CHAPTER 6

1978 Words
“Whoooo! Aron, wala ka parin ka kupas-kupas Pare. akala ko matatalo na kita dahil Four years kang namahinga sa pag su-surfing” naiiling na sabi ni Theo, ang kaibigang matalik ng isang sikat na magaling na Surfer sa pilipinas, si Aron Mutilibano isang bakasyunista sa lugar ng Siargao Kasalukuyang nag papatangay sa alon ang dalawang binata, habang parehong naka dapa ang mga ito sa surfboard at dinadama ang nag sisimulang init ng araw. Dahil alasyete narin ng umaga Mahinang tumawa si Aron, habang may mayabang na ngisi sa labi nito “masyado kang assuming sa part na'yun Pare, remember wala pang nakaka talo saakin” mayabang na sabi nito. “ tsssk, whatever bumalik na tayo baka nagising narin ang bebot ko” wika ng kaibigan at tukoy nito sa babaeng naka sama nito kagabi “ tssk nag mumukha ka ng p*ssy g*go!” naiiling habang naka ngising saad ni Aron. Habang naka dapa sa surfboard si Aron at nilalangoy niya ang kaniyang magka bilang braso at pinapakinggan lamang ang kadaldalan ng kaniyang kaibigan. Dahil kinukuwento nito sa kaniya kung gaano kagaling sa kama 'yung babaeng naka sama nito kagabi. At habang nakikinig ay nasa tubig naman ang kaniyang mga mata. Subalit bigla siyang napa kunot-nuo dahil may natanaw siyang palutang-lutang sa tubig. Hindi niya alam kung ano iyon, dahil kulay itim ang natatanaw niya at may kalayuan rin iyon at dahil sa kaniyang curiosity ay mas binilisan paniya ang pag langoy ng kaniyang mga kamay. Kaya naiwan niya ang kaibigan “aba! Madaya ka Aron, hindi mo sinabi na—hala! Ano 'yan?” ani ng kaibigan at nagulat ito nang matanaw nito kung saan papunta si Aron. Kaya kaagad rin sumunod si Theo. “Pare, tao. Tao pare!” gulat na sabi ni Aron. Nang malapitan nito ang kaniyang nakita. Ang kulay itim pala na natatanaw niya kanina ay isang ulo pala ng babae. “what? Tao nasa—sh*t! Ano 'yan Aron? Sh*t pare!. Ano 'yan Serena? D*mn totoo palang magaganda ang Sere— “G*go! Anong pinag sasabi mong Serena, may nakikita kabang buntot Theo?” ani ni Aron sa kaibigan “Eh anong—Fvck! Patay ba 'yan?, pare Patay! 'yan sh*t umalis na tayo dito. Baka tayo pa ang sumabit nito” saad ni Theo “G*go napaka OA mona Theo ha. Parang Hindi ka lalaki ah” iritadong sabi ni Aron sa kaibigan at hinila sa braso ang palutang-lutang na katawan. Hindi panito nakikita ang muhka nito dahil natatabunan ng buhok ang kalahating mukha nito. Pero sigurado siyang babae ito dahil naka panty bra lamang ito. At hindi naman ito mukhang bakla dahil babaeng babae ang balat at katawan nito. “Aron, anong gagawin mo d'yan? Patay na iyan Pare. Sh*t baka— “Tumahimik kanga Theo. Hindi pa siya patay, siguro nalunod lang ito. Kaya kailangan natin siyang tulungan. Buhay pa siya” wika ni Aron ng hawakan nito ang pulsuhan ng babae. At idinikit niya rin ang tenga niya sa bandang dibdib ng babae upang pakinggan ang heartbeat nito “Hoy! Akala koba tutulungan mo 'yan, mukhang iba na 'yan eh— “tumahimik kanga Theo! Ang dumi talaga ng utak mo g*go” saad ni Aron at bumaba siya tubig upang buhatin pataas ang babae para maisakay ito sa surfboard niya. “Sh*t may sugat siya!” gulat na bulalas ni Theo ng makita nito ang sugat ng babae. Matapos mapahiga ni Aron ang babae sa surfboard nito. At hindi iyon napansin ng binata “Sh*t hindi basta sugat! Mukhang tama ng baril” wika ulit ni Theo. “Fvck, mas lalong kailangan pala nating bilisan, baka tuluyan siyang malagutan ng hininga” tarantang sabi ni Aron. At kumapit sa Surfboard ng kaibigan. habang ang isang braso naman niya ay humihila sa kaniyang surfboard At nang maka rating sila sa dalampasigan ay kaagad binuhat ni Aron ang walang Malay na babae at mabilis na dinala sa pinaka malapit na pagamutan sa lugar na iyon.. Samantala sa kabilang dako naman ay naka hinga ng maayos sina Romuel at Jego. Matapos nilang makita si Fego na kakabalik lamang. Pagka gising ng mga ito, ay nagulat pa ang dalawa dahil sobrang magka lapit ang mga mukha ng mga ito at konting konti na lamang ay mahahalikan na nila ang isa't-isa. Kaya todo ang murahan nilang dalawa pagka tapos ay binatukan pa nila ang isa't-isa. Subalit natigil lamang ang dalawang mag kaibigan nang mapansing wala na sa tabi nila si Fego. Nag sisihan pa ang mga ito, kung bakit umano naka tulog sila ruon. imbis na damayan at bantayan nila si Fego ay tinulugan pa umano nila ito. “fvck! Brad, where have you been?” ani ni Romuel at tinapik pa nito sa braso si Fego “Oo nga brad, saan ka galing? Akala nami— “nasa bangka lang ako, hindi paba dumarating ang mga coast guard? ” walang emosyong saad ni Fego. Wala parin siyang tulog, kaya napaka lamig ng expression ng mga mata niya. At magdamag iyon lumuha, maging ang kaniyang ulo't-isipan ay wala paring pahinga kakaisip kung nasaan na si Kesha, kung ano na ang naging lagay nito? At lihim siyang nag darasal na sana ay naka ligtas ito at hindi Malala ang naging lagay nito. iniisip paniyang nahihirapan si Kesha ay parang dinidikdik ng pinong-pino ang kaniyang puso. “kararating lang nila. Kinuha pa nila ang ibang mga gagamitin nila sa pag sisid sa ilalim ng dagat” tugon ni Jego. “morning, mukhang hindi na kayo umuwi ah” wika ni Kiel, nang mapansin nitong iyon parin ang suot ng tatlo mula pa kahapon. Kasunod nitong dumating ang apat pang mga kaibigan na sina Josef, Mike, Sebastian at Paulo “itong isa, walang balak na umuwi o mag palit man lang kaya binantayan na namin. Mababait kasi kami” wika ni Jego “Pero nagugutom na ako, hindi pa pala tayo kumakain mula pa kahapon” naka ngiwing saad ni Romuel, matapos tumunog ng malakas ang kaniyang tiyan. Senyales na kailangan na niyang lumamon dahil nagugutom na ang mga alaga nito sa tiyan. “tsssk, anong ikina ganda ng ginawa niyo?” ani ni Sebastian, habang naiiling na lamang. Wala pang benti-kwatro oras ay nararamdaman na ni Fego ang napaka tinding Depression. hindi niya matanggap na sa araw pa mismo ng kasal nila nangyari ang matinding pag subok na iyon sa buhay niya. Apat na araw ang lumipas, kasalukuyang nag-uusap ang mag kaibigan na sina Theo at Aron habang nasa kusina ang mga ito. Dahil ipinag hahanda ni Aron ang babaeng natagpuan nila. “Pare, sigurado kabang wala kang balak ereport or ibalik ang babae na 'yon?” pag uusisa ni Theo “Bella ang pangalan niya pare Bella okey, tsaka hindi pa sa ngayon. Wala pa siyang ma alala so saakin muna siya” wika ni Aron pagka tapos ay tinikman niya ang ginawa niyang lugaw para sa babae Kahapon lamang nagising ang babaeng tinulungan nila. At hindi pa iyon naireport ng dalawa ang tungkol sa nahanap nilang babae. Dinala nila ito sa pagamutan at lumabas na lamang sa bibig ni Aron na girlfriend niya ang babaeng natagpuan nila. At nang magising ito ay wala itong ma alala kaya mas lalong dinagdagan ni Aron ang kaniyang kasinungalingan. Nag pakilala siya sa babae na boyfriend umano siya nito at sinabing Bella ang pangalan nito. Nung unang mapag masdan ni Aron ang magandang mukha ng babae ay sobrang nabighani siya dito. Manghang-mangha siya kakaibang taglay nitong ganda. Para itong natutulog na anghel, napaka amo ng mukha nito, matataas na animoy isang alon ang ganda ng pilik mata nito. Maliit subalig napaka tangos ng ilong nito maging ang mga labi nito ay manipis at kulay rosas iyon. Ang mga kilay nito ay natural na makapal at maganda rin ang pagkaka kurba na animoy igunuhit ng isang magaling na pintor. Mestisa ang babae, napaka kinis at napaka lambot ng balat nito na kay sarap hawakan. Kulay mais naman ang buhok nito na hanggang balikat. Kaya hindi tuloy nila alam noong una kung Pilipina ba ito o foreigner. Kaya nang magising ang babae ay mas lalo pang namangha si Aron ng makita niya ang mala choccolateng mga mata ng dalaga. Napaka ganda talaga nito, Kung napaka amo ng mukha nito kapag natutulog ay magka iba naman kapag gising ito dahil napaka tapang ng mga mata nito at hindi ito makikitaan ng pagka inosente dahil napaka tapang ng mukha nito kapag gising. “look Pare, hindi tama 'yang disisyon mo at isa pa paano kung malaman ni Meranda na may itinatago kang babae dito sa penthouse mo” ani ulit ng kaibigan, kaya tinignan ni Aron ito ng masama. “puwede ba Theo, kung ayaw mo akong suportahan manahimik ka nalang. At hindi malalaman ni Meranda kung ititikom mo'yang bibig mo” naiinis na sabi ni Aron sa kaibigan. “okey,okey do it what ever you want. kung ganoon hindi kana talaga mag papa pigil tsss, poor lady, so hanggang kailan mo 'yan itagago dito?” naiiling saad ni Theo “Hanggat gusto ko, at gusto kopa siyang kilalanin” balewalang sagot ni Aron at nilagay na sa mangkok ang lugar na ginawa nito. “pero para napaka familiar ni Bella parang nakita kona siya. Hindi ko alam kung saan basta sigurado akong nakita kona siya” ani ni Theo. “basta 'yung sekreto natin. Wala kang nakita at wala kang nalalaman, nag kakaintindihan ba tayo Theo” seryosong saad ni Aron sa kaibigan. “chill pare, sa'yo lang. Hindi saakin don't worry safe ang sekreto mo” tugon nito Akmang bubuhatin na sana ni Aron ang tray ng pagkain nang biglang may mag flash sa television. Na kanina pang hindi napapansin ng dalawa na naka bukas pala ang tv sa kusina. “Flash Report! Kasalukuyan parin hinahanap ng pamilya Yien-Gomez at Del Castro ang Famous Fashion model at nag-iisang anak ng Rona's Company na si Ms Kesha Del Castro. Apat na araw nang pinag hahanap ang multi-billionaire heiress matapos umanong dukutin sa araw ng kasal nito sa business tycoon at famous car racer na si Mr Fego Yien-Gomez” Halos matulos sa kina tatayuan sina Theo at Aron. Matapos makita ng mga ito ang magandang larawan ng babaeng tinulungan nila sa television. Maging ang larawan ng nobyo nito na nag nga-ngalang Fego ay ipinakita rin. Marami pang sibabi at ipinakita ang reporter sa television subalit halos hindi na marinig lahag iyon ni Aron. Hindi maka paniwala ang dalawa na napaka yaman at hindi pala basta-bastang tao ang babaeng nasa puder nila ngayon at pinangalan pa nilang Bella. “Fvck! Kaya pala napaka Familiar niya saakin. Dahil palagi siyang napapa balita at lamang rin ng magazine. Wait sandali meron akong naitago dito kapon kulang iyon nakita” ani ni Theo at pumitik pa ito sa ere matapos ng may maalala ito. Dali-dali itong may kinuha sa lagayan ng mga Magazine pagka tapos ay ilang sandali lamang ay may hawak na ito at patapon nitong ipinakita sa kaniya sa ibabaw ng lamesa. “oh diba pare siya 'yan? Kesha pala ang pangalan niya, beautiful name kasing ganda niya huh” wika ni Theo sabay turo sa larawan ng isang babaeng naka suot ng napaka gandang dress na kulay purple. Tinitigan iyon ni Aron at talagang manghang-mangha siya dahil kahit napaka seryoso ng mukha ng babae sa magazine ay hindi parin maipag kakailang nakaka bighani ang kagandahan nito. “Pare, kilala na natin kung sino siya. Ano itutuloy mopa ba ang gusto mong— Hindi na naituloy ni Theo ang kaniyang sasabihin at dali-daling pinatay ang television ng marinig nila ang papalapit na boses ni Bella “Aron nand'yan kaba?” paos ang boses na sabi ng babae “o-oo su–sweetheart nandito ako” nauutal na tugon ni Aron at tinignan ng masama ang kaibigan upang ipahiwatig na manahimik ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD