig ulit ang boses ng lalaki. Hindi na siya nakapag-isip. Ibinato niya rito ang isang sapatos at muling tumakbo. She struggled. Nakasuot pa sa isang paa ang isang sapatos kaya hindi pantay ang hakbang niya. Hindi siya makatakbo nang maayos. Mabilis ang tatlong lalaki sa paghabol. Tuluyan siyang nadapa. "No, no, no…" Naiiyak na siya. Ito na ba ang katapusan?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.5K
bc

Uncle Governor [SSPG]

read
84.8K
bc

Royal Blood: Hot and Wild (SPG)

read
110.1K
bc

Push It Harder (SSPG)

read
149.2K
bc

Landscaper's Lust (SSPG)

read
30.9K
bc

Manong Rex (SSPG) Virgin men series 1

read
92.1K
bc

Hot Nights with My Ex-Husband

read
95.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook