NILANGOY ni Fego kung saan bumagsak ang kotseng sinakyan ng nobya. Nakita niyang napaka ilalim sa gawing iyon. At lumulubog pababa ang itim na kotse. Gusto mang languyin ni Fego hanggang ilalim nakita lamang niya si Kesha, subalit parang mabibiyak ang kaniyang ulo dahil sa sobrang sakit satwing pinipilit niyang languyin ang napaka lalim na dagat.
Hingal na hingal siya ng maihaon na niya ang kaniyang ulo sa ibabaw ng dagat matapos niyang bumalik mula sa malalim na pagkaka langoy.
“Kesha!” muling tawag niya sa pangalan ng Nobya. Subalit tanging ang ingay lamang ng Helicopter sa taas ang kaniyang naririnig.
Nakita niyang umiikot parin ang dalawang helicopter sa taas. At nang nakita siya nina Romuel at Josef ay hinulog ng mga ito ang hagdan na yari sa lubid.
Kahit kinakapos sa pag hinga ay pinaikot ni Fego ang kaniyang magka bilang braso sa pangalawang baitang ng lubid. Hindi niya kayang umakyat kaya naman hinayaan na lamang niyang tangayin siya pataas. Habang naka yakap ang kalahating katawan niya sa lubid.
Kina gabihan. Alas-Otso na nang gabi ay nasa tabing dagat parin ang grupo ng mga Apollo. Maging ang mga magulang ni Kesha at ang dalawang kapatid ni Fego ay naroon rin. Tanging si Jack lamang ang wala ruon, dahil ito ang nag babantay sa kanilang Abuwela
“Kuya Fego!” ani ng pamilyar na boses ang nag palingon sa binata.
“Zandra, bakit ka nandito? Dapat nag papahinga kana” mahina subalit nababakasan parin nang pag-alala ang boses ni Fego ng makita niya ang bunsong kapatid. Nag yakap sila ng mahigpit at hinagkan niya ang ulo ng kapatid dahil sobra-sobra rin siyang nag-alala dito.
“kuya basang-basa ka, mag palit ka muna mag kakasakit ka niyang” wika ni Anazandra nang mag humiwalay ito sa pagkaka yakap at hinawakan nito ang kaniyang pisngi
“Kuya, alam Kong wala kapang pahinga kayong lahat. Mag bihis ka muna tapos kumain tsaka tayo bumalik dito” nag-aalalang sabi ng babae.
Kahit sobrang lungkot at punong-puno ng pag aalala ang kalooban ni Fego para sa kaniyang nobya. ay gumuhit parin ang tipid na ngiti sa kaniyang labi dahil sa kalambingan at pinapadamang pag mamahal ng kaniyang bunsong kapatid.
“Don't worry, sweetheart kaya ko ang sarili ko. Gabi na kaya dapat nag papahinga kana dahil napagod Karin sa napaka raming nangyari ngayong araw. Lorence e uwi mona ang asawa mo, baka mahamugan pa” ani ni Fego at binalingan ang asawa ng kapatid.
Nang maka alis ang bunsong kapatid ay muling nag lakad si Fego at sinalubong ang mga taong nag tatrabaho upang hanapin ang kaniyang nobya.
“Boss, pumunta na kami sa apat na isla at sinisid na namin ang ilalim ng dagat. Ang nakita lang namin ay 'yung kotse Boss, naka bukas ang dalawang Pinto ng Kotse. At wala kaming nakitang tao ruon. Siguro ay naka labas na si Ms Kesha bago pa lumubog ang kotseng sinasakyan niya” wika ng lalaking naka suot ng kulay orange
“Please huwag kayong tumigil sa pag hahanap sa anak ko, please Felipe ang anak natin. Baka ano na nangyari sa anak natin” umiiyak na sabi ni Mrs Rona ang ina ni Kesha.
“lumalakas na ho ang alon Mrs, at napa balitang uulan rin mamayang Alas-diyes. Kaya bukas naho namin ipag papatuloy ang pag hahanap” ani naman ng isa pang lalaki
“No, please huwag niyo nang ipag pa bukas. Huwag kayong tumigil. Ang anak ko, Fego ang anak ko, hanapin niyo ang anak ko” hysterical nang sabi ng ginang habang naka kapit na ito sa braso ni Fego.
“Hindi po ako titigil Tita tito, hindi ako titigil hanggat hindi ko nahahanap si Kesha pinapangako” wika ni Fego at pilit pinapatatag ang kaniyang sarili sa harap ng mga ito. Kahit ang totoo ay gustong gusto na niyang umiyakat at lumusong ulit sa dagat upang hanapin ang babaeng mahal niya.
Mag hahating gabi na ay nasa tabing dagat parin si Fego, kasama sina Romuel at Jego. Umuwi narin ang iba paniyang mga kaibigan at mga kapatid dahil may mga anak at asawa ito na kailangan unahin at alam niyarin na pagod na pagod ang mga ito. Dahil kagaya niya ay wala pang pahinga ang mga ito mag mula pa kaninang umaga. Maging ang mga magulang ni Kesha ay pina uwi narin niya. At ilang beses niyang sinabihan ang dalawang kaibigan na hayaan na siyang mag-isa duon. Subalit tumanggi ang mga ito, ayaw ng mga ito na iwan siyang mag-isa duon. dahil baka ano paraw ang gawin niya at baka lumusong pa siya sa ilalim ng dagat kahit napaka dilim na.
“Mga Brad, may mga trabaho pa kayo, don't worry hindi ko gagawin iyang mga sinasabi niyo. Basta dito lang ako, alam kong hindi pa kayo nakaka uwi. Balikan niyo nalang ako dito kapag naka pag pahinga na kayo” walang emosyong sabi niya sa dalawang kaibigan.
“Na, ah aalis lang kamj dito kapag kasama ka namin. Mahirap na” naiiling na sabi ni Romuel at humiga pa ito sa buhangin.
“1- AM so dito nalang kami matutulog kung ayaw mong umuwi at mag pahinga kahit saglit Brad” saad ni Jego at naki higa narin tsaka yumakap pa ito kay Romuel.
Kahit problemado ay lihim na napa iling na lamang si Fego, dahil nag yakapan at nag lambingan pa ang dalawang loko-loko niyang kaibigan. Mabuti na lamang wala duon si Paulo kundi hindi matatahimik ang isip niya dahil maingay naman ang isang 'yon.
Ilang sandali lamang ay nilingon ni Fego ang dalawang kaibigan at hindi mapigilang mapa ngisi ng isang sulok ng labi niya dahil halos magka dikit na ang mga mukha ng mga ito. Magka yakap at magka patong ang mga binti ng mga ito. Kung hindi lang niya siguro mga kaibigan ang mga ito ay iisipin niyang mag syota ang dalawang lalaking natutulog na nasa tabi niya.
Naririnig paniya ang pag hihilik ni Jego matapos niyang pag masdan ang mga kaibigan na natutulog ay tsaka napag pasyahan na lamang niyang sumakay sa isang bangkang natanaw niya.
Wala pa siyang tulog at pahinga. At hindi niya magawang matulog sa ganung sitwasyon. Gayung hindi niya alam kung napaano na ang babaeng mahal niya. Kung naka ligtas ba ito o kung nasaan na ito.
tahimik niyang iniwan ang dalawang kaibigan na mahimbing nang naka tulog sa tabing dagat. Gamit ang bangka ay muli siyang nag punta sa lugar kung saan nahulog ang kotseng sinasakyan ni Kesha. Sobrang dilim parin sa buong paligid maging ang napaka lawak na karagatan ay napaka tahimik rin.
Nahiga siya sa bangka, at ng lumapat ang likod niya ay nuon lamang niya naramdaman ang matinding pagka pagod. Natuyo narin ang basang-basang kasuotan niya.
Sa kaniyang pag higa ay nakita niya ang napaka raming bituin at isa sa mga bituin na iyon ay nakikita niya ang mala anghel na mukha ni Kesha. ilang oras palang niya hindi nakikita ang nobya ay halos mawala na siya sa katinuan. Dahil sobrang namimiss niya ito at sobra rin siyang mag aalala kung nasaan na ito. Hindi siya maka pag isip ng maayos at hinding-hindi siya, magiging maayos hanggat hindi niya nakikita si Kesha.
Habang naka tingin siya sa mga bituin sa malawak na kalangitan binalikan niya 'yung mga masasayang ala-ala na kasama niya si Kesha. At kung paano siya nito kinulit maging sila lang. Nakaka tawa man isipin pero si Kesha ang nanligaw dahil torpe umano siya.
FLASHBACK
“Ang sungit-sungit mo talaga Fego my loves nako ingat-ingat sa pag susungit baka ma sungkit mo ako” naka ngiting banat ni Kesha.
Kasalukuyan naka tayo si Fego sa tabi ng malaking puno.Sa likod ng paaralan nila, duon ang laging tambayan nilang walong mag kakaibigan.
Habang hinihintay niya ang mga kaibigan niya ay may biglang nag salita sa itaas ng puno. Kaya gulat niya itong tiningala
Nagulat man ay hindi niya ipinahalata, dahil kahit nasasanay na siyang palagi siyang sinusundan ni Kesha ay naiilang parin siya dito. Siya ang lalaki pero siya ang nakaka ramdam ng pagka ilang
“bumaba ka d'yan baka mahulog ka” malamig niyang sabi habang hindi maka tingin sa babae, pano ba naman kasi naka palda lamang ito at walang suot na short sa loob kaya kitang-kita niya ang kulay pink na Hello-kitty nitong panty
“ayus lang sa'yo naman ako mahuhulog eh” muling banat ni Kesha. Kaya lihim na napapailing na lamang si Fego. dahil sa katigasan ng ulo nang babae
Grade Five palang ay kilala na niya si Kesha, nakilala niya ito dahil matalik itong kaibigan ni Cindy Willford ang kina huhumalingan ng bestfriend niyang si Mike Monteregno.
Unang pagka kilala palang niya kay Kesha ay napapansin na niyang may gusto ito sa kaniya. Hindi man nito tahasang sinasabi noong una. Pero nakikita naman niya sa mga kilos nito
Palagi siyang dinadalhan nito ng pagkain at kapag may basketball training naman sila ay palaging may naka handang pamunas ng pawis at tubig ang babae sa kaniya. Nag iiwan rin ito ng red rose sa ibabaw ng upuan niya at maging sa labas ng locker niya.
Napapansin niya rin na takot dito ang ibang kababaihan, lagi nito sinasabi na pag-aari siya nito. kaya wala ng ibang babaeng lumalapit sa kaniya. Dahil inaaway ni Kesha ang mga ito. Na lihim namang ikina tutuwa ng kalooban ni Fego
minsan ay nakakainis rin ito dahil sumusobra na ang pagiging possessive nito kahit hindi paman niya ito girlfriend. ilang beses niya itong pinag susungitan subalit talagang porsigido si Kesha na ligawan siya. Kaya hinayaan na lamang niya ito dahil iniisip ni Fego na mga bata pa sila at alam niyang mag babago rin ito at mapapagod.
Subalit mukhang nagka mali siya, dahil hanggang sa mag Highschool na sila ay mas lalo pa siyang dinikitan ni Kesha, halos hindi na siya nito hini-hiwalayan at dumating narin ang ika Eighteen Birthday ng dalaga. Siya ang napili nitong ika 18 roses. At sa araw ng kaarawan nito ay hindi niya inaasahan na muling mag tatapat sa kaniya si Kesha. Sinabi nito sa kaniya na mula pagka bata ay hindi nag bago ang feelings nito sa kaniya at mas lalo pa siya nitong minahal at minamahal ngayong mga binata at dalaga na sila. Sinabi rin ni Kesha na mag hihintay ito kung kailan handa na siyang sagutin ito.
Likas na torpe at hindi pala salita si Fego, tanging mga kaibigan lamang niya ang kinakausap niya sa school nila. Kaya hiyang hiya siya dahil sa pag tatapat muli sa kaniya ni Kesha.
At nang may manligaw sa dalaga ay duon lamang na realize ni Fego na hindi pala niya kayang makitang may ibang kasamang lalaki si Kesha. Hindi niya kayang isipin na mapupunta ito sa iba.
Kaya sa araw ng graduation nila ay sinagot ni Fego si Kesha.. Mas lalong napa tunayan na ni Fego ang labis na pag mamahal sa kaniya nang dalaga dahil nang malaman nitong isa siyang secret mafia ay pumasok rin ito sa organization at dahil matalik itong kaibigan ng Mafia Queen kaya lahat ng dapat matutunan ay itinuro nito lahat kay Kesha
END OF FLASHBACK
Siya ang dahilan kung bakit pumasok sa Mafia World si Kesha, kung bakit pinasok nito ang napaka mapa nganib na trabaho. Kahit ang totoong hilig nito ay ang pag momodelo
Naalala niya nung gabing mag solo sa runaway model si Kesha sa London. Lahat ng pag hihirap nito sa panliligaw nito sa kaniya nung mga bata pa sila at sa 28 birthday nito ay pinag handaan talaga niya kung paano niya ito mapapasaya at masusupresa sa gabi na iyon.
Alam ni Fego na hinihintay lamang ni Kesha kung kailan siya magiging handang yayain ito mag pakasal. Dahil nakikita niya rin satwing kinakasal ang mga kaibigan nila ay nababanaag niya ang inggit sa mga mata ng kaniyang nobya.
Kaya sa araw ng kaarawan nito at sa araw ng Modeling nito ay nag propose siya ng kasal sa harap ng napaka raming tao at live sa buong bansa.
“Kesha, nasa'an kana Babe” malungkot na sabi ni Fego at hindi na niya namalayan ang mga luhang dumaloy sa gilid ng mga mata niya. Habang ang kaniyang tingin ay nakatutok lamang sa mga bituin na animoy nakikita niya ruon ang napaka gandang mukha ni Kesha.