⚠️ Note: This scene contains highly explicit content and coercive undertones.
"OKAY lang ako, Ma. Hindi ko lang sigurado kung makakauwi agad ako ngayon… Opo, nandito ako kina Lita..."
Napatingin siya sa lalaking prenteng nakaupo sa sofa at nakatutok ang mata sa kanya kesa sa TV. Kanina pa nito ginagawa iyon. Kahit di niya ito tingnan, nararamdaman niyang di talaga humihiwalay sa kanya ang mga mata nito. She should be flattered...
"O, sige. Basta mag-ingat ka sa pag-uwi mo ha? At ipagpabukas mo na ang pag-uwi mo kung nagbabalak ka pa umuwi ngayon. Mas delikado 'yun." Puno ng pagpapaalala ang boses ni Sasha, ang kanyang ina.
"Magiging ma-ingat ako, Ma. Pramis." Hinding-hindi niya sasabihin dito ang muntik na mangyari sa kanya. Baka hindi na siya nito hayaan na rumaket-raket pa pag nalaman nito na muntikan na siyang mapahamak.
Sa Biñan sila nakatira ng mama niya. Bumabyahe lang siya papunta ng Manila kapag may mga raket siya.
Tiring, yes. Pero ganun na naging buhay niya. Kailangan niyang kumilos para mabuhay sila ng kanyang mama. Sila na lang dalawa ang magkasama simula nang iwan sila ng kanyang magaling na ama para sa ibang babae.
"Sino 'yon?" tanong ng lalaki pagkabalik niya sa cellphone nito.
"Si Mama," sagot niya. "Ipinaalam ko lang sa kanya na okay ako para hindi mag-alala."
"Sinabi mong nasa kaibigan mo ikaw?" Tumango siya at ngumisi ito.
"Good. Akala ko boyfriend mo ang tatawagan mo."
"Shunga ka? Hindi ako sasama sa 'yo kung may boyfriend ako."
Tumawa lang ito na parang hindi kumbinsido. Inasikan niya ito.
"Relax, wala naman ako sinabing di ako naniniwala..." nakakalokong sabi nito. Saka nagsalin ng alak sa kopita. Iniabot nito iyon sa kanya.
Tumaas ang kilay niya. "Totoo talaga ang sabi-sabi. Pag may alak, may balak." aniyang inabot ang kopita.
Tumawa ito. "Sumama ka sa akin dito na alam mo na ang balak ko. And I only want one thing from you."
"Dahil wala akong ibang choice."
"You have a choice. But you still choose to come with me..."
"Totoong maraming ibang choice. Pero 'yong choice na ibinigay mo ang tanging nakikita ko para mas maging safe..."
O safe nga ba siya?
Parang nabasa nito ang isip niya.
"You're safe with me. Marami akong stock ng lubricated condoms." Inilapag nito ang bote sa maliit na glass table sa gitna ng sala.
Namilog ang mata niya at napatakip sa bibig niya. Gawd.
Kanina pa siyang namumula kapag humihirit ng ganoon si Charles. Diretsahan talaga ito kung magsalita. Inilibot niya ang mata sa kabuuan ng condo unit nito.
Pagkatapos nila na mag-usap kanina at pumayag na sumama dito, sumakay sila ng taxi at doon bumaba. Tama nga ang hula niya kanina. Hindi malaki ang pangangailangan nito. He's stable enough to afford a condo unit. Hindi lang 'yon basta condo unit. Pangmayaman ang mga gamit nito at kahit ang mismong building ay kilala niya. Malawak ang unit nito at kumpleto ang mga gamit.
Ngayon kumbinsido siya na hindi naman nito kabuhayan ang pagliligtas ng kung sinong estranghero tapos magpapabayad.
Kung ganun, bakit siya sinisingil nito kanina?
Naningkit ang mata na tumingin siya sa lalaki.
"'Yung totoo, sino ka talaga?"
"I'm Charles."
"Charles." Tumango siya. Hindi niya alam kung nagsasabi ba ito ng totoo o hindi.
"So, ang pinagkakakitaan mo ay magligtas ng mga naaapi at nasasamantala with benefits?"
He let out a chuckle. "That's funny."
Bakit ba ang gwapo ng tawa nito? Ang sarap pakinggan. Bumabagay sa kamachohan nito. And no, hindi siya attracted dito. Talaga lang na gwapo ito, matangkad at malaki ang katawan tulad ng mga nasa magazine na nakikita niya.
"Wag mo ako titigan ng ganyan." sabi niya kay Charles nang mapansin ang mainit na titig nito sa kanya. Akala ba nito hindi niya napapansin na kanina pa siya nitong tinititigan? Magmula sa taxi hanggang sa makarating sila sa condo unit nito. Hindi maalis ang mata nito sa kanya.
"Kanina ka pa tingin ng tingin, di ka ba nagsasawa?" asik niya sa lalaki nang patuloy pa rin itong nakatitig sa kanya.
"Paano ako magsasawa kung hanggang tingin pa lang ako? Wala pang tikim."
Nasamid siya ng sariling laway at napaubo. Namumula ang pisngi na napatitig siya kay Charles. Seriously? Ngising-ngisi pa ang lalaki. Nag-eenjoy sa nakikitang reaksyon niya.
"Ano?" asik ni Sheena. Hinagip niya ang bote ng alak at muling sinalinan ang baso. Hindi siya sanay makipag-usap sa ganitong lalaki. And she badly needed a drink.
"Wala ka pang naging boyfriend ano?" sabi nito.
Muntikan na niyang maibuga ang alak.
"Ang bilis mo mag-blush. You blushed like a virgin. Amazing."
Parang gusto niyang ibato dito ang hawak na babasaging baso. Aba, walanghiya to, a. Mukha ba talaga siyang poka sa tingin nito? Anong like a virgin na pinagsasabi nito, eh virgin pa nga siya!
Gusto niyang isigaw dito iyon. Pero anong mababago kung sabihin niya dito? It doesn't matter to him for sure. Virgin man o hindi, he's still going to want her. To take her. Nakikita niya sa mata nito ang init ng pagnanasa para sa kanya.
At hindi siya bulag para hindi mapansin ang umbok sa harap nito na sigurado siyang kanina pang ganun. It's hard not to notice it.
Napalunok siya at inubos ang laman ng baso niya.
"Wag ka masyado uminom. Nag-order muna ako ng pagkain para sa atin."
Tamang-tama. Kumakalam na ang sikmura niya.
"Hindi mo pa sinasabi sa akin kung bakit ka nandoon kanina. Bakit?"
She sighed. "May kaibigan ako na bibisitahin doon. Pero wala siya sa tinitirhan niya at first time ko pa siya puntahan sa address na 'yon kaya ang dali ko naligaw."
"At hindi mo naisip na delikado kung gagabihin ka na mag-isa? Not to mention that you're looking like that."
She frowned. "Actually, hindi ko na naisip ang sarili ko dahil nag-aalala ako para sa kaibigan ko. Nalaman niya na nakabuntis ng iba ang boyfriend niya na balak na niyang pakasalan. Tapos may history pa siya na nakakagawa ng stupid things kapag depressed siya, so di ko na naisip na mapapahamak ako."
"Kaya maswerte ka na nandoon ako."
Maswerte nga ba? Gusto niyang itanong. Umikot ang mata niya. "Yeah, I should be thankful for what you did. Kung hindi lang may kapalit."
"Hindi kita pinilit. Gwapo lang talaga ako kaya ikaw mismo ang nag-alok ng kapalit." He playfully winked at her.
Tama. At di niya naiintindihan kung bakit hindi siya naiirita sa kapreskuhan ni Charles kanina pa. Hindi naman dahil sa good looking ito. Hindi siya ganun kababaw. But maybe isa na rin siguro 'yon sa dahilan… Plus his personality.
May kung ano sa lalaki na humuhuli sa atensyon niya.
"You know you look really pretty when you blush like that."
Alam niyang maganda siya kahit wala nang magsabi niyon sa kanya. Ngunit ang marinig sa estranghero ang mga katagang iyon ay bago sa kanya. The feeling is new and it gives her the kind of shiver that's spreading all over.
Nag-iwas siya ng tingin. "Sigurado ako marami ka nang nakita na tulad ko."
Tumawa ito at di nga siya nagkamali. Pero nakadama siya ng bahagyang pagkadismaya. "Sinabi na. Ako pa bolahin mo."
"Pero iba ka."
Muli, napairap siya. "Oo na."
"I like your beauty, and the way you rolled your eyes at me."
"Sige, bola pa." Ang tagal ng food. Nagugutom na siya ha.
"Walang halong pambobola 'yon. I really find you pretty… and well, really hot."
Inignora niya ang sinabi nito. Nagkunwaring walang narinig. Pero sa totoo lang, pumapalakpak ang tenga niya.
"Ang tagal naman ng pa-food mo. Gutom na ako."
"Ako rin," sabi ng lalaki.
Mula sa kinauupuan ay tumayo si Charles at dahan-dahang lumapit sa kanya. Parang isa itong diyos ng kakisigan. There’s something attractive in him bukod sa mukha at pangangatawan nito. And it’s his personality.
Oo, 'yon na nga. May kung ano sa personality ng lalaki ang tila humuhugot sa kanya upang titigan ito. His eyes were very attractive, parang nang-aakit kung tumitig. Nakadagdag sa bad boy look nito ang hikaw sa tenga. Mukha tong mapanganib, lalo na sa tattoo nito. Hindi niya magets ang obsession ng mga babae sa bad boys... Pero ngayon mukhang naiintindihan na niya.
Lihim na sinaway ni Sheena ang sarili. God, no.
Pinagnanasahan na ba niya ang lalaking 'to?
Nang umupo sa tabi niya ang lalaki ay parang pangangapusan na siya ng hininga. May init sa mata nito at nararamdaman na niya kung anong gustong gawin nito.
"P-pwede bang h-huwag kang masyadong malapit? H-hindi ako makahinga ng a-ayos."
Damn, she was stammering! Sheena, umayos ka, please!
"Bakit ko naman gagawin 'yon? Gusto kitang tingnan ng malapitan. Gusto kong makita kung gaano ako kaswerte ngayong gabi," mapang-akit ang ngiting sumilay sa labi nito.
"I will be sleeping with a beautiful woman tonight. And not just that, I’m going to take her all night." anitong siya ang tinutukoy.
She gasped and she immediately remembered kung bakit siya naroroon. She made a deal with him. Ang katawan niya ang kapalit sa pagliligtas nito sa kanya. Tila nage-echo ulit sa pandinig niya ang mga sinabi nito kanina. She offered him herself...
Oh my God! Nagpanic ang loob niya. She made a deal with this stranger and of course, kailangang tumupad siya.
But how?
She was still a virgin.
Matagal niyang iningatan ang sarili para ibigay lang iyon sa lalaki ngayong gabi. Ni hindi nga niya ito kilala masyado. Wala siyang alam sa lalaki maliban sa sinabi nitong pangalan...
Kailangan makagawa siya ng paraan upang malusutan iyon, upang matakasan ito. Pero papaano? Tatakbo siya?
Napatingin siya sa pinto. Nakasarado iyon. Sigurado siyang bago niya mabuksan iyon ay naabutan na siya ni Charles. Mukhang maliksi pa naman ito. Pero naalala niya ang sinabi nito—hindi naman siya pupuwersahin nito.
Sa pagkakaalala niya, siya mismo ang nag-alok sa lalaki... Siya ang lumapit dito...
At kung tatakasan niya ito, wala siyang tiwala sa sarili na makatakbo. Parang wala siyang lakas gawin iyon. Sa mga titig pa lang ng lalaking ito ay nanlalambot na siya.
Kailan pa siya naging marupok?
Nanghihina na tumingin siya sa lalaki. The lust in his eyes was blazing. Parang apoy na nag-aalab. Masasalamin sa mata nito ang matinding pangangailangan… ang nag-uumigting na pagnanasa para sa kanya.
And she could feel it in her skin. She could feel his heat for her.
Bumaba ang mata nito sa labi niya. Kumibot ang mga labi nito habang nakatitig sa kanya. Parang may pagtatalo sa isip kung hahalikan siya o hindi...
"Kanina ko pa gustong alamin kung papaano kita mahahalikan. And forgive me for wanting to kiss you right now..."
Unti-unting bumaba ang mukha nito sa kanya. Biglang nag-init ang atmospera sa paligid. Gumapang sa balat niya ang kakaibang init. It was a strange feeling.
Napalunok siya. Pinanood niya ang pagbaba ng labi ng lalaki sa kanya… Tila nauuhaw na napalunok ulit siya at napasinghap.
"God, I wanted to kiss you right now..."
"Then, kiss me."
Kitang-kita niya ang paglarawan ng init sa mga mata nito. Parang sinisilaban ang katawan niya sa nagbabagang apoy sa titig nito. Nanunuot iyon sa kanya, gumagapang sa bawat sulok at parte ng katawan niya. Oh my… Oh my...