Chapter 5

1068 Words
DRUSILLA'S POV Nandito ko sa bench sa fountain at nakaupo. Ayoko pang pumasok sa dorm dahil wala naman akong gagawin do'n. Gusto ko na rin magsimula ang laban dahil kailangan ko bumili ng gamit. Habang nakatambay sa bench ay bigla akong naalarma dahil may naramdaman akong malakas na presensya. Napatingin ako sa mga estudyanteng dumaraan pero nawala rin agad ang presensyang naramdaman ko. Kinikilabutan ako sa presensya niya at para bang gusto ko maligo sa kilabot. Gusto kong malaman kung sino ang taong 'yon pero hindi dapat ako magpadalos dalos. Tumayo na ko sa bench saka naglakad papunta sa dorm nila Zane. Manghihiram ako ng damit dahil gusto kong maligo. Feeling ko gumagapang pa rin sa balat ko yung kilabot. Medyo malayo ang dorm ng mga lalake kaya halos 10 minutes akong naglakad pero kung tatakbuhin ko ay 5 minutes lang. Saktong nasa harap ko na ang dorm nila nang makita ko si Zane na mukhang aalis. Agad naman akong lumapit sa kan'ya saka siya tinawag kaya napatingin siya sa'kin. "Bakit?" Tanong niya sa'kin. "Pwedeng pahiram ng damit? Alam kong makapal ang mukha ko." Pakikiusap ko sa kan'ya dahil gusto ko na talagang maligo. Wala naman siyang reaction pero sinabi niya sa'kin na saglit lang daw saka siya pumasok sa loob. Pagkalipas ng ilang minuto ay lumabas na ulit si Zane at kasunod niya ngayon si Hanz. "Grabe ka Drusilla 'di ka man lang nagdala ng mga gamit kahit damit." Asar niya sa'kin kaya napangiwi na lang ako. Hindi ko naman kasi alam na mapupunta ko agad dito. "Salamat, babalik ko rin with libre pag nagkapera na ko." Sabi ko kay Zane saka naglakad na pauwi sa dorm ko. Sinilip ko naman ang damit na pinahiram niya. Tatlong damit ito kaya napangiti na lang ako sa kabaitan niya. Promise babawian ko siya pag nagkapera na ko. Pagkapasok ko sa dorm ko ay naligo na ko agad. Bale 20 minutes akong naligo para sure na matanggal yung kilabot kanina. Pagkabihis ko ay humiga ako sa kama at tumabi naman sa'kin si Ruki. Plano kong matulog ulit hanggang oras na ng laban. ••• Nagising ako sa sunod sunod na pagtunog ng phone ko na ikinabwisit ko kaya kinuha ko 'to saka binasa ang mga chat. Bwisit natutulog eh. Hanz: Woi Drusilla ano na. Hanz: Nandito na kami ni Zane sa southwest battle arena. Zane: Ano bang ginagawa mo? Hanz: 10 minutes na lang mag s start na laban. Hanz: Sillaaaaaaaa!! Biglang nagising ang buong pagkatao ko sa mga messages nila kaya agad kong kinuha ang katana ko saka tumakbo palabas. Iniwan ko nasi Ruki sa loob dahil nagmamadali ako. "s**t saan ba 'yong southwest battle arena?" Mahinang bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo. Para na kong mababaliw dito dito sa daan hanggang sa may nakita kong estudyante na pwedeng mapagtanungan. "Excuse, saan yung southwest battle arena?!" Nagmamadaling tanong ko sa babaeng estudyante na 'to. Gulat pa siyang napatingin sa'kin. "A-ah. Sa front gate ng campus tapos dumiretso ka lang pakanan bali manggaling ka sa kaliwa, dito ka dumaan." Sabi niya sabay turo sa daanan. Nagpasalamat naman ako saka tumakbo na ulit patungo sa tinuro niyang daanan. Tumunog ulit ang phone ko pero hindi ko na tiningnan. Patuloy lang ako sa pagtakbo hanggang marating ko yung front gate na sinabi nung babae saka dumiretso pakanan. Pagkalipas ng dalawang minuto ay naratin ko na at hingal na hingal akong pumasok. "DRUSILLA FROM 10TH DIVISION PLEASE ENTER TO THE BATTLE AREA OR WE WILL DISQUALIFY YOU." Sabi nung host kaya agad akong pumasok sa battle area na puro pawis. Napatingin ako sa kalaban ko na nakangisi sa'kin ngayon. "Kala ko natakot kana eh." Mayabang na sabi nito sa'kin. "OKAY BE READY. GUNNER FROM 4TH DIVISION VS. DRUSILLA FROM 10TH DIVISION. FIGHT!" Announce ng host at bigla namang umatake 'tong kalaban ko. "GO DRUSILLAAAAA!!!" Rinig kong pag cheer ni Hanz sa'kin pero hindi ko alam kung saan sila nakapwesto. Iilan lang din ang mga nanonood dito ngayon. Iniilagan ko lang ang mga bala ng kalaban ko. Base sa mga bala niya ay magic bullets ang mga ito. "I praised you dodging skills pero iiwas kana lang ba hanggang matapos ang laban?" Mayabang na sabi nito saka ako nginisihan. Saktong pagkaiwas ko sa bala niya ay mabilis ko siyang nilapitan saka ko pinatama ang dulo ng sheath ng katana ko sa tiyan niya na naging dahilan ng pag-aray niya. Sumunod na pinuntirya ko naman ang hawak niyang baril pero agad niya itong nailipat sa kabilang kamay niya saka bumaril sa bandang tagiliran ko na nailagan ko naman. Hinampas ko ng katana sheath ang kamay kung saan nando'n ang baril niya kaya bumagsak ito sa sahig. Nakita kong magsasalita ito ng hindi maganda kaya agad kong tinadyakan ang tiyan niya at napaatras naman siya sa sakit. Sumunod na ginawa ko ay sinapak ko ang mukha niya saka ko pinukpok ng mahina ang batok niya gamit ang katana sheath ko. Tumumba naman siya at hudyat na tapos na ang laban, rinig ko ang pagpalakpakan ng mga nanonood. "THE WINNER IS DRUSILLA FROM 10TH DIVISION!" Announce ng host kaya umalis na ko sa battle area at pumunta kila Hanz. "Angas mo ah." Asar sa'kin ni Hanz pagkaupo ko sa pwesto nila. "Good job." Sabi naman ni Zane. "Ngayon siguradong iiyak na ang 4th division dahil natalo natin sila ng isang beses." Tumatawang sabi ni Hanz. "Wala pa ba kayong nakakalaban na taga 4th division sa 1v1?" Tanong ko sa kanila at umiling naman si Hanz. "Takot ang mga 'yon sa random at mas gusto nilang maghanap ng mahihina para sure win." Sagot ni Zane at mahahalata mo sa tono niya na in bad terms siya sa 4th division. "Tara sa west may laban ngayon." Aya sa'min ni Hanz saka nagsimulang maglakad paalis at sumunod naman kami. "Anong laban sa West?" Tanong ko. "First division vs. second division." Sagot ni Zane. Na-curious naman ako bigla kung ga'no kalakas ang mga taga first and second division. Pagkalipas ng ilang minuto ay nakarating na kami sa battle arena sa west ay ang daming mga estudyanteng nanonood. "Go first division!" "Go second division!" Napatingin ako sa battle area at kakasimula pa lang ng laban. Habang nanonood ako bigla na naman akong kinilabutan saka naalarma, yung kilabot na naramdaman ko kanina ay nararamdaman ko na naman ngayon. Tumingin tingin ako sa paligid pero masyadong maraming estudyante. Sino ka ba talaga?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD