CHAPTER 4

1521 Words
“Ate Kesha, Kuya Ryker!” malakas na sigaw ng kalooban ni Anazandra ng makitang sumabog ang malaking kuwarto. kung saan siya ikinulong kanina. Nag tago lamang siya sa ilalim ng hagdan na hindi kalayuan sa silid na iyon. Nang makita niya ang napaka raming mga lalaking naka itim na nag mula pa sa labas at mabilis na nag sipasukan ng marinig marahil ng mga ito ang mag kakasunod na putok ng baril ay kaagad siyang nag tago sa ilim ng hagdan. Madilim sa parteng iyon kaya alam niyang hindi siya makikita. Alam niyang hindi nila kakampi ang mga naka itim na lalaki dahil ganuon rin ang suot ng mga armadong lalaki na dumukot sa kanila ni Kesha. Biglang natutop ni Anazandra ang kaniyang bibig upang pigilan ang impit na pag luha. Ayaw niyang isipin na wala na ang Ate Kesha niya at ang hindi paniya tuluyang nakikilalang kapatid na si Ryker. “sa likod! Huwag niyong hayaang maka takas!” wika ng isang lalaki. Mas lalong isiniksik ni Anazandra ang kaniyang sarili sa masikip na pinag tataguan niya. “Young Master, kasama sa sumabog ang Daddy niyo” wika ng binatilyong boses ng isang lalaki “d*mn dammit! Mag sikalat kayo. Huwag niyong hayaang maka takas! lalong lalo na ang P*nyetang Ryker na iyon!” ani ng malamig na boses ng lalaki na tinawag na Young master. ilang sandali lamang ay naka rinig na ng palayong mga yabag ng paa si Anazandra. Kaya lumunok muna siya ng sariling laway at humihinga ng malalim. Bago napag disisyunang umalis na sa kaniyang pinag tataguan. Subalit hindi paman ganap na nakaka labas ang buong katawan niya ay may biglang humawak sa kaniyang buhok. Mahigpit at halos maging ang anit ng ulo niya ay matanggal narin dahil sa sobrang lakas at higpit ng pagkaka hawak sa kaniyang buhok. “Huli ka! Akala mo hindi ko malalaman na nag tatago kalang d'yan sa ilalim” ani ng lalaking may hawak sa kaniyang buhok. “Bitiwan mo ako, bitiwan mo ako! Wala akong kasalanan sa'yo maawa ka. Pakawalan mo—ahhh! ” hindi naituloy ni Anazandra ang kaniyang pag mamakaawa at napa daing na lamang ng bigla siyang sampalin ng lalaki habang hawak parin nito ang kaniyang buhok. “Namatay ang Daddy ko pati ang Kuya Bonjie ko, hindi kita kilala pero satingin ko malapit ka kay Ryker. Kaya papatayin rin kita katulad ng pag patay niya sa Daddy ko!” ani ng lalaki pagka tapos ay muli na naman nito sinampal si Anazandra Akmang babaril na sana ng lalaki ang walang ka laban-laban na si Anazandra nang may biglang mag paputok ng mag kakasunod. dahilan upang mapatili at mapa sigaw si Anazandra dahil sa sobrang lakas at nakaka binging putok ng baril at namalayan na lamang ng babae na lumuwang ang pagkaka hawak ng lalaki sa kaniyang buhok. Pagka tapos ay natumba ito sa harapan niya habang naliligo na sa sariling dugo nito. “ahhhh! ” muling sigaw ni Anazandra dahil sa nakitang pag handusay ng lalaki habang punong-puno ng dugo ang bibig nito at naka dilat ang mga mata at wala na itong buhay. “Hon!” ang pamilyar na boses ang nag patigil sa pag sigaw ni Anazandra. At sa kaniyang pag angat ng ulo ay ang nag aalalang mukha ng asawa ang kaniyang nakita. Habang nasa likod nito ang napaka raming tauhan. “Lo–Lorence ” naluluhang sambit ni Anazandra, kasabay ng pag lamon ng kadiliman dahil tuluyan na siyang nawalan ng Malay Habang sina Kesha at Ryker naman ay patakbo sila patungong kagubatan. Dahil hinahabol sila ng napaka raming kalaban at puro mga armado lahat. Habang si Kesha lamang ang may hawak na Small gun at ang lalaki ay kutsilyo naman ang hawak. “nandun ang kotse ko! Tumakas kana. iligtas mo ang sarili mo! Babalikan ko ang kapatid ko” hinihingal na sabi ni Ryker sabay hagis ng susi kay Kesha na kaagad namang nasalo nito. “hindi, hindi ako aalis dito hanggat hindi korin kasama si Anazandra” giit ni Kesha. Siya ang kasama ng babae nang madukot sila kaya dapat kasama rin niya si Anazandra na pag alis sa lugar na iyon “tumakas kana! Marami ng dugo ang nawawala sa'yo. Ako ang mapapatay ni Kuya Fego kapag napuruhan ka. Ako na ang bahala sa kapatid ko, don't worry basta tumakas kana!” ani ulit ng lalaki habang hindi maka tingin kay Kesha. Dahil naka panty at bra lamang ang babae. at akmang tatanggi pa sana si Kesha at ipipilit parin niya ang kaniyang gusto, ngunit kaagad rin nabitin dahil nakita nilang malapit na sa kanila ang maraming kalaban. “Umalis kana!” pag tataboy ulit ni Rayker sa kaniya. Kaya wala nang nagawa si Kesha kundi ang sundin nalang ang sinabi ng lalaki. Dahil tama ito, marami nangang dugo ang nawawala sa kaniya dahil sa tama niya balikat. At nang hihina rin siya dahil sa nawalang lakas niya dulot ng bakal na inipagay sa leeg niya kanina. Patakbong tinungo ni Kesha ang naka tagong kulay itim na kotse ng lalaki. Ngunit bago siya tuluyang pumasok sa sasakyan ay nilingon muna niya ang kina roroonan ni Ryker. Nakita niyang nakikipag laban na ito gamit lamang ang Double blade knife nito. Lahat ng natataman ng sipa at suntok ng lalaki ay kaagad na nawawalan ng Malay. Nakita ni Kesha na lumingon pa ito sa kaniya at nang mag tama ang kanilang mata ay tumango siya. upang ipahiwatig sa lalaki na susundin niya ito at ngumiti siya ng tipid senyales ng pasasalamat niya. Nang maka sakay na sa kotse si Kesha ay akala niya ay naka ligtas na siya subalit nagka mali siya. Nakita niyang may dalawang kotseng humabol sa kaniya. Kaya mas lalong binilisan niya ang pag mamaneho. Hindi alam ni Kesha kung saang lugar na siya. Basta patuloy parin siya sa pag mamaneho ng mabilis. pakanan pakaliwa ang pag mamaneho niya upang mailagan ang mga bala ng baril. Dahil patuloy parin sa pag papaulan ng putok ng baril ang mga kalaban na naka sunod sa kaniya. “Fvck!” mura niya ng mag pasabog ng bomba ang kalaban. Mabuti na lamang ay kumaliwa siya Hindi na bala ng baril ang humahabol sa kaniya kundi Granada na ang pina-pakawalan ng mga kalaban. Pa zig-zag ang pag mamaneho niya dahil kahit saan niya iliko ang sasakyan ay pinapasabugan ng mga kalaban. Binasag niya ang salamin ng sasakyan. At idinungaw ruon ang kaniyang kanang kamay upang mag paputok rin ng baril. Habang ang kaliwang kamay naman niya ang kumukontrol sa manibela. “Sh*t!” mura niya ng maubusan ng bala ang small gun niya. Kaya wala siyang nagawa kundi ang mag focus sa pag mamaneho at iwasan ang mga bala ng baril at bombang pinapakawalan ng mga kalaban. Napansin ni Kesha na one-way nalang ang kalsada at pang isahang kotse lamang ang makaka raan. nasa mataas na lugar iyon at hindi niya alam kung saan lupalop naba siya ng pilipinas napadpad. sa kaliwa ay nag tataasang mga bato at mga kahoy ang kaniyang nakikita at sa kanan naman ay isang napaka lalim na bangin. At matatanaw ang napaka lawak na karagatan. “Fvck!” muling mura niya ng makitang tumilapon ang salamin ng kotse at halos mabangga na siya sa malaking bato pagka tapos bungguin ng kalaban ang likod ng kotseng sinasakyan niya. Naka yuko lamang siya habang iniiwasang matamaan ng bata. “Fego” sambit niya sa pangalan ng nobyo. Dahil hindi niya alam kung makaka ligtas paba siya sa mga humahabol sa kaniya. Hindi niya alam kung makikita paba niya ang guwapong mukha ng nobyo. Ang kaninang pang hihina ng loob at kawalan ng pag-asa na kaniyang nadarama ay bigla na lamang nag laho at napa luha na lamang ang kaniyang mga mata at gumuhit ang ngiti sa kaniyang labi ng maka rinig siya sunod-sunod na pag papaulan ng bala mula sa itaas kasabay ng dalawang helicopter na bigla na lamang dumating mula sa himpapawid. “Fego, Babe” naka ngiting sambit ni Kesha ng makita niya ang kaniyang nobyo na pinapaulanan ng bala ang dalawang kotseng sumusunod sa kaniya. At dahil nasa Helicopter ang kaniyang pansin at kay Fego naka tuon ang kaniyang mga mata kaya naman ay nawala sa isip niyang nag mamaneho pala siya at hindi na niya napansin ang pag overtick ng kotse ng kalaban na nasa likod niya. Dahilan upang makabig niya pakanan ang manibela at huli na ng mapansing isa pala iyon malalim na bangin. At napa sigaw na lamang siya ng mahulog ang sinasakyan niya. “Kesha!” sigaw ni Fego nang makitang nahulog ang kotseng sinasakyan ng kaniyang nobya. At nanlaki na lamang ang kaniyang mata nang makitang bumagsak iyon sa dagat. “Kesha!” muling sigaw niya. At inalis ang belt na nasa katawan niya at walang pag dadalawang isip na tumalon siya sa napaka taas. Walang pakealam si Fego kahit gaano pa kapanganib ang ginawa niya. Ang mahalaga sa kaniya ay ang mailigtas si Kesha. Parang tinangay lamang ng hangin ang mga boses nina Romuel at Josef dahil hindi nila naagapan ang biglaang pag Talon ng kanilang kaibigan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD