Chapter 2

1124 Words
DRUSILLA'S POV "Meow." Pagdilat ko ng mga mata ko ay bumungad sa'kin si Ruki na nakapatong sa mukha ko. Dahan dahan ko naman siyang inalis sa mukha ko saka tumingin sa paligid. Nataranta ko ng maalala ko yung katana ko. Tumingin ako sa paligid at napahinga ng maluwag pagkakita ko rito. Agad ko itong kinuha saka nagsimula na kong maglakad. Sa pagkakatanda ko ay nalunod kaming dalawa ni Ruki sa balon pero bakit nasa gitna kami ng kagubatan? Habang naglalakad ay naalarma ko ng may marinig akong mga footsteps. Binitbit ko si Ruki saka kami nagtago sa likod ng puno kung saan hindi kami kita. "Zane bakit ba tayo nag p-patrol sa area na 'to? Siguradong simula na ngayon yung monthly battle." Rinig kong sabi nung isang lalake habang nakasilip sa puno. "Wag ka ngang maingay. Do'n ka kay Lorence magreklamo." Inis na sabi nung isang lalake. "Tsk. Pagkakataon na sana natin 'yon para maghanap ng ibang kasama para sa division natin." Pinakiramdaman ko muna kung masama ba silang tao at nag-iisip din ako kung lalabas ba ko sa pinagtataguan ko. "Meow." Napatingin ako kay Ruki at mukhang nagugutom na siya kaya napagpasyahan ko ng lumabas. Lumapit ako dahan dahan sa dalawang lalake na nag-uusap at maya maya pa ay napatingin sila sa'kin, mukhang naalarma sila. "Sino ka?!" Tanong sa'kin nung isa habang nakatitig lang sa'kin yung isang lalake na Zane ata ang pangalan ayon sa pagkakarinig ko. "Naliligaw ako, gusto kong itanong kung anong lugar 'to." Sabi ko sa kanilang dalawa. "Tsk. Transfer student ka noh? May monthly battle ngayon sa kabilang kagubatan ihahatid kana namin." Sabi nung isang lalake. "Zane pagkakataon na natin 'to para maghanap ng members." Rinig ko pang bulong niya saka sila nagsimulang maglakad. "Para sa'n yung paghahanap ng members?" Curious na tanong ko sa kanila kaya napatingin naman sila sa'kin. "Hindi mo ba alam? Sabagay mukhang bago nga lang pala. May mga division commanders sa school na 'to at bawat division ay need ng at least 3 members. Pwede ka rin bumuo ng sarili mong division pero need mo ng approval sa dean at dapat din ay malakas ka." Paliwanag niya at medyo naiintindinhan ko naman ang sinasabi niya. "Ranking din sa iskwelahan na 'to ang mga division. Required sumali sa mga division ang mga senior students dahil makakatulong ito sa kanila na mas lumakas at para din sa status nila pagka-graduate." Paliwanag naman ni Zane. Ngayon ay naiintindinhan ko na. Maya maya pa ay nasa kabilang kagubatan na raw kami. "Ano nga pa lang pangalan mo? Ako si Hanz at si Zane naman ang kasama ko, 10th division commander siya." Pakilala niya. "Drusilla." Maikling pakilala ko at maya maya pa ay nagpaalam na sila dahil maghahanap daw sila ng members. Napatingin ako sa paligid at ang daming tao. Umupo naman ako sa upuan saka tiningnan ang arena kung saan may naglalaban. Malawak ang pwesto dito, para siyang coliseum. Pabilog ang pwesto ng mga upuan at sa gitna ay may mga naglalaban. "Meow." Nakaupo sa hita ko si Ruki habang hawak ko siya. Pinagmamasdan ko ang mga laban nila at namamangha ako dahil may mga kapangyarihan sila. Mukhang nasa Enchanted Academy na ata ako. Napangiti naman ako dahil sa wakas hindi na ko magtatyaga na mag stay sa mundo ng mga tao. Kinekwentuhan lang ako ni mama dati tungkol sa kabilang mundo at ngayon ay nandito na talaga ko. "THE WINNER OF OUR MONTHLY BATTLE ARE THE FIRST DIVISION!" Anunsyo ng host kaya naghiyawan at palakpakan naman ang mga nanonood. Tumayo na ko sa pwesto ko saka naglakad paalis. Nakasalubong ko naman sa daan sila Hanz kaya lumapit ako sa kanila. "Grabe ayaw man lang nila tayong pakinggan. Kailangan na natin makahanap ng isang member kundi ay mawawala ang division natin." Nai-stress sa sabi ni Hanz. "Required lahat ang senior students na sumali sa division, 'di ba? Kung ganon ay marami pang hindi nakakasali?" Curious na tanong ko at napatingin naman sila sa'kin. "Junior ang ini-invite namin sumali dahil karamihan sa senior ay may nasalihan na." Sagot sa'kin ni Zane at napatango naman ako. "Sa ngayon ay hindi pa legal na makakasali ang mga junior pero next month ay pwede na silang makasali. Kumbaga yung invite namin ngayon ay ililista na namin sila sa members pero hindi pa sila official member, need pa maghintay ng isang buwan. May gumawa na rin nito last year at pwede naman kaya namin ginagawa ngayon kaso walang gustong sumali." Paliwanag ni Hanz kaya mas lalo kong naintindihan. "Pasali sa division niyo." Sabi ko at nagulat naman sila pareho. "Senior kana ba?" Tanong ni Zane at tumango naman ako. "Transfer student ako pwede bang dalhin niyo ko sa dean para makapag enroll." Sabi ko at nagkatinginan naman silang dalawa at mukhang masaya sila dahil 3 na kami sa division. Pag wala silang kwentang kakampi sa monthly battle ay lalayas na lang ako saka lilipat sa ibang division. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa Dean's office. Pumasok na ko sa loob at naiwan silang dalawa sa labas. Napakunot ang noo ko nang makitang walang tao sa loob. May papel sa lamesa kaya kinuha ko naman ito saka binasa ang nakasulat. "For the students who will be transferring to our school, just write your name and year on the notebook beside this paper and get a key in this table's cabinet for your room in dormitory." Nagtaka naman ako pero binalewala ko na lang din. Gaya ng nakasulat sa papel ay nilagay ko ang pangalan at year ko sa notebook. Kumuha naman ako ng random key sa cabinet saka lumabas. Basic lang pala mag enroll dito. "Meow." Salubong sa'kin ni Ruki pagkalabas ko at nakita ko naman na nagkekwentuhan sila Hanz. Nang makita nila ko ay lumapit sila sa'kin saka nagtanong kung anong number ng room ko. "10." Maikling sagot ko. "Tara turo namin sayo yung daan." Masayang sabi naman ni Hanz saka kami nagsimulang maglakad. "Drusilla, sword type ka?" Tanong sa'kin ni Zane habang nakatingin sa katana ko. Napatango na lang ako. "Clone type ang ability ko at si Hanz naman ay matalas ang mga mata niya." Casual na sabi ni Zane. "Parang ninja?" Manghang tanong ko sa kan'ya at tumango naman siya. Astig kapangyarihan niya ah. Nagkwentuhan lang kami about sa iba't ibang bagay hanggang sa makarating na kami sa dorm. "Wala nga pa lang pasok bukas, pahinga ka lang sa dorm mo. Susunduin ka nga rin pala namin bukas 8:00 am para i-discuss yung about sa divisions." Sabi ni Hanz saka sila nagpaalam sa'kin kaya pumasok na ko sa dorm. Napangiti na lang ako lalo pa't hindi ko na kailangan pang pigilan ang lakas ko sa iskwelahan na 'to. Excited na ko sa monthly battle. Gusto ko na makipaglaban.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD