Chapter 5

930 Words
“TEKA, teka…” Pinigilan ni Sheena ang lalaki nang akmang hahalikan na naman siya. Napaatras siya ng bahagya, isang palad sa dibdib ng kaharap. “Ma-masyado ka namang mainit.” “You mean h*rny?” Pilyo ang ngiti ni Charles. Parang may spotlight na tumama sa kanya—‘yong tipo ng ngiting nakakawala ng matinong pag-iisip. Walang filter. Walang preno. Masyado siyang direct to the point. Napakagat-labi si Sheena. Hindi niya alam kung matatawa siya o mapapahiya. Pakiramdam niya kapag naging jowa niya ang lalaking ‘to, hindi lang pisngi ang mamumula sa kanya kundi buong pagkatao niya. Biglang may imahe na pumasok sa utak niya. Something red. No. Hindi siya nag-iisip ng kung anong mapula-pula… O… mapula ba ‘yong kay Charles? Narinig niya kasi, hindi naman daw lahat mapula. ‘Yong iba… well, depende raw sa blood flow. “You’re blushing again.” Tumigil ito sa paglapit at tinitigan siya, amused. “Iniisip mo na ba?” “Anong iniisip? H-Hindi, ah!” Halos tumili si Sheena, sabay tulak sa matigas na braso nito. Muntik na siyang mawalan ng balance sa pagkakaupo. “Then stop that. Mas lalo mo akong sinasabik kapag ganyan ang reaksyon mo.” “P-Paano ba dapat ‘yong hindi ka mananabik?” Nakalusot sa bibig niya bago niya pa mapigilan. Napakurap siya. Tangina. Gaga ka talaga, Sheena. Wag ka na sumagot next time! Naningkit ang mga mata ni Charles, halatang nabuhayan ng loob. Bahagyang tumango, as if challenging her. “Hindi ko alam kung may abilidad kang gawin ‘yon.” Napasinghap siya nang bumaba ang tingin nito sa labi niya. “You’re just so beautiful. So goddamn perfect.” Dahan-dahang lumapit muli si Charles, bumaba ang mukha nito sa level ng mukha niya. Bahagyang tumigil sa pagitan ng mga labi nila. “It will kill me if I’m not gonna have you tonight, baby.” Parang nag-freeze si Sheena. Hindi siya makagalaw. Hindi dahil sa takot—pero dahil sa dami ng nararamdaman niya sabay-sabay. Excitement. Tension. Kaba. Hindi siya makahinga nang maayos. Nag-aalala tuloy siya kung mabaho ba hininga niya. Pero hindi eh—his breath smelled so good. ‘Yong parang pinaghalong mint at something masculine. Kahit ‘di niya tingnan sa mata si Charles, ramdam niya kung gaano ito kainteresado sa kanya. At dapat, hindi siya maflatter. Dapat. Because at the end of the day… baka ang habol lang nito ay makaisa. Makaiscore. Pagkatapos nun, baka “who you” na lang siya. And kahit wala siyang personal experience sa ganyang mga sitwasyon, ilang kwento na rin ang narinig niya mula kina Lita at iba pa nilang tropa. Buti na lang dumating na ang delivery boy. Tumayo si Charles at binuksan ang pinto. “Masarap ‘to,” ani Charles habang inaabot ang brown bag ng pagkain. “Tara, kumain muna tayo, babe.” Na-conscious siya sa tawag nitong “babe.” Kanina pa. Ang effortless. Ang pamilyar. Hindi naman siya sanay sa ganu’n. Hindi siya sanay matawag ng gano’n. Pero mas nauna siyang naamoy ang pagkain. At sa amoy pa lang… shet, ang sarap talaga. Kumakalam na ang sikmura niya pero nagpipigil siya. Napansin siguro ni Charles na di siya tumatayo. “Ano pa ginagawa mo d’yan? Halika na.” Lumapit ito, hawak ang dalawang paper bag. “Okay lang ako. Mauna ka na,” tanggi ni Sheena, pilit ang ngiti. “Sabay na tayo. Alam kong gutom ka na rin. Isa pa, kailangan mong kumain.” Hinila siya nito ng marahan pero mapilit. “Kailangan mo ng lakas…” Nagbaba ito ng boses. “I’m a very hot-blooded man, babe. Hindi sapat sa ’kin ang ten rounds lang.” Putangina. Bigla siyang nagka-imaheng naka-HD. Siya, nakahandusay. Lupaypay. Walang malay. Pawisan. Halos humihikbi. Naka-blanket lang. Tapos si Charles, tumatawa pa habang nagsasalin ng tubig sa baso. “Just kidding,” sabay tawa nito. Pinaupo siya sa dining table. “Namutla ka kaagad. That’s just a joke. Kain na tayo.” “Parang di naman biro ‘yon,” mahinang bulong niya habang pinapanood ito maghain. Of course, narinig ito ni Charles. Akalain mong parang built-in mic ang pandinig nito. “Jokes are really half-meant,” anito, hindi man lang napapahiya. Tangina. Kung si John ‘to, baka tinapik na siya sa ulo at sinabing, “Behave.” Pero si Charles? Parang si Mike Enriquez. “’Di kita tatantanan.” “Kumain ka na. Bakit ba mukhang kinakabahan ka?” sabay abot ng kutsara’t tinidor. “Di naman ako nangangain ng tao.” “Bakit kaya ‘di na rin tayo magkape,” sagot niya, sabay tingin dito, “para kabahan ka rin?” “Natatakot ka ba sa’kin?” “Hindi.” “Eh bakit parang tensyonado ka?” She didn’t answer. Because how do you explain it? Ngayon lang siya nakasama ng lalaki—isang lalaki lang—sa isang condo, sa ganitong setup. Tahimik. Low light. May pagkain. May… pelikula sa background. At ang lalaki sa harap niya, mukhang may balak, pero hindi mo alam kung seryoso o trip-trip lang. O sisimulan ko na lang kaya ibuka ‘to para matapos na agad ‘tong kaba ko? Ay, ano ba ‘tong iniisip ko? Ang dirty! Charles must’ve sensed her inner chaos. Bumuntong-hininga ito, at marahang pinisil ang kamay niya. “Wag kang matakot sa akin. Wala akong balak na saktan ka, okay? You’re safe with me here.” That worked. For some reason, she felt safer. Maybe it’s the way he said it. Or how he looked at her—honest. Soft. Real.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD