bc

Crimson Red

book_age16+
12
FOLLOW
1K
READ
twisted
sweet
lighthearted
straight
brilliant
magical world
supernatural
special ability
school
war
like
intro-logo
Blurb

SYNOPSIS

The child who's born with black magic and have a crimson red eyes that will turn the world upside down.

PROLOGUE

Epidemic.

War.

Apocalypse.

Ilan lang yan sa mga naranasan ko na para bang sinakto talaga sa araw ng pinanganak ako sa mundong 'to. Lupit naman ng tadhana.

Maaga rin akong naulila na para bang sumpa talaga na pinanganak ako. Bago mamatay si mama ay may hiniling siya sa'kin.

Pagkatapos daw ng susunod na kaarawan ko ay mag-aral ako sa paaralan niya dati.

Ang Enchanted Academy.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
DRUSILLA'S POV Simula ng araw na pinanganak ako ay sinabi agad sa'kin ni mama na hindi ako normal na tao at hindi ako nababagay sa mundong 'to. May kapangyarihan ako na kahit kailan ay hindi ko naman ginusto. Maraming beses ko na hiniling na sana normal na lang ako. Kamalasan lang ang dala ko sa mga tao sa paligid ko. May muntik na rin masaktan dahil sa'kin kaya lumaki ako na walang kaibigan, ayokong may mapahamak na naman nang dahil sa'kin. 15 years old pa lang ako nang maulila ako. Namatay si mama dahil sa'kin. Namatay siya dahil sa kapangyarihan ko. Hindi na ko nagpatuloy sa pag-aaral dahil sa nangyaring 'yon. Sobrang natakot ako sa kapangyarihan ko. Bago mawala si mama ay may sinabi siya sa'kin, na hindi ko kasalanan ang lahat at huwag na huwag ko raw sisisihin ang sarili ko sa mga nangyayari. May sinabi rin sa'kin si mama na hindi ko maintindihan. "Pagkatapos ng susunod na kaarawan mo ay mag-aral ka sa Enchanted Academy." Nag search ako at hindi ko naman mahanap ang sinasabi ni mama. "Makabangon na." Sabi ko sa sarili ko saka bumangon. Dumiretso ako sa kusina saka kinuha at kinain ang tinapay na binili ko kanina. "Meow." Napatingin ako kay Ruki, binigyan ko naman siya ng pagkain. Dalawa lang kami ni Ruki dito sa bahay na iniwan ni mama sa'kin. Lumabas ako ng bahay at sumalubong sa'kin ang preskong hangin na nagmumula sa kagubatan. Sa bundok nga pala ko nakatira. Alam ni mama na ayaw ko sa tao dahil natatakot akong mapahamak sila nang dahil sa'kin kaya dito kami nagpagawa ng bahay. "Anong araw na ba ngayon?" Tanong ko sa sarili ko saka kinuha ang cellphone ko. Wednesday na pala, bukas ay birthday ko na. Napaisip ako kung pa'no ako pupunta sa Enchanted Academy kung wala naman sa google map. Kailangan ko nga pa lang pumunta ngayon sa syudad para mamili ng mga pagkain. Napabuntong hininga na lang ako. 2 years na ang nakalipas nung namatay si mama, mula ng araw na 'yon ay pina-practice kong kontrolin ang kapangyarihan ko. Kinuha ko ang bike ko at bigla na lang tumalon sa basket sa harap si Ruki. Itim na pusa nga pala si Ruki at lalake siya. Regalo siya sa'kin ni mama nung 14th birthday ko. Nagsimula na kong magpedal at ang saya mag bike lalo na't pababa ng bundok. Mapupunit na mukha ko sa lakas ng hangin. Nakangiti ako habang nag b-bike dahil sobrang payapa. Pagkalipas ng halos kalahating oras na pag b-bike ay nakarating na kami ni Ruki sa syudad. Sobrang daming tao ngayon, may festival ata. Dumiretso ako sa malapit na supermarket saka namili. Bawal si Ruki sa loob kaya pinagbantay ko siya sa labas. Nanguha ko ng pang 1 week na pagkain. Gusto ko sanang 1 month na kaso hindi kakasya sa bike ko at wala rin akong budget. Pagkatapos kong magbayad ay nagulat ako nang makitang wala ang bike ko pati si Ruki. "Shit." Bigla akong nataranta at tatakbo na sana ko kung saan nang makita ko ang bike ko sa di kalayuan, bitbit ng isang grupo ng mga kalalakihan. Nagdilim ang paningin ko nang makitang sinasakal nila si Ruki bago pumasok sa isang eskinita. Mabilis akong tumakbo para sundan sila. "Jackpot tayo pre." "Balita ko ang mahal ng bike na 'to." Pagkapasok ko sa eskinita ay sinunggaban ko agad ng suntok yung isang lalake na ikinagulat nilang lahat. "Anong karapatan niyong nakawin ang bike ko at saktan si Ruki?!" Madiin na tanong ko sa kanila. "S-silla?!" Biglang pagbanggit ng isa sa pangalan ko kaya napahinto naman ako saka sila pinagmasdan. "Triple R?" Tanong ko ng mamukhaan ko sila. "Kami nga!" Sabay sabay nilang sagot sa'kin. "Bakit niyo ninakaw bike ko at sinaktan niyo pa si Ruki?" Madiin kong tanong sa kanila saka sila sinamaan ng tingin at mukhang natakot naman sila. "Hindi namin ninakaw bike mo, p picturan lang sana namin pang inggit dahil ngayon ko lang nakita yung bike na 'to na sa ibang bansa lang mabibili." Paliwanag ni Ren, boy sipunin. "Hindi rin namin sinaktan si Ruki, niluwagan namin yung collar niya dahil parang hindi siya kompotable." Paliwanag naman ni Rin, boy iyakin. "Wag mo kami bubugbugin!" Sabi ni Ron, boy duwag. Napabuntong hininga naman ako saka ko kinuha si Ruki kay Rin. "Aalis na ko. Sa susunod na makita niyo ko ay 'wag kayong magpapakita sakin." Banta ko sa kanila saka kinuha ang bike ko. "Y-yes boss!!" Sagot nilang tatlo kaya nagpedal na ko paalis. Hindi ko sila kaibigan. Nakilala ko lang sila last year, binugbog ko sila sa harap ng iskwelahan nila nung napadaan ako dahil masyado silang mayabang at bully. Ewan ko lang kung nagbagong buhay na ba sila. "Meow." Napatingin naman ako kay Ruki saka ko siya pinet. Pagkalipas ng halos kalahating oras at nakauwi na ko. Pababa lang sa bundok gusto ko pero yung paakyat hindi ko na kaya. Pagkapasok ko sa bahay ay inayos ko agad ang mga pinamili ko saka napagpasyahang humiga. Mga ilang minuto rin akong tulala sa kisame ko at napatingin naman ako sa katana ko. Iniwan 'to sa'kin ni Sheyi nung namatay si mama. Sa oras daw na alisin ko sa sheath ang katana ay lalabas ang aura ko sa buong paligid na pwedeng maging sanhi ng disaster. "Makatulog na lang." Sabi ko sa sarili ko saka pumikit, ramdam ko namang tumabi sa'kin si Ruki kaya niyakap ko siya. ••• "Meow." Nagising ako sa ingay ni Ruki kaya napabangon ako saka tiningnan kung anong oras na. "12:25 am na? Birthday ko na?" Antok na tanong ko sa sarili ko at maya maya pa ay ngumiyaw si Ruki saka pumunta sa pinto, para bang pinapasunod niya ko sa kan'ya. "Ano ba 'yon, Ruki?" Tanong ko sa kan'ya saka binuksan ang pinto palabas. Ang dilim sa labas nakakatakot. Bumalik ulit ako sa loob saglit saka kinuha ang katana ko. "Meow." Sinusundan ko lang si Ruki at maya maya pa ay nakarating kami sa isang wishing well at bigla naman akong kinilabutan. Mas lalo akong kinilabutan ng biglang humangin ng malakas. "Ruki bumalik na tayo baka lumabas si sadako diyan." Natatakot kong sabi na totoo naman. Napanood ko sa isang horror movie 'to. Iniisip ko pa lang ay kinikilabutan na ko. Nagulat ako ng bigla na lang umakyat si Ruki sa wishing well saka tumalon sa baba. "Ruki!" Pagtawag ko sa pangalan niya saka tumalon din at hindi ko inakalang sobrang lalim nito. Hindi na ko makahinga at hindi ko na rin mahanap si Ruki sa dilim hanggang sa unti unti na kong nawalan ng malay. "Happy birthday, Drusilla."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

PARAUSAN NG BILYONARYO

read
73.8K
bc

Yakuza's Contract Wife [ SPG ]

read
181.7K
bc

AGENT ENRIQUEZ (R-18) SSPG

read
27.0K
bc

ANG HAYOK KONG BOSS (SPG)

read
11.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
195.5K
bc

NINONG HECTOR (SPG)

read
124.3K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook