“Bella, gusto mobang sumama saakin sa Leyte? Babalik na ako sa amin mamayang hapon?” wika ni Aron sa babaeng kaharap niya habang kumakain sila ng pananghalian
“hmm hindi ba sinabi mong wala na akong pamilya, kung aalis ka maiiwan ako dito mag-isa at diba sabi mo boyfriend kita? So bakit mo ako iiwan dito sa Siargao?” seryosong saad ng babae.
“hindi ko naman sinabing iiwan kita dito, tinatanong lang kita sweetheart kung gusto mobang sumama” tugon ng lalaki sabay hawak sa isang kamay ng dalaga.
Bigla naman naka ramdam ng inis ang dalaga kaya kaagad niyang binawi ang kaniyang kamay. Kahit sinasabi sa kaniya ni Aron na girlfriend siya nito at boyfriend niya ito. Ay nakaka ramdam ng inis si Bella satwing hahawakan ng lalaki ang kaniyang kamay o ang kaniyang mukha.
“hmm sige sasama na ako, ayaw ko namang mag paiwan dito mag-isa tsaka walang gagamot ng sugat ko” saad ng dalaga na ikina ngiti ng kaharap.
Matapos kumain ng dalawa ay nag handa na ang mga ito sa pag aayos ng kanilang mga gamit. Konti lang ang gamit ng Dalaga dahil konti lang din ang pinamili ni Aron para dito.
isasama ni Aron ang dalaga sa lugar na alam niyang walang makaka kilala dito. Liblib ang isang bahay niya sa Leyte. Malayo sa kabahayan at nasa gitna iyon ng malawak na pananiman ng palay. At iniiwasan niya rin na nakita ito ni Meranda dahil alam niyang kung gaano kasama ang ugali ng totoong nobya niya.
Si Meranda ang totoong girlfriend ni Aron. Meron siyang isang anak dito. Kaya kahit gusto ng iwasan at iwan ni Aron ang babae ay hindi niya magawa dahil hawak nito ang kaniyang anak.
Kasalukuyan nang nasa biyahe ang dalawa. Malalim parin ang iniisip ni Aron dahil, hindi niya alam kung paano niya pangi-ngitiin ang babaeng kasama niya. Mag mula ng magka Malay ito ay hindi paniya nakitang ngumiti ang babae. Napaka seryoso ng mukha nito, ang mga mata nito ay animoy isang ice dahil sa sobrang lamig. Sa larawan niya lang nakitang naka ngiti ang babae matapos niyang mabalitaan kung sino talaga ang babaeng kasama niya ngayon ay mas lalo siyang nag research tungkol dito.
Subalit piling-pili lang ang mga ipormasyon na nakita at nalaman niya. Maging ang tungkol sa nobyo nito na nag nga-ngalang Fego ay inalam niya rin. Subalit ganoon parin, piling-pili lang din ang lumalabas na information.
Habang si Bella naman ay nalunod rin mula sa malalim na pag-iisip, nakaka sigurado siyang nag sisinungaling si Aron. Dahil nababasa niya iyon sa mga mata at kilos ng lalaki
Hindi alam ni Bella kung bakit, napaka talas at lakas ng pandama niya. Pakiramdam niya ay ibang tao si Aron. Kapag hinahawakan siya nito ay nakaka ramdam siya ng galit o inis. Kapag tinititigan niya ito sa mga mata nito ay wala siyang mabasang pag mamahal duon at wala rin siyang nararamdaman sa binata. Samantala boyfriend umano niya ito
Humingi siya ng ilang bagay tungkol sa kaniya subalit pinakita lamang nito ang mga larawan niya. At wala itong maipakitang larawan nilang dalawa. At Satwing mag tatanong siya tungkol sa pagka tao niya ay umiiwas ito at iniiba nito ang uspan.
'sino kaba talaga Aron? Totoo ba talagang boyfriend kita, bakit wala akong maramdaman sa'yo maliban sa inis' wika ng kalooban ni Bella.
Habang nag mamasid siya sa kanilang nadaraan nang may makita siyang nag titinda ng pakwan ay bigla siyang natakam sa napaka pulang pakwan na iyon. Kaya kaagad niyang binalingan si Aron upang pahintuin ito sa pag mamaneho.
“Aron, gusto ko nun please puwede moba akong ibili nang pakwan” wika ni Bella. Bigla namang natigilan si Aron ng balingan niya ang dalaga at naihinto niya ang pag mamaneho. Parang nag slow-motion ang ganda ng babae sa kaniyang paningin nang makita niya ang kasiyahan sa mga mata nito.
“Aron, gusto ko ng pakwan” wika ulit ni Bella kaya nagising mula sa pag kakatulala ang binata
“ah ha? Anong sabi mo Sweetheart?”
“ang sabi ko gusto ko ng pakwan, please bumaba kana. Gusto kona talagang maka kain ng pakwan” wika ng ddalaga. At lihim na namang napa ngiwi dahil sa pag tawag sa kaniya ng lalaki nang sweetheart
Lingid sa kaalaman ng dalawa ay meron isang kulay pulang kotse na kanina pa sumusunod sa kanila. At kanina pa nang gagalaiti sa galit. Matapos nito makitang may ibang kasamang babae ang kaniyang nobyo.
Samantala lasing na lasing na naman si Fego nang maka pasok siya sa loob ng bahay nilang dalawa ni Kesha. Oo bahay nilang dalawa, dahil anim na taon na silang nag sasama sa iisang bubong ng kaniyang nobya.
Ang malaking bahay na iyon ang regalo niya kay Kesha nung ika Five Year anniversary nilang mag-kasintahan
Wala namang pag tutol ang mga magulang ni Kesha ganun rin ang kaniyang abuwela sa pag li-live-in partner nila sa bahay na iyon.
Napaka perpekto nang kanilang relasyon araw-gabi nilang pinag sasaluhan ang init ng kanilang pag mamahalan sa bahay naiyon. Mabibilang lang din ni Fego sa kaniyang daliri kung ilang beses lang sila nag away ni Kesha. Satwing mag tatalo sila ng nobya ay wala pang isang oras ay nag kakaayos na naman sila.
Napaka smooth lang ng relasyon nila at kasal nalang din ang kulang sa kanila ang akala nilang napaka sayang araw na, dahil sa wakas ay maiikakasal narin sila at mabigyan ng basbas ng simbahan ang relasyon nila. Subalit ipinag kait pa iyon ng kapalaran sa kanila.
Padapang ibinagsak ni Fego ang kaniyang katawan sa malambot na kama at kinuha ang unan na laging ginagamit ni Kesha tsaka iyon niyakap ng mahigpit at muli na naman siyang napaluha.
“I miss you, i miss you so much Kesha” lasing na sabi ni Fego habang umiiyak na at mas lalong isiniksik ang kaniyang mukha sa unan ng babaeng mahal niya.
Kina umagahan, nagising si Bella dahil sa sinag ng araw na tumatama sa kaniyang mukha.
Pag mulat niya ng kaniyang mata ay nasa loob na siya ng isang bahay na yari lahat sa kawayan. Maging bubong ay yari sa dahon ng niyog. Napaka lamig sa mata ang disenyo ng bahay kahit napaka simple ay mukhang kaisarap duon tumira. Hindi niya namalayan ang pag dating nila sa lugar na iyon dahil naka tulog na siya sa kotse ng lalaki at marahil ay binuhat siya ni Aron patungo sa kamang kina hihigaan niya ngayon.
“Good morning, sweetheart bumangon kana. Nag handa narin ako nang pag kain mo sa lamesa” naka ngiting wika ni Aron ng maka pasok ito ng kwarto. Lumapit ito sa dalaga at hinagkan nito sa nuo ang bagong gising na dalaga.
Lihim na naman napa ismid ang babae, dahil hindi parin siya nasasanay satwing hahagkan siya ni Aron sa nuo o sa pisngi. Kaya satwing mag babalak itong hagkan siya sa labi ay kaagad na siyang umiiwas.
“Aalis ka?” saad ng dalaga ng mapansing nag susuot ng sapatos si Aron
“Oo sweetheart, may kikitain lang akong isang mahalagang kaibigan siguro gagabihin na ako ng uwi kaya huwag mona ako hintayin. May gusto kabang ipa bili?” wika ni Aron at inaayos naman nito ang suot nitong kulay itim na Polo
Pero ang totoo niyan ay pupunta siya sa bahay ni Meranda upang kunin ang kaniyang anak. Dahil tumawag sa kaniya kagabi si Meranda habang nasa biyahe palamang sila at natutulog na si Bella kaya Malaya niyang naka usap sa kabilang linya ang totoong nobya niya
At sinabi sa kaniya ng babae na pupunta umano ito sa hongkong at uuwi rin bukas, subalit iiwan nito ang kanilang anak sa pangangalaga ng yaya nito. Kaya pagkaka taon na iyon ni Aron upang kunin ang kaniyang anak. At dadalhin niya sa bahay na iyon kung saan niya dinala si Bella o Kesha.
ilalayo niya ang kaniyang anak at gusto niyang si Bella ang kilalanin nitong ina dahil tatlong taon gulang palamang ang kaniyang anak.
Subalit lingid sa kaalaman ni Aron ay nasa malayo lamang si Meranda at hinihintay lamang nitong maka alis siya. dahil meron itong masamang plano para sa babae nito at upang iwanan ng lalaki ang babaeng kinakasama nito.