Chapter 4

1116 Words
DRUSILLA'S POV Kakagising ko lang ulit ngayon, napatingin ako sa orasan at 7:55 am na pala. Bumangon ako saka kinuha ang katana ko. Si Ruki naman ay nakasunod lang sa'kin lumabas ng dorm. "Morning." Bati sa'kin ni Zane saka naghikab. Pinagmasdan ko siya at gulo gulo ang buhok niya na para bang hindi nagsuklay pati na rin yung damit niya ay lukot lukot pa. "Ayos ka lang? Mukhang antok ka pa ah." Tanong ko sa kan'ya nang magsimula kaming maglakad. "3 hours lang tulog ko." Sagot niya sa'kin kaya napailing na lang ako. "Nasaan si Hanz?" Tanong ko pa ulit habang nagtitingin sa dinadaanan namin. May fountain din pala sa school na 'to, ang laki ng fountain. "Natutulog pa 'yon." Sagot niya saka naghikab ulit kaya hindi na ko nagtanong. Maya maya siyang naghikhikab hanggang makarating kami sa isang building, umakyat kami hanggang sa second floor at pumasok sa dulong kwarto. Hindi masyadong malayo ang lugar na 'to sa dorm ko. "Mula ngayon ay ito na ang office ng division natin." Sabi niya na ikinamangha ko. May office rin pala by divisions. Umupo naman ako sa sofa at tumabi sa'kin si Zane. Isa lang ang sofa sa office na 'to, may table sa gilid at white board sa harap. "Gisingin mo ko pagkatapos ng isang oras, iidlip lang ako." Sabi niya sa'kin saka pumikit. Nakasandal lang siya sa sofa habang natutulog. Hindi ba mahirap yung position niya na yan? Ngayong natutulog siya ay napagmamasdan ko yung mukha niya. Mahaba yung mga pilik mata niya unlike sa'kin, matangos din ang ilong niya, yung kilay niya ay sakto lang, at yung labi niya naman ay sakto lang din pero maganda. Nagulat ako ng biglang lumihis yung ulo niya pasandal sa balikat ko. Mukhang antok na antok ang isang 'to. Hinayaan ko na lang siyang matulog sa balikat ko. "Meow." Tumalon si Ruki papunta sa hita ko saka natulog. Naging tulugan na ko dito. Nilabas ko ang phone na bigay sa'kin ni Zane kanina. Pinindot ko ang 1v1 battle at napangisi ako dahil pwede na kong makipaglaban. Tinype ko naman ang pangalan ko pati ang division saka pinindot ang confirm. Bawal akong mamili ng kalaban dahil lowest rank ako. Tsk. "You battle is 3:30 pm in southwest battle arena." Pagbasa ko sa nakalagay sa screen. Ayos. Tinitingnan ko naman ang points sa mananalo. Winner: 50 points Loser: 50 points Grabe bawas sa matatalo ah saka ang baba ng dagdag. Medyo nagulat naman ako ng biglang gumalaw si Zane na mukhang nagising na ata. "Anong oras na?" Tanong nito sa'kin habang naghihikab. "8:40 am pa lang." Sagot ko at tumayo naman siya saka nag-inat. Maya maya pa ay bumukas ang pinto saka pumasok si Hanz na mukhang energetic na naman. "Goodmorning!" Bati nito sa'min habang nakangiti at nag wave lang ako. "Mag meeting na tayo. Una sa lahat kailangan nating pataasin ang points ng ranking ng division natin kahit sa pakikipag 1v1 lang pero syempre mas malaki ang points na makukuha sa monthly battle." Panimula ni Zane habang nakasandal sa white board. "Pa'no malalaman kung ilang points pa bago tumaas ang rank natin?" Tanong ko kaya napatingin naman siya sa'kin. "Actually hindi talaga natin malalaman kung ilang points na division natin dahil every month 'yon pinapakita." Sagot ni Hanz na katabi ko. "Pinapakita 'yon pagkatapos ng monthly battle." Dagdag pa ni Zane kaya napatango ako. "Ilang beses need makipaglaban sa isang linggo?" Tanong ko pa habang hinihimas ang balahibo ni Ruki. "1 to 2." Sagot niya pa. "Yung mga tiga ibang division araw araw nakikipaglaban." Sabi naman ni Hanz. Kung gano'n ay pwede naman pala makipaglaban araw araw. "May laban ako mamayang 3:30 pm sa Southwest battle arena." Sabi ko sa kanila at nagulat naman sila pareho. "Hindi mo pa nga alam ang rules and regulations tapos makikipaglaban kana." Sermon sa'kin ni Zane saka ako nilapitan at may pinabasa sa'kin. | RULES AND REGULATIONS | #1 NO CHEATING IN BATTLE ARENA. #2 MAKE SURE THAT YOU'RE REALLY THE ONE THAT'S PARTICIPATING IN BATTLE. #3 NO FIGHTING OUTSIDE THE BATTLE AREA. #4 NO HATE IF YOU LOSE. Pagkabasa ko dito ay bumalik na ulit si Zane sa kaninang pwesto niya. "Tara kain muna tayo sa cafeteria." Aya sa'min ni Hanz at tamang tama dahil nagugutom na ko. Nauna ng naglakad ang dalawa habang ako ay binitbit ko muna si Ruki saka sumunod sa kanila. "Kailangan magkaro'n tayo ng good performance sa next monthly battle para maraming sumali na junior pagkatapos." Sabi ni Zane sa'min. Nagkekwentuhan lang silang dalawa sa unahan ko hanggang makarating kami sa cafeteria at dahil wala akong points ay nilibre nila kong dalawa. Mas masarap talagang kumain pag libre. "Drusilla, saan mo nga pala nabili yang katana mo?" Tanong ni Hanz pagkalapag niya ng mga pagkain namin sa lamesa. "Bigay lang sa'kin 'to." Maikling sagot ko saka binigyan ng tinapay si Ruki na nakaupo sa katabing upuan ko. "Ngayong pinagmasdan ko ng mabuti ang simple lang katana mo at parang ang nipis. Alam mo yung pwedeng maputol anumang oras?" Paliwanag ni Hanz na hindi ko naman maipagkaila dahil totoo ang sinabi niya. "Sure ka bang iyan gagamitin mo mamaya?" Paninigurado ni Zane na kumakain ng burger steak kaya nagsimula na rin akong kumain. "Oo." Simpleng sagot ko lang dahil nakakatamad magpaliwanag sa kanila. Maya maya pa ay biglang nagkagulo ang cafeteria dahil sa pagpasok ng isang grupo. "Anong meron?" Tanong ko sa kanila dahil naghihiyawan ang mga babae ngayon. "Jinoooo!" "Ang fourth division!" "Makakapasok kaya ako sa division nila Jino?" "Omygash ang pogi niya." Napatingin ako sa isang grupo na kakapasok lang lalo na sa lalakeng may bitbit na dalawang katana sa bewang niya. Mukhang malalakas sila. Mukha rin mayayabang. "Si Jino yan, ang fourth division captain." Bulong sa'kin ni Hanz at napatango naman ako. "Sword type rin si Jino tulad mo." Pagdagdag naman ni Zane. Bumalik na ko sa pagkain ko dahil wala naman akong pake. "Woi Inzane!" Napatingin kami sa tumawag kay Zane, kumakaway ang isang lalake mula sa grupo ng fourth division. "Jay, sinabi ko sayong wag kang makipag-usap sa mga low levels." Biglang sabi nung lalakeng blonde ang buhok. Ano raw? Low levels? "Umalis na tayo." Pag-aya sa'min ni Zane at mukhang wala siya sa mood. Inubos ko naman agad ang pagkain ko saka binitbit si Ruki pati ang katana ko. Pagkadaan namin sa kanila ay may nagsalita ulit. "Zane, bagay sayo ang pinakahuling division." Hindi man ako nakatingin pero alam kong si Jino yung nagsalita dahil biglang nagtawanan ang mga kasama niya pati na rin ang mga estudyante sa cafeteria. Pagkalabas namin ng cafeteria ay nagpaalam na silang dalawa sa'kin habang ako ay nababadtrip sa fourth division lalo na sa Jino na 'yon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD