bc

THE BADASS OBSESSION (Fego and Kesha)

book_age18+
1.3K
FOLLOW
4.6K
READ
others
drama
sweet
serious
like
intro-logo
Blurb

Dalawang tao, ang parehong hilig sa pakikipag laban at parehong nag mula sa buwenang pamilya. Mula pagka bata ay lagi na silang mag-kasama. Hanggang sa lumaki at pareho nilang nadiskobri ang pag mamahal nila sa isa't-isa.

Sina Fego at Kesha, ay mula pa nuon hanggang sa magka relasyon sila ay labis silang nag mamahalan. Labing-isang taon narin ang tinagal ng relasyon nila. Nang maisipan nilang mag pakasal. Subalit ang akala nilang tuluyan ng magiging masaya ay nauwi sa isang hindi inaasahang pang-yayari

Si Fego Yien-Gomez ay isang kilalang taniyag na business man. Siya ay seryoso at hindi pala ngiting lalaki, lingid sa kaalaman ng pamilya niya ay isa rin siyang Secret Mafia at kabilang siya sa bumubuo sa grupong Otso Apollo. Sa kaniyang malamig at nakaka takot na awra ay nasa likod naman nito ang pagiging possessive at napaka lambing at maamong awra kapag kaharap at nakikita niya ang nag-iisang babaeng tanging nakaka pag palambot sa kaniya.

Subalit paano kung ang taong siyang nag sisilbing gamot at buhay niya ay mawala nalang kung kailan nalalapit na ang takdang araw ng kanilang pag-iisang dibdib.

At kung kailan natatanggap mo nang wala na ang tao na iyon ay tsaka naman may mag-inang mag paparamdam sa'yo kung paano muling mabuhay.

Paano makaka limutan ni Fego ang nag iisang babaeng mahal niya na inaakala niyang anim na taon ng namatay. Kung makakatagpo siya ng isang babaeng may anak at nakikita niya si Kesha sa katauhan ng isang babaeng nasunog ang mukha at may isang anak.

Pag-ibig ngaba iyon o dulot lamang ng labis na pangu-ngulila sa dating taong matagal nang nawala.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Ate parang hindi papuntang simbahan ang dinaraan natin” mahinang wika ni Zandra kay Kesha Martes at buwan ng marso nuwebe, patungong simbahan ang kotseng sinasakyan nina Zandra at Kesha. Kasalukuyan silang naka upo sa backseat, habang naka suot ng wedding gown si Kesha at katabi ang kapatid ng kaniyang mapapang asawa. Kanina pa nakaka ramdam ng kaba si Kesha subalit, sinawalang bahala na lamang niya. Dahil iniisip niya lamang na baka ganuon ang pakiramdam ng isang babaeng ikinakasal na. Kesha Del Castro, isang famous fashion model, siya ay twenty-eight years old. hilig niya ang pag momodelo subalit isa rin siyang secret mafia at tumutulong sa grupong nangu-nguna sa isang organization. Kasama ang kaniyang nobyo na si Fego Yien-Gomez, Eleven year na silang magka relasyon. Sa tinagal-tagal ng relasyon nila ay napaka rami ng dumaang pag subok sa kanila. Bawat labanan ay lagi rin silang mag kasama at ngayon ay tinalikuran na niya ang pagiging modelo at handa na siya maging isang Mrs Yien-Gomez. Bumuntong hininga muna si Kesha, dahil kakaiba na ang pakiramdam niya. Palagay niya ay merong hindi magandang mang-yayari at hindi nga siya nag kamali. Dahil bigla na lamang huminto ang sinasakyan nilang Limousine. At may isang kulay puting Van ang huminto sa harapan at ganun na lamang ang pag tiim bagang niya ng makitang may limang armadong lalaki na bumaba ruon at lumapit sa sasakiyan nila, habang naka tutok na ang mga baril ng mga ito. “oh my god Ate, anong nang-yayari? Sino sila” nahihintakutang wika ni Zandra. Kitang-kita niya ang pamumutla ng katabi niya. At nang akmang mag sasalita pa sana siya upang aluin ang takot ng kasama ay natigilan siya. nang makitang bumaba ng sasakyan ang driver nila at sinalubong ang mga armadong lalaki. “dammit!” mahinang saad niya, dahil sa isiping inambush ang sinasakyan nila. “Ate Kesha, walang signal. Sh*t anong gagawin na'tin” mahinang wika ni Anazandra at halata sa boses nito ang labis na takot. Habang naka tago sa pagitan ng mga tuhod nito ang Cellphone, upang humingi ng tulong. Subalit nasa isang taong lugar sila napadpad at kaya walang signal “sh*t!” Mura rin ni Kesha ng makitang ibang tao pala ang nag mamaneho ng sinasakyan nila. Hindi ang personal driver nila “Anazandra, listen to me. Huwag kang ba-baba okey, dito kalang kahit anong mangyari huwag kang ba-baba” wika ni Kesha at mabilis na niyakap ang babae habang ito ay naluluha na dahil sa sobrang takot. “Ate Kesha huwag kang bumaba—ahh!” naputol ang sasabihin ng nag nga-ngalang Anazandra at napa sigaw na lamang ito. Nang mag paputok ng baril si Kesha. pag labas pa lamang nito ng Pinto. Hindi alam ng babae kung saan naka kuha ng baril ang bride Habang si Kesha naman ay patuloy sa pakikipag palitan ng putok ng baril sa mga armado. Mabuti na lamang may nailagay siyang maliit na baril sa kaniyang hita. Na kahit saan ay hindi iyon nawawala sa kaniya. Subalit hindi niya akalain na ganuon pala kahirap maki pag laban kapag naka suot ng wedding gown. “sh*t ang bigat-bigat naman nito—fvck!” ani ni Kesha at napa mura na lamang nang madaplisan ang kaliwang braso niya. Wala siyang oras para hubarin pa ang suot niyang weeding gown. Kaya kahit nahihirapan sa pag kilos ay naki pag sabayan parin siya sa mga armadong lalaki Kasalukuyan na siyang nasa likod ng sasakyan. At mabilis niyang tinanggal ang suot niyang heels. Dahil isa pa iyon na nag papahirap sa kaniya “Ate Kesha! Ahh aray! Let me go” rinig niyang sabi ni Anazandra, kaya nanlaki ang mata niya ng makitang hawak na ng isang lalaki si Anazandra sa buhok. “Ate Help! Hey let me go—ahhh!” sigaw ng babae ng mag paputok ang lalaking may hawak dito “lumabas ka d'yan sa pinag tataguan mo, kung ayaw mong pasabugin ko ang ulo ng babae na 'to” malakas na sabi ng lalaking may hawak kay Anazandra. Habang naka tutok ang baril nito sa ulo ng babae. “Sh*t sh*t sh*t! ” mahinang pag mumura ni Kesha. Nahihirapan nanga siya sa pag kilos dahil sa kaniyang suot. tapos nakuha pa ng mga kalaban si Anazandra, Three months pregnant ang babae sa pangalawa nitong anak. Kaya natatakot si Kesha na baka makunan ito Si Anazandra o Zandra ay ang bunsong kapatid ng kaniyang mapapang asawa na si Fego. Wala sa kasal niya si Cindy ang matalik niyang kaibigan, dahil hindi ito makaka uwi ng bansa dahil kabuwanan na nito. Kaya si Anazandra ang kasama niya bilang isa sa mga bridesmaid niya. Nauna na ang iba at sakaniya sumabay si Anazandra. Kung alam lang niyang ma a-ambush sila ay hindi na sana niya pina sabay sa kaniya ang babae. Dahil kung mag-isa lamang siya ay kayang-kaya niya patumbahin mag-isa ang mga kalaban. Humugot muna ng malalim na pag hinga si Kesha, tsaka lumabas sa kaniyang pinag tataguan. Nahirapan pa siyang tumayo ng maayos dahil natatapakan niya ang gown niya. “itapon mo dito ang baril mo at huwag kana lumaban Ms, Beautiful dahil marami kami at mag-isa kalang at kapag lumaban kapa papasabugin ko ang ulo ng kasama mong 'to” ani ng lalaki at idiniin pa nito ang hawak na baril sa ulo ng umiiyak na si Anazandra Walang nagawa si Kesha kundi ang sundin ang sinabi ng lalaki, itinapon nga niya ang kaniyang baril. Subalit kumpyansa parin siya dahil meron pa siyang small weapon sa tagiliran niya na naka tago. Siya lang ata ang kinakasal na napaka raming armas sa katawan. “Pakawalan niyo siya, ano ang kailangan niyo!” malamig na sabi ni Kesha sa mga armadong lalaki “Kayo” sagot ng lalaki at ipinalo nito ang hawak na baril sa batok ni Anazandra, dahilan upang mawalan ito ng Malay. Na ikinagulat ni Kesha, akmang kikilos na sana siya subalit hindi niya inaasahan ang ginawa ng isang lalaking kanina ay nag panggap na driver nila Pinalo rin nito ang kaniyang ulo na hindi niya namalayan na nasa likod na pala niya at hindi pa nakontento ay may itinakip pa ito sa kaniyang ilong. Dahilan upang tuluyan rin siyang lamunin ng kadiliman. Habang sa simbahan naman ay kanina pa nag hihintay ang lahat. Lalo na si Fego. mag-iisang oras ng late ang kaniyang bride. Hindi na siya mapakali at sobrang kaba ang kaniyang nararamdaman. Kinakabahan siya sa isiping baka nag back out na si Kesha sa kanilang kasal. Baka na realize ng babae na hindi pa nito kayang talikuran ang pag momodelo. “d*mn!” mahinang mura ni Fego. Alam niyang hindi gagawin iyon ni Kesha sa kaniya. Napansin niyang nag bubulungan na ang ibang mga bisita. Ngunit sinawalang bahala na lamang ni Fego, dahil ayaw niyang isipin na tinakasan ni Kesha ang kanilang kasal. Ilang sandali lamang ay akmang mag lalakad na sana siya palabas ng Pinto. subalit natigilan rin nang matanaw niya ang isang lalaking duguan ang nuo at hirap na hirap sa pag lalakad papasok ng simbahan. “Mang Domeng, what happened? nasaan ang Bride at ang asawa ko?” wika ni Lorence ang siyang unang tumakbo palapit sa lalaking siyang driver sana ng kotse nang bride. Si Lorence Salvi ang asawa ng kaniyang kapatid na si Anazandra, alam ni Fego na katulad niya ay hindi rin mapakali ang kaniyang Bayaw. dahil wala pa ang dalawang babaeng mahal nila. “Domeng where is my daughter? Bakit wala parin siya?” wika ni Don Felipe ang ama ni Kesha “susunduin kona sana sila sa mansion, kaso may biglang pumalo sa ulo ko sa loob ng kotse. Pagka tapos ho ay iniwan nalang ako kung saan. Nagising nalang ako na nasa basurahan na ako at wala na 'yung kotse. Dito na— Hindi na naituloy ng lalaki ang sasabihin nito nang tuluyan na itong mahimatay. “Oh my God! My Daughter, ang anak natin Felipe” ani ni Mrs Rona ang ina ni Kesha. At napa yakap na lamang ito sa asawa Sa narinig ay mas lalong napa tiim bagang si Fego. Napukaw lamang ang kaniyang atensyon ng marinig niya ang kaniyang kapatid na si Jack “Grandma!” ani ng mga kapatid niya. Kaya ganuon na lamang ang panlalaki ng mata niya nang makitang hinimatay ang kaniyang Abuwela. “Paulo, Jego Kiel. Kayo na ang bahala sa mga bisita. Nasa panganib sina Zandra at Kesha. Fego ipa trace mo kung nasaan ang sasakyang ginamit nina Kesha” Wika ni Vanessa. Pagka tapos nitong ipa utos sa mga tauhan na e uwi na lahat ng mga bata. "Kuya kami na ang bahala kay Gradma, hanapin mo sina Kesha at ang kapatid natin. Bago pa atakihin si Grandma” wika ni Damon at ito na ang bumuhat sa kanilang abuwela. Samantala kaagad namang umalis nang simbahan ang isang lalaking naka suot ng kulay itim na hoodie. Matapos masaksihan ang pag kakagulo ng mga tao sa simbahan dahil sa masamang balitang nang-yari. Nag tungo ang lalaking naka hoodie upang saksihan ang pag-iisang dibdib ng kaniyang nakaka tandang kapatid na si Fego. Subalit dahil sa nang-yaring dahilan ng hindi pag dating ng Bride kaya kinutuban na siyang merong hindi magandang nangyari. Lalo na't hindi niya nakita sa simbahan ang bunsong kapatid niyang si Anazandra Kaya naman kaagad tinignan ng lalaki ang monitoring device. kaya nakita at natukoy na niya kung nasaan ang kaniyang kapatid na si Anazandra. Dahil may nilagay itong tracking device sa niregalo niyang hikaw at kwintas sa kapatid nung ikinasal ito Samantala nagising si Kesha nang maramdaman niyang may humahaplos sa kaniyang mukha. Napa kunot nuo siya at hindi naiwasang mapa ngiwi dahil sa masamang amoy ng hangin na tumatama sa kaniyang mukha. Pag mulat niya ng kaniyang mata ay ganuon na lamang ang laking gulat niya at literal na nanlaki ang mata niya. Dahil sa taong hindi niya inaasahang makikita niya 'Sh*t kaya naman pala ang baho, amoy imbornal, .putik kailan kaya babango ang hininga ng lalaking 'to' ani ng isip ni Kesha habang lihim na napapangiwi. “Bonjing! Este Bonjie!” aniya at sa gulat niya ay kaagad niya itong itinulak dahilan upang mahulog ito sa kama. Napansin niyang magka salikop ang mga kamay niya habang naka tali at ganuon rin ang kaniyang mga paa. Kaya para siyang bulateng gumalaw-galaw sa ibabaw ng kama habang siya ay naka higa. “naka tali kana nga ang lakas mo parin” naka ngising sabi ng lalaki matapos nitong maka tayo. “anong—D*mn ikaw ba ang nag padukot saamin? Si–si Anazandra? Nasaan si Anazandra?” gulat at naka tiim bagang saad ni Kesha ng mapansing mag-isa lamang siya sa loob ng kuwarto. Si Bonjie Chin ay ang lalaking labis ang obsession kay Kesha. ilang beses na itong nababasted ng dalaga at napaka hiya. ilang beses narin itong nabugbog ni Fego dahil hindi parin nito tinitigilan ang dalaga kahit may nobyo na ito at naka takda ng ikasal. Hindi akalain ni Kesha na totohanin ng lalaki ang naging banta nito sa kaniya. Na hindi umano papayagan ng lalaki na matuloy ang kasal nila ni Fego. Hindi iyon pinansin ni Kesha, dahil may problema sa pag-iisip ang lalaki may pagka isip bata ito minsan. kahit mahigit sampung taon ang agwat ng tanda nito sa kaniya. “Ikaw lang ang kailangan ko Darling, hindi kona kailangan 'yun— “Bonjie Answer me! Nasaan si Anazandra!?” sigaw niya habang nanlilisik ang kaniyang mga matang naka tingin sa lalaki “Ohh, chill Darling... Si Ninong ang may kailangan sa kaniya hindi ako” tugon ng lalaki. “d*mn, Dalhin mo dito si Anazandra!” sigaw ni Kesha, hindi siya nag-aalala sa kaniyang sarili. Dahil mas inaalala niya si Anazandra lalo na't buntis ito. At alam niyang ito ang firstime na maranasan ni Anazandra ang ganitong klaseng problema at gulo. “sa isang kondisyon Darling, kung papayag ka sa gusto kong mangyari. Dadalhin ko dito 'yung kasama mo” wika ng lalaki habang may mapag larong ngiti sa labi nito. “what?” seryosong sabi niya habang lihim na nanga-ngati ang kaniyang kamay dahil gigil na gigil nasiyang mapatay ang hayop na lalaking nasa harapan niya. “tutal naka suot karin naman ng wedding gown at para hindi masayang. itutuloy natin ngayon ang naudlot mong kasal Darling. Hindi sa g*gong Fego na 'yun, kundi saakin. Dahil kalang” ani ng lalaki at muli na naman napangiwi si Kesha, at halos masuka na siya dahil sa sobrang baho ng hininga ng lalaki. Matapos nitong ilapit ang mukha nito sa kaniyang mukha. Kaya nalanghap niya ang mala imbornal na hininga nito. “fine, pumapayag ako. Basta dalhin molang dito si Anazandra at siguraduhin niyong wala akong makitang galos sa kaniya. Kundi alam mona ang mang yayari” saad niya. Kailangan niyang mapaniwala ang baliw na lalaking nasa harapan niya. Dahil oras na makawala lang siya sa pagkaka tali at maka labas sa kuwarto na iyon ay siya mismo ang tatapos sa buhay ng lalaking sira ulong nasa harapan niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Luna He Rejected (Extended version)

read
553.0K
bc

Dominating the Dominatrix

read
52.6K
bc

Claimed by my Brother’s Best Friends

read
784.3K
bc

Secretly Rejected My Alpha Mate

read
17.8K
bc

The Slave Mated To The Pack's Angel

read
378.2K
bc

The Lone Alpha

read
123.0K
bc

The CEO'S Plaything

read
15.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook