Chapter 2

1817 Words
Pumikit siya at inisip ang kanyang ina na nasa bahay. Kung may mangyari sa kanya, maiiwan ito mag-isa. Hindi na niya matutupad ang mga pangarap nila. Hindi na niya mabibigyan ito ng magandang buhay. She can’t let that happen. Pero wala siyang laban. Wala siyang lakas. Ipinikit niya ang mga mata at hinintay ang kinakatakutan niyang mangyari… Pero hindi iyon dumating. Hindi siya nakadama ng kamay na sumasaling sa kanya—bagkus, mga sigaw ng sakit at hampas ang narinig niya. Napamulat siya. At nakita niya silang tatlo—binubugbog. May isang lalaking dumating. Mas matangkad ito sa kanila, at mas malaki ang katawan. Well-built, ma-muscle, mabilis ang galaw. Sanay ito sa laban. Walang takot. Parang hindi first time. Tatlo laban sa isa. Pero hindi ito nagpadaig. Kita niya ang pwersa at liksi ng lalaki habang inuurong ang mga hayop. Tuluyang tumakbo palayo ang tatlong lalaki. Umatras. "Oh God, yes," hingal ni Sheena. Naramdaman niya ang gumaan ng dibdib niya. Nawala ang mabigat na takot. At dahil iyon sa lalaking tumulong sa kanya. Napaiyak siya sa tuwa. Masakit man ang tuhod niya, sinubukan niyang tumayo. Pero naunahan na siya ng lalaki—inalalayan siya. "Are you okay?" tanong nito, nakatitig ang brown eyes sa kanya. Napatingin siya. Gwapo pala. Hindi niya napansin kanina—masyado siyang focused sa pakikipaglaban nito. Pero ngayong tinititigan niya ito… Tall. Lean. Bakat ang mga muscle sa tank top nito. Babad siguro ito sa gym. He looked so damn good. At habang ini-scan niya ito pababa—napatingin siya sa umbok. Jusko. Ang laki. "Eyes up here, lady." Napatikhim siya, namula ang pisngi. "O-Okay lang ako," sagot niya, binawi ang tingin sa mukha nito. "I can see that." Ngumisi ito—at parang sinasabi ng ngising iyon na alam na nito ang ginawa niya. Inabot nito ang kapares ng heels niya. Sinuot niya iyon kahit nanlalambot pa ang tuhod niya. "So okay ka lang talaga? Wala kang sugat?" Pareho silang tumingin sa tuhod niya. May gasgas at pulang-pula. Napamura ito. Napatingin siya sa gwapong mukha nito. May hikaw ito sa kaliwang tenga. At dahil doon, lalo itong naging appealing. "Sigurado akong hindi mo gugustuhin ang mangyayari sana sa'yo kung 'di ako dumating," anito. "Maswerte ka." "Salamat… dumating ka, mister. Hindi ko alam kung ano nang nangyari sa akin ngayon kung hindi ka lumitaw." Natigilan siya. Bumaba ang tingin ng lalaki sa kanya. Saglit siyang pinagmasdan. Napalunok si Sheena. Tumaas ang sulok ng labi nito. May kakaibang kislap sa mata. "Di mo ba kilala ‘yong mga lalaking ‘yon?" "No… Hindi. Paano ko sila makikilala?" "I don’t know. You tell me." Bumaba ulit ang titig nito sa katawan niya. At doon niya na-realize kung ano ang iniisip nito. She was wearing a mini sexy red dress. Kagagaling lang niya sa modeling gig. Wala nang oras magbihis pa bago puntahan si Lita. "With the way you look tonight, I really can’t blame them." Hindi niya alam kung maiinsulto siya. "Di ako prosti." Ngumisi ito, mapang-akit. "I’m not saying anything." "At hindi porke ganito ang suot ko, ibig sabihin gusto kong mapagsamantalahan ako. Wala silang karapatan." "Alam ko. But still, you should be careful next time. Dahil hindi sa lahat ng pagkakataon may magliligtas sa ‘yo. You’re lucky tonight. Mga adik ‘yon. Hindi ka nila titigilan hangga’t ‘di sumusuko ang katawan mo." May punto siya. Hindi niya na uulitin ito. "Anyway, thank you for helping me, mister. Tatanawin ko ‘tong malaking utang na loob. Kung mababayaran ko lang ang tulong mo kahit paano, gagawin ko." "Ah, maniningil naman talaga ako." "Excuse me?" "Tatlong lalaki ‘yon. Hindi basta-basta ang TF ko. That’s why you really need to pay me." Nanlaki ang mata niya. "You mean… naniningil ka sa pagtulong?" Umangat ang sulok ng labi nito. "Yes." "And how much?" "Sabihin na lang natin… three thousand per person. Tatlo sila. So nine thousand." "Nine thousand?!" Ang laki naman. E nakatakas pa nga ‘yong tatlo! "Dapat ba tinuluyan ko pa? Mas malaki bayad kung murder. Masama ‘yon." Naguguluhan siyang napailing. "Nagjo-joke ka ba?" "Mukha ba akong nagbibiro?" Napaawang ang labi niya. Dumistansya sa lalaki, hindi makapaniwala. Pero seryoso ang mukha nito. Wala siyang pambayad. May mga utang pa nga siya sa kuryente! "Nine thousand talaga? Wait—ang laki. Hindi ko naman hiningi na tulungan mo ako." "Pero ikaw na rin nagsabi na babayaran mo ako sa kahit anong paraan." Hinagod ng lalaki ang basang buhok niya. Napasunod siya ng tingin sa paggalaw ng braso nito—lalo na sa biceps. Damn, ang hot sana nito. Kaso… bayaran pala. "Malaki siguro pangangailangan mo sa buhay, ano? Ginawa mong kabuhayan ang pagtulong sa mga babae tapos sisingilin mo." "Everything has a price, Miss… What’s your name again?" "Lilia." Pagsisinungaling niya. Hindi niya ibibigay ang totoo niyang pangalan. Manigas siya. "Lilia?? Lilia Cuntapay?" Ngumiti ito ng nakakaloko. Nakakalokong tumawa ito. "Sheena!" naiinis na sagot niya. "Kala mo ah." Tumawa ulit ang lalaki. Pinaningkitan niya ito ng mata. "Seryoso, wala akong pera. Nine thousand talaga? Wala bang discount?" "Hmm..." Tumingin ito sa cleavage niya. Halos lumusot na ang mga mata sa suot niyang plunging neckline kung saan bahagyang nasisilip ang malulusog niyang dibdib. "Hey!" namumulang saway niya. "Kung ikaw pagbayarin ko sa pagtitig mo?" "Kung sisingilin mo ako sa pagtitig ko sa dibdib mo, baka lumaki pa ang babayaran mo sa ginawa mong pagtitig dito kanina." Ininguso nito ang harap ng pantalon niya. Gumapang ang init sa leeg at pisngi niya. Napatingin siya saglit—at may nakita siya. Pota. "Pero wala akong pera pambayad sa ‘yo!" reklamo niya. "Nawalan na nga ako ng cellphone ngayon—na-snatch! At pambayad ko pa sa bills namin ang cash ko. Di ba sapat na kabayaran na may taong magkakaroon ng utang na loob sa ‘yo at thankful dahil sa pagmamagandang loob mo?" "Well, a thank you is not enough." Nagtagis ang bagang niya. "Pero ‘yon lang ang maibibigay ko sa ngayon. Alangan namang katawan ko ang ibayad ko sa ‘yo?" "Well... kung wala kang cash diyan, tatanggapin ko naman kung ano ang gusto mong i-offer sa akin." Mainit na pinasadahan nito ng tingin ang katawan niyang nakapulupot pa rin sa hapit na damit. Mula dibdib, pababa sa baywang, at sa legs na kahit may gasgas ay maputi at makinis pa rin. Kumabog ang dibdib niya. Tumawa siya—ng pilit. "Ah, hindi, hindi, hindi... Manigas ka." Tumikhim ito. Muling bumaba ang tingin sa harap ng pantalon niya. Napatingin din siya. Hindi niya dapat ginawa, pero nagawi ang mata niya doon. At ayun na nga. Nakapagtent. "What did you say again?" Binawi niya ang tingin, halatang nahuli siya. "Sabi ko, nagkakamali ka. Look, mister. Hindi ako prosti and there’s no way in hell I’m gonna give my body to a complete stranger… Okay?" "Then, paano mo ako mababayaran?" humakbang ito palapit. Naramdaman niya ang init ng hininga nito. At damn, ang bango. Hindi niya alam kung bakit, pero nakaka-turn on iyon. Kahit di niya aaminin. "H-Hindi ko alam. Pero hindi ako makikipag-s*x sa ‘yo kapalit!" depensang sigaw niya. "So, paano ka ngayon makakabayad sa akin?" "Wala ka na talagang ibang paraan?" tanong niya. Natawa ito. "Kasi kung makapagsalita ka parang di ka dumaan sa pagiging batang hamog." "Nasa paraan ba ‘yon ng pagsasalita? May mga taong English ng English pero hindi naman galing sa mayamang pamilya." "Branded ang boxers mo." "Are you checking out on me?" "Well, masyadong mababa ang pantalon mo. Mukhang sinasadya mo naman ipakita ang V-line mo." "Hindi naman V-line lang ang pwede kong ipagmalaki sa ‘yo ngayon. Pero ang tanong... gusto mo bang makita?" Naningkit ang mata ni Sheena at sininghalan ito. "Ang manyak mo. Alam mo ba ‘yon?" "Hah! Kung manyak ako, kanina ko pa sana dinak.ma ‘yan." Ininguso nito ang malusog niyang dibdib. Napanganga siya. Grr. Salot talaga sa kanila ang dede nila. Kapag malaki, laging may komento. Kapag maliit naman, lalaitin. "Pero huwag kang mag-alala," sabi nito, medyo seryoso na. "Hindi kita hahawakan hangga’t di ka pa pumapayag. Kung hindi, well, I’ll respect that." Matalim ang tingin niya. "Dapat lang. Wala ka na rin ipinagkaiba sa mga lalaking binugbog mo kung pipilitin mo ako. At wala talaga akong maibabayad sa ‘yo." Napatingin siya sa bracelet niya. Regalo ‘yon ng mama niya noong birthday niya. Malaking halaga. Maaaring maisangla. Pero hindi. Hindi niya kayang ibigay iyon. "Hindi kita pipilitin. And I’m not going to force you to sleep with me. Siguro tatanggapin ko na lang ang thank you mo. Hindi na kita sisingilin. Sabi mo nga, sapat nang merong taong may utang na loob sa akin. And I’m glad to help you." Ngumiti ito sa kanya, simple at magaan. Tapos, tumalikod na. Napatulala siya. Hindi na siya nito sisingilin? "Wait!" Hinabol niya ang lalaki. Nilingon siya nito. "Ano?" "Aalis ka na ba?" "Oo. May gagawin pa ako. Alam mo na, malaki ang pangangailangan." Nakaramdam siya ng pagkapahiya. Hindi niya alam kung bakit niya ito hinabol. "Magtatanong lang sana ako kung puwede mo ba ako tulungan… Naliligaw ako and di naman ako taga-rito. So nakakahiya man, I… I need your help." Umangat ang sulok ng labi nito. "Oh, you’re asking for my help." Kinagat niya ang ibabang labi. "Kakapalan ko na ang mukha ko. Wala akong maipambabayad sa ‘yo… pero ganun na nga. I’m asking for your help." Mataman siyang tinitigan nito. Mainit, matiim. Pakiramdam niya, siya ang biktima sa paningin ng isang hayop na gutom. Pero iba ang dating sa kanya ngayon. May halong security. "What if I say no?" sabi nito. "Di na nga kita siningil dito dahil ayokong pilitin ka. Pero kung hihingi ka pa ng isa pang tulong... then you really need to pay me." Napalunok siya. God, even his voice is sexy. "I know..." Mahina niyang sabi. Wala na siyang ibang pagpipilian. Kung hindi siya hihingi ng tulong sa taong nagligtas sa kanya, kanino pa? "Mapagkakatiwalaan ba kita na tutulungan mo ako?" "You know I can help you. Nakita mo naman kanina, di ba?" Bumuntong-hininga siya. "Kung sasama ba ako sa ‘yo ngayon, paano ako makakasigurado na tutulungan mo ako?" Napakunot-noo ang lalaki. "At bakit ka sa ‘kin sasama?" "Dahil kailangan ko ang tulong mo." Malinaw sa kanya ang kapalit: ang katawan niya. At ang tanong: handa ba siyang ibigay iyon sa isang estranghero? "Paano ka nakakasigurado na tutulungan kita?" balik-tanong nito. "Babayaran kita." Naningkit ang mata ng estranghero. Lumapit pa. May maliit na ngiti sa labi. "Sabi mo wala kang pambayad. So paano mo ako babayaran?" She had to choose. Now. Iniangat niya ang kamay at dahan-dahang inilapat sa matipunong dibdib nito. Mainit. Matigas. Parang bakal ang ilalim ng shirt. "I’ll give you a night of pleasure. Sapat ba ‘yon?" Then his eyes darkened. With lust. With hunger. At siya... Hindi rin siya sigurado kung gusto niyang tumakbo o magpaiwan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD