CHAPTER 9

1847 Words
“Inay ano kayang nangyari sa kaniya? Kawawa naman” ani nang isang hindi pamilyar na boses ng babae ang naulinigan ni Bella. Dahan-dahan niyang idinilat ang kaniyang mga mata at hindi paman gaanong nakaka dilat ay kaagad na siyang napa kunot-nuo. Dahil may dalawang mukha ng Tao ang kaniyang nakikita. At hindi niya kilala ang mga ito “Ah— Natigil sa akmang pag sasalita si Bella, dahil biglang kumirot ang kaniyang mukha. Kaya mas lalo siyang nag taka Nag tataka siya kung nasa'an siya, kung anong nangyari sa kaniya, kung bakit napaka hapdi at kirot ng kaniyang mukha. At kung bakit siya nagising sa hindi pamilyar na silid at kung sino ang dalawang babaeng nasa harapan niya. “inay nagising na siya” wika ng isang dalagita, kung titignan ay nasa eighteen pataas na ito, kayumanggi ang balat at napaka kintab ng mahaba at maitim nitong buhok Dumako naman ang tingin ni Bella sa isang babaeng katabi ng dalagita. May salamin ito sa mata at kung titignan ay hindi nalalayo sa Trenta pataas ang edad nito. “Huwag ka munang mag salita iha, nilagyan ko ng dinikdik na dahon ng bayabas ang mga sugat mo. Apple anak, kunin monga 'yung straw na hindi Pa nagamit d'yan sa lagayan ng mga baso. At mag dala ka na rin ng isang basong tubig para sa kaniya anak” wika ng ginang sa dalagitang katabi nito. “Opo Nay” tugon ng dalagita at umalis na sa kina tatayuan nito. Napansin ng ginang ang pag tataka at pagkalito sa mga mata ni Bella kaya nag salita ito. Dahilan upang mapa tingin si Bella sa ginang na nasa gilid ng kamang kina hihigaan niya. “ako si Mari, at iyong dalagitang kasama ko dito kanina ay Anak ko si Apple. Nakita ka namin sa gilid ng kalsadang walang Malay habang nag dudugo at nilalangaw ang preskong sugat mo sa mukha. Wala kaming sapat na halaga iha pampa hospital, kaya dinala ka nalang namin dito sa bahay namin at ako na ang gumamot sa sugat mo” sagot ng ginang sa mga katanungang gumugulo sa isip ni Bella. Buhat sa narinig ay napa pikit siya at inalala ang mga nangyari mula pa kaninang umaga. Tanging na-aalala lamang niya ay ang pag tapon ng isang babaeng nang likido sa kaniyang mukha at nag pakilalang fiancee umano ni Aron. At hanggang duon lamang ang na-aalala niya. Hindi na niya maalala ang iba pang nangyari. Kung bakit siya hinimatay sa tabi ng daan at kung paano siya naka labas ng bahay ni Aron. “Inay eto na ho” magalang na sabi ng dalagitang kakalapit lamang. Dala-dala nito ang isang basong tubig at may plastics straw na naka patong ruon. “alam kong nauuhaw ka iha, dahil hapon na at napaka init kanina sa labas nung makita ka namin” wika ng ginang at inilapit sa bibig niya ang staw. Kaagad naman kumilos ang bibig ni Bella dahil tama ang ginang. Sobrang uhaw na uhaw nanga siya at gutom na gutom narin. Naalala niyang hindi pa pala siya naka pag almusal kanina. At ngayon ay hapon na ay wala parin lamang ang tiyan niya. Saglit siyang naginhawaan nang matapos siyang maka inom ng tubig. Pagka tapos ay bumuka ang bibig niya upang mag salita. Kahit kumikirot ang sugat niya sa mukha ay tiniis parin niya “na–nagugutom ho a–ako” mahinang sabi niya sapat lang upang marinig ng dalawa Samantala madilik na ang buong paligid nang maka balik si Aron, buhat-buhat niya sa kabilang braso niya ang tatlong taon gulang na anak. Habang ang isang kamay naman niya ay naka hawak sa kaniyang Cellphone upang mag silbing flashlight niya. Kumunot ang kaniyang nuo at inikot ang kaniyang tingin sa buong paligid. Nag tataka siya kung bakit wala siyang makitang bahay. Alam niyang hindi siya naliligaw dahil pag mamay-ari niya lahat ng lupain sa bariyo na iyon. Kaya nakaka pag taka kung bakit hindi niya makita ang nag-iisang bahay niya doon. Bumuntong hininga muna si Aron at ibinalik sa loob ng kotse ang natutulog niyang anak. Pagka tapos niyang maihiga sa backseat ang kaniyang anak, ay muli siyang nag lakad patungo sa lupang kina titirikan ng bahay niya. Subalit ganuon na lamang ang laking gulat niya at lihim na napa mura kasabay ng kaniyang pag singhap. Matapos niyang makita sa kaniyang harapan ang naiwang Abo ng kaniyang bahay. Subalit ang labis na ikina gulat at ikina tahip ng kaba niya sa kaniyang dibdib. Nang makita ng dalawang mata niya ang isang sunog na katawan ng tao. At sa isiping si Bella ang taong nasunog na iyon ay pinag pawisan siya ng malapot. At dali-dali siyang tumalikod at tinawagan ang kaniyang matalik na kaibigan “Theo, I need your help, pumunta ka ngayon dito at mag padala ka ng ilang tauhan” agad na sabi ni Aron matapos sagutin ng nasa kabilang linya ang tawag. “bakit Pare, anong problema— “nasunog ang bahay ko, I don't know why, umalis ako kaninang umaga para kunin ang anak ko at pag balik ko naging abo na ang bahay ko. Walang natira Pare, at pati si Bella ay kasama sa nasunog. Hindi ko alam gagawin ko sa bangkay niya. Kaya pumunta kana dito!” problemadong saad ni Aron at napa hilamos na lamang ng sariling palad Madilim at tanging flashlight lamang na nag mumula sa Cellphone niya ang nag sisilbing ilaw niya sa gabi na iyon. Lihim rin na napa mura si Aron dahil naging mabagal siya at nang hinayang dahil. Namatay na si Bella ay hindi paniya natitikman ang alindog nito maging ang nakaka manghang kagandahan nito ay hindi paniya nahawakan ng matagal at pinag sawaang titigan. Alam niyang nagulat ang kaniyang kaibigan kaya hindi agad ito naka pag salita. Subalit hindi na niya hinintay ang tugon nito dahil pinatay na kaagad niya ang tawag at nag lakad na siya pabalik sa kaniyang kotse. Dalawang buwan ang lumipas. Gulat na gulat at nanlaki ang mga mata ni Bella ng makita niya ang naging resulta ng pregnancy test niya. Natutop narin niya ang kaniyang bibig sa labis na pagka gulat. May dalawang kulay pulang naka guhit at iyon ang resultang nag dadalang tao nga siya. mahigit dalawang buwan na niyang hindi pinapansin ang palaging pag susuka at pagka hilo niya. Dahil iniisip niyang dulot lamang ng stress o pagod kaya lagi siya nakaka ramdam ng kakaiba. Subalit hindi pinag sawalang bahala ni Apple ang kaniyang mga dahilan. Bagkus ay binilihan pa siya nito ng limang pirasong Pregnancy test at lahat ng iyon ay pare-pareho ang resula. Buntis nga siya Ngayon ay mas lalo siyang naguluhan sa kaniyang sitwasyon. Hindi niya alam kung si Aron ba ang ama ng kaniyang pinag bubuntis. Gayung wala naman siyang nararamdaman sa lalaki at mag mula ng magising siya at sabihin sa kaniya ni Aron na girlfriend siya nito ay nakaka pag takang nasa iisang bahay nga sila, subalit ni minsan ay hindi paniya naka sama o naka tabi man lang si Aron sa iisang kama .. Kaya naguguluhan siya kung sino ngaba ang ama ng anak niya dahil may pakiramdam siyang hindi si Aron “Buntis kanga Bella” nanlalaking matang saad ni Apple. Matapos niyang maipakita dito ang limang pregnancy test Mag mula ng tulungan siya ng mag-inang Mari at Apple ay sinabi rin sakaniya ng mga ito na duon muna siya tumira hanggang hindi pa tuluyan bumabalik lahat ng memorya niya. Kaya naman laking pasasalamat niya dahil sa Kabila ng kaniyang sitwasyon ay napaka buti parin ng mga ito sa kaniya. Tinututing siyang anak ni Aling Mari at tinuturing naman siyang nakaka tandang kapatid ni Apple “Anong Plano mo? Sasabihin moba dun sa Ex boyfriend mong si Aron ang tungkol d'yan sa pinag bubuntis mo? ” wika ni Apple, naikwento niya dito ang tungkol kay Aron. Maging ang tungkol sa babaeng tumapon sa mukha niya ng asido at maging ang tungkol sa pagiging ama ni Aron sa anak nito kay Meranda. “hindi ko alam Apple, may kutob akong hindi si Aron ang ama ng pinag bubuntis ko.” sagot niya na ikina kunot-nuo nito. “anong ibig mong sabihin? May naka relasyon ka maliban kay Aron?” Umiling siya tsaka bumuntong hininga. “hindi ko alam Apple, wala akong maalala kaya hindi ko alam. Pero malakas ang kutob kong may kaugnayan sa naka raan ko ang singsing na ito at marahil siya ang ama ng anak ko. Kung sino man ang nag bigay saakin nito.” saad niya at ang tinutukoy ay ang diamond ring na nasa pala-singsingan niya “Ilang beses kong tinanong si Aron tungkol sa singsing na ito. Pero lahat ng sagot niya ay mag kakaiba, pabago bago ang nagiging sagot niya kaya alam kong nag sisinungaling siya. Kaya nagka hinala akong baka hindi ko naman talaga siya boyfriend, dahil napaka layo ng loob ko sa kaniya.” pag papatuloy niya Lumipas ang maraming araw, buwan at hanggang sa sumapit ang apat na taon na pamamalagi ni Bella sa tahanan ng mag-ina na tinuring na niyang pamilya. Naging maayos ang simpleng buhay ni Bella kasama ang mga ito maging ang kaniyang napaka ganda at napaka kulit na anak na babae na pinangalanan niyang Precious Ella. Tatlong taon gulang na ang kaniyang anak ay talagang nakaka mangha ang katalinuan nito. Dahil napaka bata pa lamang ay daig pa nito ang isang Sampung taon na bata. Napaka daldal ng kaniyang anak kahit nabubulol pa ito, nakikitaan rin ng pagiging kikay at kamalditahan satwing meron itong kina iinisan. Marami sa lugar nila ang kina gigiliwan ang kaniyang anak at sinasabi pa ng marami na baka anak umano ng isang Foreigner si Precious. Dahil napaka puti nito at kulay abo ang mga mata nito at ang kulot kulot nitong buhok na hanggang balikat ay kulay brown Sa dumaan na ilang taon. Ay nag papasalamat talaga siya dahil hindi parin madamot sa kaniya ang kapalaran sa Kabila nang pagka sunog ng kaniyang mukha. Nasasanay narin siyang sinasabihan ng pangit nang ilang katrabaho niya o ng ibang mga taong nakikilala na niya Kasalukuyan nang nag tatrabaho si Bella bilang isang Janitress sa kilalang beach resort sa Samar Leyte na kung tawagin ay Kesha's Beach Resort Naka pasok siya roon dahil narin sa tulong ni Apple, manliligaw umano nito ang bagong namamahala sa resort na iyon kaya nilakad siya ni Apple upang maka pason ruon. Habang ang kaniyang anak naman ay paminsan minsang tumutulong kay Aling Mari sa pag gawa at pag benta ng Sampaguita at ilang palamuting galing sa dagat na ginagawang kwintas o bracelet “Bella paki linisan ang room 201, dahil darating mamayang gabi ang pamilya Yien-Gomez, Dapat walang makitang kahit na anong dumi o alikabok dahil sensitibo si Doña Gloria. Pagka tapos ay isunod mo ang room 203 iyon ang gagamitin ni Sir Fego” wika ng assistant manager ng resort “Opo Ma'am” magalang na sagot niya. Iyon ang second day niya sa Resort na iyon bilang Janitress kaya hindi niya kilala ang mga taong binanggit ng babae sa kaniya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD