Chapter 3

1078 Words
DRUSILLA'S POV Kakapasok ko lang sa room ko at buti na lang ay solo ko ang kwarto. Ayoko rin ng may kasama dahil hindi ako komportable. Simple lang ang kwarto at malinis. Isang single bed, table and chair, maliit na kusina, banyo, ref, at cabinet. "Pwede na rin." Sabi ko saka nagbuklat sa ref at gaya ng inaasahan ay walang laman. "Meow." Mukhang nagugutom na si Ruki. Napasapo naman ako sa noo ko ng maalala na wala akong dalang damit at gamit. "Ruki aalis muna ko, bantay ka muna diyan." Sabi ko sa kan'ya saka lumabas ng kwarto. Dinala ko rin yung katana ko. Tumatakbo ako ngayon ay plano kong maghanap ng bilihan dito sa campus. Pagkaliko ko ay hindi ko namalayan na may nabunggo ako. "Bulag ka ba?!" Sigaw nitong lalake na 'to sa'kin na naging dahilan ng pagkairita ko. "Need mo bang sumigaw?" Tanong ko habang pinipigilan ang inis sa tono ko. "Tapang mo ah. Anong division mo ha?!" Tanong nito sa'kin. "10th division pake mo?" Hindi ko na napigilan ang inis sa tono ko ngayon. "Ha! 10th division ka lang naman pero kung makaasta ka ah, 4th division ako kaya umalis kana sa harapan ko ngayon baka masaktan lang kita." Banta niya sa'kin habang nakangisi na kinainis ko. "Mag 1v1 na lang tayo." Pag-aamok ko sa kan'ya. Kupal na 'to ako pa pagbabantaan. "Mabait pa ko ngayon wag mo kong hamunin baka durugin kita kahit babae ka pa." Mayabang na sabi niya saka hinawakan ang neckline ng jacket ko. Kita ko sa peripheral vision ko na pinagtitinginan na kami ng mga estudyante at may ilan pang nanonood. Nginisihan ko naman 'tong kupal na 'to saka siya sinapak sa mukha ng ilang beses. Nagulat ata ang kupal kaya hindi siya nakapalag. Pagkatapos ng ilang suntok ay tiningnan ko ang mukha niya, bugbog sarado na dumudugo ilong. Naglakad na ko paalis, bahala siyang humilata sa daanan. ••• Kakapasok ko lang sa dorm at pinakain ko agad si Ruki saka ako humiga sa kama ko. Tinabi ko rin yung katana ko sa gilid. Pagkain lang ni Ruki ang nabili ko kanina. Points system pala ang pagbili dito na hindi ko maintindihan. Itatanong ko na lang bukas kila Zane. Hindi man lang ako nakabili ng mga gamit ko. Napagpasyahan kong matulog na lang dahil wala rin naman akong ibang gagawin. ••• Nagising ako at pagtingin ko sa oras ay 3:30 am pa lang. "Nagugutom na ko." Sabi ko sa sarili ko. Wala man lang kahit isang pagkain sa ref. Naisip ko na lumabas saka naglakad papunta sa cafeteria ng campus. Pwede naman sigurong mangutang, 'di ba? Buti hindi masyadong malayo ang cafeteria sa dorm. Pagkapasok ko sa loob ay may konting estudyante pa na kumakain at yung iba naman at parang may binabasa. "Woi Drusilla." Tawag sa'kin ng kung sino kaya napalingon ako. Si Zane nasa table sa gilid habang kumakain. Tamang tama pwede akong mamburaot. "Paburaot naman kanina pa ko nagugutom." Sabi ko saka kumuha ng isang burger sa kan'ya. Napangiwi naman siya. "Hindi mo naman sinabi sa'kin na point system dito, paki-explain nga." Sabi ko sa kan'ya habang kumakain. "Yun ang pera dito. Magagamit yon pambili sa pang araw araw na pangangailangan. Nasabi na namin sayo na by ranking dito 'di ba? Ang first division ang may highest points income sa lahat. Nakukuha rin ang points sa pakikipaglaban lalo na pag nanalo ang isang division sa monthly battle." Paliwanag niya kaya naintindihan ko naman agad. "Pa'no malalaman kung ilan ang points ko?" Tanong ko habang nakikikuha ng fries sa kan'ya. May kinuha naman siya sa bulsa niya at binigay ito sa'kin. Isang cellphone na maliit. "Malalaman mo kung ilan ang points mo diyan. May group chat din tayo diyan. Nandiyan din ang listahan ng overall ranking sa campus." Paliwanag niya kaya tiningnan ko ang points ko, gaya ng inaasahan ay zero. Tsk. Sunod na tiningnan ko ay ang overall ranking na sinasabi niya. | DIVISION COMMANDERS | •Aero Orpheus 1st division commander 40 people •Lahence Lawriel 2nd division commander 39 people •Katherine Tyson 3rd division commander 38 people •Jino Matsuo 4th division commander 37 people •Shin Roscente 5th division commander 31 people •Julliana Lawriel 6th division commander 28 people •Millian Escado 7th division commander 24 people •Janzel Ward 8th division commander 20 people •Lillian Gray 9th division commander 15 people •Zane In 10th division commander 3 people "Yung mga bilang ba sa baba ay kung ilan ang nasa division nila?" Tanong ko kay Zane at tumango naman siya. "Pa'no ang ranking dito?" Tanong ko pa sa kan'ya. "Sa monthly battle. Maglalaban laban ang lahat ng division. Dalawa lang kami ni Hanz kaya hindi kami nakasali at bago lang din ang division namin." Sagot niya. Tiningnan ko naman ngayon ang isang ranking. | TOP RANKERS | #1 Aero #2 Lahence #3 Jino #4 Shin #5 Katherine #6 Millian #7 Julliana #8 Janzel #9 Millian #10 Zane #11 Linx #12 Lorian #13 Cena #14 Pierre #15 Florencia #16 Jay #17 Max #18 Mai #19 Jastin #20 Niko Actually top 50 yan kaso wala akong pake sa mahihinang nilalang. "Pa'no naman ang ranking sa top rankers?" Tanong ko ulit. "Sa points na makukuha mo sa 1v1. Everyday may 1v1 na laban, pwedeng random at pwede rin na mamimili ka pero depende rin sa hahamunin mo kung tatanggapin niya hamon mo." "Pindutin mo lang yung 1v1 battle diyan sa screen mo at pwede ka ng makipaglaban. Depende nga rin pala sa rank mo ang makakalaban mo." "Saan makikita yung rank ko?" Tanong ko habang kumakain ng fries na kinuha ko sa kan'ya kanina. "Sa tabi ng points mo." Pagkatingin ko sa rank ko ay napangiwi naman ako. Rank 275 ang pinakahuli. "Salamat." Sabi ko sa kan'ya saka nilagay sa bulsa ng jacket ko yung phone. "Matulog ka pa, susunduin ka namin mamayang 8:00 am." Paalala niya sa'kin pagkatayo ko. "Salamat din pala sa libre." "Sa susunod ako naman ilibre mo." Sabi niya at nginitian ko naman siya saka naglakad paalis. Pabalik na ko sa dorm. Habang naglalakad ay na-excite ako sobra lalo na sa pakikipaglaban. 2 years din akong nag training at nagtiis sa mundo ko dati, oras na para bumawi ako. Katana ko lang ang gagamitin ko sa laban, ayokong gamitin ang kapangyarihan ko kundi sisisihin ko na naman ang sarili ko sa pagkamatay ni mama. Pagkapasok ko sa dorm ay humiga agad ako saka natulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD