“Ano bang kailangan niyo saamin? Kung pera, sabihin niyo kung magkano ibibigay namin.. Pakawalan niyo lang kami” ani ni Anazandra at pilit na nag tatapang tapangan sa harap ng isang napaka taba at may katandaang lalaki
Naka upo lamang ito habang nasa likod nito ang napaka raming tauhan na satingin ni Anazandra ay nasa twenty pababa ang dami ng naka palibot ritong mga tauhan.
Habang ang babae naman ay naka upo rin sa isang upuan na yari sa bakal. Naka tali ang mga kamay nito sa likod ganun rin ang mga pala nito
Ngumisi lamang ang matandang lalaki tsaka kinuha ang tungkod nito at dahan-dahan nag lakad papalapit sa babae.
“I don't know, what relationship you have in Ryker's life. but I know you are important to him. Kaya gagamitin kita upang lumabas siya sa pinag tataguan niya” ani ng lalaki pagka tapos ay nilagay nito ang dulo ng tungkod nito sa nuo ng babae. At mahina iyon itinulak
“bang!” ani ng lalaki na animoy isang baril ang hawak. Kaya napa pikit na lamang si Anazandra at lihim na nag darasal
Habang si Fego naman ay halos mag liyab na siya sa sobrang galit. Hindi niya maikalma ang sarili lalo na't kasama ni Kesha si Anazandra. May tiwala siya sa kakayanan ng nobya, dahil maging siya ay hindi niya ito kaya pag dating sa galing nang pakikipag laban. Subalit Nag-aalala parin siya dahil babae parin si Kesha at isa pa'y buntis ang kaniyang bunsong kapatid at wala itong alam pag dating sa pakiki pag laban. Mahina ang loob ng kaniyang kapatid at first time nitong madukot. kaya alam niyang katulad niya ay halos mabaliw narin si Lorence.
“Grupo ng mga dark Supreme ang dumukot kina Kesha at Zandra” pag babalita ni Kiel sa mga kasama. Habang nag tipon-tipon silang lahat na mga Apollo. Maging ang kaniyang tatlong mga kapatid na sina Daniel, Damon at Jack ay naroon rin sa safe house na pag mamay-ari ni Fego.
“bakit tayo kinakalaban ng Dark Supreme? Maayos ang huling pag haharap natin sa leader nila nung magka roon ng pag titipon ang labing apat na organization. Ngayon anong dahilan bakit nila tayo kinakalaban?” kunot nuong wika ni Vanessa, ang siyang leader ng Otso Apollo na kinabibilangan ni Fego.
Lahat sila natahimik dahil, walang nakaka alam kung bakit dinukot ng Dark Supreme ang dalawang babaeng mahalaga sa mga Apollo.
Si Kesha ay hindi lang basta ito secret mafia ng Grupong Apollo, kundi partner ito ng mafia Queen na si Cindy na asawa na ngayon ng isa sa mga Apollo na si Mike Monteregno. At asawa naman ni Lorence Salvi si Anazandra.
Kaya parehong mahalaga sa Apollo Queen ang dalawang babaeng dinukot ng isa sa malakas at makapang-yarihang grupo na hindi inaakalang makaka laban ng kanilang grupo.
Ang Dark Supreme ay ito pa ang minsang nag susuplay ng mga malalakas na armas sa mga tauhan ng Apollo. Na inaasahang kakampi nila
Habang nag uusap ang lahat kung paano haharapin ng leader nila, ang leader ng nag padukot sa dalawang babae. ay biglang naramdaman ni Fego ang pag vibrate nang cellphone niya sa ilalim ng bulsa ng pantalon niya. Hindi sana niya iyon papansinin, subalit naka tatlong beses na iyon. Kaya naman ay kinuha na niya ang aparato at tinignan ang mensaheng dumating sa kaniya
Hindi niya maiwasang mapa kunot-nuo nang muli na naman nag paramdam sa kaniya ang mysterious informant niya. Mag mula nung unang araw na makilala niya ang bunsong kapatid na si Anazandra ay palagi nang may nag papadala sa kaniya ng iba't-ibang information. Satwing may problema na darating sa grupo nila maging sa kaniyang mga kapatid. Ay lagi ng may nag papadala sa kaniya ng mensahe. Mga information na lahat ay totoo. Katulad na lamang ng makidnap ang mga pamangkin niyang kambal na anak ng kapatid niyang si Damon. Ang mysterious informant rin ang nag bigay sa kanya ng information kung nasaan ang mga bata.
“ihanda ang mga chopper, alam kona kung nasaan sila” wika ni Fego sa mga kasama.
“Lorence, kayo na ang bahala sa mga grupo mo” baling niya sa kaniyang bayaw na halos mawala na sa katinuan. Dahil kanina pa ito hindi mapalagay lakad ng lakad kaya nahhilo narin siya
Habang sa kabilang dako naman ay natigil sa akmang pag halik ang lalaking nag padukot kay Kesha, nang pumasok ang matandang supreme kasama ng mga tauhan nito.
“Bonjie, takpan monga ang bunganga ng babae—
“Kesha!?” bakas ang pagka gulat sa mga mata ng matandang supreme ng nakita nito ang isa sa secret mafia ng kanilang organization.
“papaanong—d*mn, siya ba ang babaeng kina babaliwan mo Bonjie?” ani ng matanda ng bumaling ito sa lalaking matindi ang obsession kay Kesha
“Yes, Ninong siya nga. beautiful diba”
“Mr Lavaro? Ikaw, ikaw ang Ninong ng baliw na ito? Kung ganon. Ikaw ang nag padukot saamin? D*mn nasaan ang babaeng kasama ko anong ginawa mo sa kaniya?!” ani ni Kesha, nang maka bawi sa pagka gulat. Paanong hindi siya magugulat gayun na ang matandang lalaki ang leader ng isang grupong connection ng mga Apollo sa pag gawa ng mga matatas at malalakas na armas
“Oh, hindi ko alam na ikaw pala ang kina huhumalingan ng ina-anak ko—
“dalhin niyo ako kay Anazandra, kung ayaw niyong dalhin siya dito. Ano bang kailangan niyo saamin? Tina traydor mona ba ang mga ka grupo ko Mr Lavaro? Bakit kailangan mong kalabanin ang mga Apollo. Wrong decision Dark Supreme—
“We'll hindi naman malalaman ng mga Apollo na kami ang nag padukot sa inyo. At 'yung babaeng kasama mo lang ang kailangan ko. Siya lang ang inutos ko, so hindi ko alam na ikaw pala ang kina babaliwan ng nitong si Bonjie. Malas molang dahil nag kataon na magka sama kayo ng babaeng ipina dukot ko” ani ng matanda.
“anong kailangan mo sa kaniya? Wala siyang alam sa mga ganito—
“mahalaga siya sa taong may malaking utang saakin. Kaya siya ang ginamit ko para lumabas sa pinag tataguan ang Dark Shadow” tugon ng matanda na ikina kunot-nuo ni Kesha.
Wala siyang kilalang Dark Shadow ang Pin Name sa organization at kung paano nadamay si Anazandra.
“si Bonjie lang ang may kailangan sa'yo. At ang babaeng kasama molang ang kailangan ko.” ani ng matandang supreme tsaka tumalikod na at nag lakad palapit sa ina-anak nito at bumulong
“kadena ang gamitin mong panali d'yan sa bihag mo. Dahil hindi mopa kilala 'yang kina babaliwan mo. isang maling kilos lang ikaw ang mamatay kapag naka wala 'yan” bulong ng matanda bago tinapik ang braso ng ina-anak.
Samantala, pag balik ng matandang supreme sa kina roroonan ng kaniyang bihag ay ilang sandali lamang ay bigla na lamang na alarma ang mga tauhan ng Dark Supreme. Sa silid kung saan naka kulong ang babaeng si Anazandra. Gulat na gulat sila ng biglang bumagsak ang pintuan at niluwa niyon ang lalaking naka takip ang kalahating mukha at naka suot ng itim na hoodie habang may hawak nitong dalawang shotgun sa magka bilang kamay.
Ngumisi ang matandang leader ng dark supreme, dahil tama nga ang hinala nito. Ang mga babae lang pala na dinukot nila ang mag papalabas sa lunggang pinag tataguan ng lalaki
“kamusta ang traydor kong tauhan? Longtime no see Ryker, sinasabi kona ngaba lalabas karin sa lungga mo”
“Fvckyou! Oldman pakawalan mo sila. Ako ang kailangan mo diba?” malamig na sabi ng lalaking naka hoodie
“na ah, hanggat hindi ko nakukuha ang mga papeles na ninakaw mo. Walang makaka labas na buhay dito” tugon ng matanda.
“too late Oldman, baka sa mga oras na ito. Binabasa na ngayon ng buong organization. At makikita nila kung gaano ka traydor ang tinitingala nilang dark supreme.”
“Bu*lsh*t! Dark Shadow, wala kang utang na loob!” galit na singhal ng matandang Supreme sa lalaking naka Hoodie na nag nga-ngalang Ryker
“wala akong utang sa'yo Old man. Baka nakaka limutan mong ikaw ang pumatay sa mommy ko. Kaya dapat lang na traydurin kita Oldman. At dahil dinamay mona ang kapatid ko mamatay kana” saad ni Ryker at itinutok ang hawak na shotgun sa matanda