CHAPTER 3

1488 Words
Sa isang iglap ay mag kakasunod na bumagsak ang mga tauhan na naka palibot sa matandang Supreme. silentgun ang gamit ng lalaking naka hoodie. “ngayon, ilabas mo ang tapang mo Oldman! Binantaan na kitang huwag kang mandamay ng ibang tao, ako ang kailangan mo!” malamig na sabi ng lalaking nag nga-ngalang Ryker o dark shadow Lumapit ito sa matandang matabang lalaki at itinutok ang ulo ng shotgun sa nuo ng Supreme. Kaya napa pikit ito “sige ituloy mo! Kundi pasasabugin korin ang ulo ng babae na 'to!” ani ng isang matangkad na lalaki, mahaba ang buhok nito na hanggang balikat at punong-puno ng balbas ang panga nito. Hawak ng kaliwang kamay nito sa buhok si Anazandra. habang ang kanang kamay naman ay may hawak na baril na naka tutok sa ulo ng umiiyak na babae. “hash princess, stop crying makakasama kay baby ang pag-iyak mo. Don't worry hindi ko hahayaang masaktan ka” mahinang saad ni Ryker sa bunsong kapatid niya. Bigla namang pumasok ang nag nga-ngalang Bonjie, habang hawak nito sa isang braso si Kesha. Na ngayon ay may bakal nang naka tali sa leeg nito. Hindi lang basta bakal kundi isa iyon electric na satwing mag pupumiglas o kikilos si Kesha ay nahihigop niyon ang kaniyang lakas. Na animoy para siyang kino-koryente Habang ang mga kamay naman ni Kesha ay nasa likod at parehong naka posas. “pakawalan niyo sila kung ayaw niyang pasabugin ko ang bungo ng amo niyo!” ani ni Ryker at habang hindi parin lumilingon at naka tutok ang mata nito kay Anazandra “ate Kesha!” humihikbing tawag ni Anazandra Kahit nahihirapan sa pag kilos si Kesha. dahil sa kaniyang suot at sa bakal na naka kabit sa leeg niya ay hinanda niya ang kaniyang sarili. Hindi niya kailangan hintayin ang tulong dahil baka maubusan siya ng lakas kapag tumagal pa Hindi nilingon ni Kesha ang babaeng umiiyak bagkus ay natuon ang mga mata niya sa lalaking may hawak na dalawang shotgun habang naka tutok iyon sa nuo ng Supremo. “Pa–pakawalan niyo sila, pakawalan niyo!” nangi-nginig ang boses na sabi ng Supremo. Alam nito kapag sinabi ni Ryker ay gagawin talaga nito. “Pero Boss— Hindi natuloy ng lalaking may hawak kay Anazandra ang sasabihin nito ng muling mag salita ang boss nito. “Pakawalan niyo sila!” sigaw ng Supremo sa tauhan. Binitawan naman ng lalaki si Anazandra at kaagad naman itong tumakbo sa likod ng lalaking naka hoodie “Kuya Ryker, ikaw ngaba ang kuya ko?” mahinang saad ni Anazandra, habang humihikbing yumakap sa likod ng lalaki. Upang mahawakan ng lalaki ang umiiyak na kapatid ay nilagay nito sa likod ang isang hawak na Shotgun at hinawakan sa braso si Anazandra upang dalhin ito sa mga bisig nito. Nang makita ni Kesha na naka wala na si Anazandra ay wala siyang pakealam kahit masaktan siya ng bakal na naka paikot sa leeg niya. Gamit ang mahaba niyang binti ay malakas niya iyon isinipa pataas sa lalaking nasa likod niya. Kaya tumama ang kaniyang paa sa mukha ni Bonjie. Dahilan upang mabitawan siya nito Tumambling ng isang beses si Kesha kahit napaka bigat ng gown niya. Inabot niya ang isang Shotgun na nasa likod ng lalaking naka hoodie pagka tapos ay kaagad niya iyon ipinutok kay Bonjie. Subalit bago paman niya ito tinamaan sa ulo ay nabaril na siya nito sa balikat. Dahilan upang mas lalong mapa sigaw si Anazandra dahil sa nakaka binging putok ng baril. Maging si Ryker ay walang pag dadalawang isip na binaril ang nuo ng Supremo. Kaya tumilapon ito dahil sa lakas ng Shotgun niya Dahil sa sobrang ingay na halos ikbingi ni Anazandra at sa sobrang takot ay tumakbo ito palabas habang tumitili at naka takip ang dalawang kamay nito sa mga tenga nito. “Princess!” tawag ni Ryker, akmang susunod na sana ito nang may biglang sumipa sa mukha niya “sh*t!” mura ni Ryker at masamang tinignan ang babaeng sumipa sa mukha niya. Pagka tapos ay tinutukan siya nito ng baril “Sino ka?” malamig na sabi ni Kesha, subalit mukhang walang balak na sumagot ang lalaking naka hoodie, kaya mas lalong idiniin ni Kesha ang ulo ng Shotgun sa dibdib ng lalaki “sumagot ka? Ikaw ba si Dark Shadow?” muling sabi ni Kesha “hindi na mahalaga kung sino ako, ibaba mona 'yan dahil kailangan Kong sundan ang kapatid ko. Marami pang kalaban sa labas hindi pa tapos ang laban” ani ng lalaki. Na ikina kunot nuo ni Kesha “kapatid–kapatid ka ni Anazandra? Ikaw ang number ng mga Yien-Gomez?” hindi maka paniwalang saad ni Kesha. Sa lalaking hindi parin nakikita ang mukha. “Anong— Hindi na naituloy ni Kesha ang akmang sasabihin paniya ng mag sipasok ang napaka raming tauhan ng Supremo. Naka itim lahat ang mga ito na animoy mga ninja, dahil mga mata lamang ng mga ito ang nakikita sa suot “Dapa!” ani ni Ryker sabay tulak kay Kesha, upang hindi matamaan ng bala. Tumilapon naman si Kesha dahil sa lakas ng pagkaka tulak sa kaniya. Pero imbis na mainis o magalit ay pasalamat niya parin dahil kung hindi iyon ginawa ng lalaking naka hoodie na nag nga-ngalang Ryker o Dark Shadow ay baka natadtad na ng bala ang kaniyang katawan. “Sh*t!” anas ni Kesha pagka tapos ay kaagad niyang binaril ang posas na nasa kamay niya habang naka tago parin siya nag lalakihang mga Drum na nag lalaman ng mga langis. Kaya bawat natatamaan ng mga kalaban ay umaagos ang nakaka matay na langis na kung tawagin ay Nerve agent VX, kahit konting patak lang niyon sa balat ay tatlong minuto lamang ay malalason na at namamatay na ang taong nalalagyan niyon. At kapag natatapunan naman ng amoy ay parang gasulinang nag liliyab. Mabilis hinubad ni Kesha ang kaniyang wedding gown, kaya naman ay tanging ang dalawang maliit na saplot lamang ang natitirang naka takip sa maselang parte ng kaniyang katawan. Kulay itim na panty at bra lamang ang suot niya habang may isang kutsilyong naka lagay sa tagiliran ng bewang niya at isang maliit na baril naman sa kanang hita niya. Nilagay niya iyon dahil gusto niyang maging exciting ang torture honeymoon sana nila ni Fego. Hindi niya alam na magagamit pala niya sa matinding laban ang mga iyon. Nang matapos niyang hubarin ang kaniyang gown, ay sunod naman niyang ginawa ang pag tanggal sa bakal na naka sakal sa leeg niya. Mabuti na lamang ay may alam siya sa mga uri ng bagay na iyon. Gamit ang kaniyang kutsilyo ay tinusok niya pailalim ang kulay pulang nag sisilbing ilaw niyon. Saglit siyang naka ramdam ng koryente sa kaniyang katawan at pag kirot ng kaniyang leeg. Pagka tapos ay namatay ang ilaw niyon kasabay ng pagka bukas ng lock niyon kaya naka hinga ng maluwang si Kesha. Matapos niyang matanggal ang nakakasakal na bagay na iyon sa kaniyang leeg. Nakita niyang nakikipag palipan parin ng putok ng baril si Ryker. At dahil nabitawan niya ang hawak niyang shotgun kanina nang itulak siya ng lalaki ay tanging kutsilyo at small gun na lamang ang gamit niya. Umakiyat siya sa isang Drum at mataas na tumalon kasabay ng pag papaputok niya ng baril sa apat na kalaban na nakita niya. Alam niyang may suot na Bullet proof ang mga ito sa katawan kaya sa ulo niya binaril isa-isa ang mga ito. “Dark Shadow, hanapin mo si Anazandra! Ako na ang bahala dito!” malakas na sabi ni Kesha ng makita niyang nakiki pag laban ang lalaking naka Hoodie sa anim na mga kalaban na walang armas. Lihim na napa hanga si Kesha sa lalaki dahil sa galing nitong maki pag laban sa martial art at ninja move sa mga tauhan ng Supreme Nakita niyang may pumasok pang maraming kalaban kaya napa tambiling siya at ingat na ingat ang bawat kilos niya upang hindi dumampi ang balat niya sa langis na ngayon ay kumakalat na sa sahig. Ngunit ang hindi inaasahan ni Kesha ay ang ginawa ng isang kalaban. Tinapon nito ang hawak na sigarilyo at tumilapon iyon sa sahig na may langis kaya nag sanhi iyon ng napaka alab at napaka init na apoy. At ilang Segundo lamang ay sasabog ang silid na iyon. Kaya malakas niyang isinigaw ang pangalan ng lalaking naka Hoodie “Dark Shadow, sa bintana! Bilis!” sigaw ni Kesha. Sa bintana lamang sila puwedeng dumaan. Dahil halos hindi maubos ubos ang mga kalaban na pumapasok sa Pinto. Bago tumakbo patungong bintana, ay nilingon muna niya si Ryker at nakita niyang sinipa nito ang isang kalaban at tumambling ng isang beses bago sinipa ulit ang isa pang kalaban. Pagka tapos ay patakbo itong nag tungo sa gawi niya. Upang maka ligtas rin Halos magka sabay silang tumalon sa salamin na bintana, kasabay ng napaka lakas na pag sabog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD