CHAPTER 10

2705 Words
“Birthday na pala ni Kesha tommorow tita” wika ni Alena, ang mabait na pinsan ni Kesha sa mother side nito. “hmm oo nga Alena, sobrang miss na miss kona ang pinsan mo” malungkot na sabi ni Rona sa pamangkin. “nag-yaya ang mga Yien-Gomez na duon na e celebrate ang kaarawan ni Kesha sa beach resort na binili ni Fego sa Samar Leyte. Masyadong malayo pero sulit naman daw sa ganda ng lugar, sasama ba kayo Rona?” wika ni Rodolfo ang kapatid ng ginang. “hindi na kuya sina Alena nalang, tsaka hindi rin kaya ni Felipe ang mahabang byahe sa eroplano” tugon ni Rona “'yung yate nalang tita, sa San Martin tayo papuntang Samar. Siguro naman kaya naiyon ni Tito” wika ni Kiel “Oo nga naman Tita, para maka pag relax narin po kayo ni Tito at para makita natin 'yung Beach Resort na binili ni Fego para kay Ate Kesha” wika ni Alena. Samantala inaayos na ni Fego ang kuwelyo ng Polo Shirt niya habang nasa harap siya ng malaking salamin sa kuwarto parin nila ng kaniyang nobya. Nang maka tanggap siya ng tawag mula sa kaibigan niyang si Mike Monteregno “Brad, napa tawag ka?” kaniya habang naka Loudspeaker ang kaniyang cellphone “uuwi kami ngayon, gustong sumama ni Cindy at gusto namin makita ang Resort na binili mo.” tugon ng kaibigan “hmm okey iyon lang ba?” walang gana niyang sabi, habang nasa salamin parin ang kaniyang atensyon. Mahigit apat na taon na ang lumipas, apat na taon narin naka kulong ang puso at pagka tao ni Fego. Oo nga't muli niyang ibinangon ang kaniyang sarili mula sa labis na pangu-nguli at matinding depression niya. Napaka raming nag bago sa kaniya maging ang kaniyang pag uugali ay nabago narin. Minsan nalang niya nakakasama ang kaniyang mga kaibigan dahil tinututok na lamang niya ang kaniyang atensyon sa trabaho sa kompanya at sa pag bili ng kung ano-anong properties. Hotel, house and lot, resort at marami pang iba. Pilit niyang binabangon ang kaniyang sarili, dahil ayaw niyang nadadamay ang kaniyang abuwela satwing nakikita nito ang unti-unting pagka sira ng buhay niya. “Yah, by the way, I heard from Lorence ngayon na kayo aalis” saad ng kaibigan “yah, bukas kasi ay uuwi rin sina Damon kaya nag advance na kami mag punta nang resort para ma-enjoy nila ang one night nila sila sa Samar Leyte. I neet to hang up Brad, tumawag nalang kayo ni Cindy kapag nandito na kayo.” tugon niya “okey Brad, Kina Kiel nalang kami sasabay kung ganon” ani ng kaibigan, pagka tapos ay pinatay na niya ang tawag. Kaarawan ng babaeng mahal niya bukas, kahit napaka tagal ng panahon nang wala si Kesha. Ay patuloy parin minamahal ni Fego ang kaniyang nobya. Satwing sumasapit ang kaarawan nito ay bumibili siya ng kung ano-ano at ipapangalan niya lahat iyon kay Kesha. Katulad na lamang ng Kesha's Beach Resort sa Leyte. Sa una ay nag dadalawang isip pa siya kung kukunin ba niya ang resot na iyon. Dahil napag alaman niyang napaka daming pagkaka utang ang dating may-ari ng resort na iyon. At nag sisialisan narin ang mga nag tatrabaho roon, dahil wala na umanong pambayad ang dating may-ari. Subalit dahil sa kaniyang kapatid na si Ryker ay nakumbinsi siya nitong bilhin ang Resort at ipina renovate na lamang nila upang mas lalong gumanda ang resort at ipinangalan niya iyon kay Kesha. Pang anim na resort na iyon na binili niya sa loob ng apat na taon. At lahat ng mga iyon ay Kesha's Resort ang pangalan. Sa dumaan na napaka raming buwan at taon ay napaka daming nangyari sa buhay nilang lahat. May Tatlong anak na ang kapatid niyang si Daniel, apat naman ang kay Damon, at Dalawa naman ang naging anak ng bunsong kapatid nilang si Anazandra. Nakilala narin niya si Ryker ang number four sa kanilang anim na mag kakapatid. Nalaman rin niyang si Ryker pala ang mysterious informant niya na laging nag papadala sa kaniya ng mga inpormasyon nuon. At si Ryker rin ang lagi niyang nakikitang umaaligid sa labas ng mansyon. Ang lalaking laging naka itim na pinag isipan paniyang kalaban nila o espiya. Dahil sa kaniyang kapatid na si Anazandra ay nakilala nila si Ryker. two years ago mag mula ng may mag tangka muli sa buhay ni Anazandra. Sa kaniyang malalim na pag-iisip ay bahagyan pa siyang napa igtad nang biglang tumunog ang intercom sa tabi ng pinto ng kuwarto niya. “ Iho, matagal kapa ba d'yan. Aba'y bilisan mo, baka gabihin tayo” wika ng kaniyang abuwela na si Doña Gloria “tapos na grandma” tugon niya. Pagka tapos suklain ng mga darili niya ang mahabang buhok niya na hanggang balikat Matapos niyang pasadahan ang kaniyang sarili sa harap ng salamin. Ay napa buntong hininga na lamang siya, dahil halos hindi na niya makilala ang kaniyang sarili. Makapal na ang balbas sa kaniyang panga maging ang mga bigoteng halos tumakip na sa manipis niyang labi. Mas lalo siyang nag matured tignan dahil sa mga iyon. Subalit hindi parin iyon nakaka bawas sa kaniyang kakisigan at mas lalo pang nakaka takot siyang tignan dulot nang malamig at seryosong awra niya. Pagkababa pa lamang niya ay sinalubong na kaagad siya ng mga pamangkin niya. Yumakap ang mga ito sa mahabang binti niya. Habang naka tingala sa kaniya. “Tito, buhat buhat mo ako” saad nang apat na taon gulang na anak nina Lorence at Anazandra na si Anabel “ako rin po Tito pogi” saad naman ng limang taon gulang na batang lalaki na anak nina Daniel at Dionne. Binaluktot ni Fego ang katawan niya upang pantayan ang mga pamangkin niyang gustong magpa buhat. Binuhat niya sa magka bilang braso niya ang dalawang bata. Habang ang dalawang pamangkin paniya ay tuwang-tuwang kumapit sa balikat at leeg niya. Kaya hindi niya mapigilang gumuhit ang ngiti sa labi niya dahil sa kakulitan ng mga pamangkin niya. Apat na bata na ang buhat-buhat niya kaya naman ay napapa ngiti na lamang ang mga kapatid niyang naka tingin sa kaniya. Kahit napapangiti siya ng mga pamangkin niya ay hindi parin naiibsan ang pagka inggit sa puso niya. inggit na inggit siya sa mga kapatid at mga kaibigan niya na ngayon ay nag papaunahan na sa dami ng mga anak. Habang siya ay umaasa parin na buhay at mag babalik sa kaniya ang nag-iisang babaeng pinapangarap niyang maging ina ng mga anak niya. “Let's go, come here Deo. Big boy kana kaya dapat hindi kana nag papabuhat” wika ni Dionne sa anak at kinuha ito mula sa likod ni Fego. Dalawang Van ang ginamit nila. Patungo sa isla ng San Martin, dahil doon nag hihintay ang malaking private yact ng pamila Yien-Gomez. Na gagamitin patungo sa Kesha's Beach Resort sa Leyte. Samantala pinahid naman ni Bella ang kaniyang pawis matapos niyang linisin ang apat na kuwartong inutos sa kaniya. Napa tingin siya sa lokal at simpleng pambisig na relo niya na binili paniya sa bayan nung naka raan. Nakita niyang malapit na ang oras na pag dating ng mahalagang panauhin at hindi lang basta panauhin kundi ang bagong may-ari ng Resort na kaniyang pinag tatrabahuan Dali-dali niyang niligpit ang mga pinag gamitan niya sa pang lilinis tsaka lumabas na sa huling silid na nilinisan niya. Matapos niyang maibalik ang mga iyon ay nag hugas muna siya ng kamay tsaka hinanap ang kaniyang anak. Dahil alam niyang sa mga oras na iyon ay gumagala na naman ang kaniyang anak upang mag benta ng paninda nito. At hindi nga siya nag kamali dahil natanaw niya itong naka tayo sa isang Cottage na may Videokehan. Alam niyang madalas doon mag istambay ang anak niya kaya madali lamang niya itong nahanap. Nakita niyang sumasayaw ang ulo ng anak niya dahil parang dinuduyan nito ang ulo pakanan pakaliwa. Habang mahinang umiindak ang kaliwang binti nito. Kaya naman ay napa ngiti siya sa kaniyang nakikitang style nang anak niya. Sumasabay ito sa pag kanta, kaya huminto muna si Bella sa pag lapit sa kaniyang anak upang panuorin ito. Nang matapos ang baklang kumakanta ay kasama rin pumalakpak ang kaniyang anak habang matamis na naka ngiti ang mga labi nito. “Ate ang galing-galing niyo pong kumanta, grabe kuhang kuha niyo po” saad ng kaniyang anak sa baklang katatapos lamang kumanta. Nakita niyang tuwang tuwa ang bakla at hinawak nito ang pisngi ni Precious dahilan upang mapangiwi ang mga labi bg bata. Lihim na napa ngiti si Bella habang pinapanuod ang kaniyang anak. Ayaw na ayaw talaga nitong hinahawakan ng ibang Tao ang mukha nito. “Talaga Little pretty? ” naka nging saad ng kaharap ng bata “Opo ate, pero mas gagaling pa po kayo kung bibili po kayo dito sa mga paninda ko” wika ng bata habang naka ngiti na ito ng ubod tamis. “Aba, magaling kang negosyante ha. Magaling ka kumuha ng kiliti ng costumer, pero sige dahil pinuri mo ang boses ko, bibili ako ng limang bracelet” mabait na sabi ng baklang kaharap ng bata Nakita ni Bella ang pag liwanag ng mukha ng kaniyang anak. Kitang-kita niyang natuwa ito sa sinabi ng kaharap nito "talaga po? Sige po, pero mas lalo po kayong gaganda ate kung ibibigay niyo napo saakin ang sukli. Wala po akong sukli eh kayo palang unang bumili saakin ngayon hapon.” saad ng bata. Napapailing na lamang si Bella, habang naka ngiti dahil sa diskarte ng kaniyang anak. “aba, magaling na bata. Sige sige sa'yo na ang sukli twenty five pesos 'yun ha” ani ng bakla “opo, salamat po Ate.” masayang sabi ng bata at naka ngiti panitong isinilid sa maliit na shoulder bag nito na may nakaka tatak na Hello Kitty ang perang nabenta nito. "Precious anak” tawag niya dito, kaya napalingon sa kaniya ang masayahin at magandang mukha ng anak niya. “Mama, tignan niyo po naka benta agad po ako” bibong saad nito tsaka pinakita pa ang perang ibinayad ng bumili dito “Oo, nga ang galing galing ng prinsesa ko. dahil d'yan bibigyan kani Mama ng maraming hug at kiss tapos igagawa ka ni Mama nang ampalaya na maraming-maraming itlog” saad niya tsaka pinang-gigilan hagkan ang pisngi nito at niyakap ng may pang-gigil ang ang maliit na katawan ng anak. Humagikgik naman ito dahil maging sa leeg at kili-kili nito ay pinang gigilan niya. ”Bella, nand'yan kalang pala. Paki tulungan nga si Lodia sa pag dala ng ibang gagamiting bulaklak bukas” wika ng isang lalaki ang nag patigil sa kulitan ng mag-ina. “Oho Sir” magalang na tugon niya. Hindi niya kilala ang lalaki, dahil iyon palang ang pangalawang beses na makita niya ang lalaki na iyon. pero ang alam niya lamang mula sa mga katrabaho niya ay ito ang namamahala sa resort habang wala ang totoong may-ari at ito rin ang nanliligaw kay Apple, dahilan upang madali siyang naka pasok at natanggap sa resort na iyon.. “Anak, dito kalang mag tinda ha, huwag kang lalayo. Nand'yan na ang lola Mari mo huwag kang hihiway sa kaniya” wika ni Bella sa kaniyang anak at timing namang palapit na si Aling Mari sa gawi nila habang bitbit nito ang mga ibat-ibang uwi ng kwintas at bracelet “Nay, babalik na ho ako sa trabaho ko. iiwan kona ho sa inyo si Precious. anak huwag kang lalayo kay Lola ha” wika ni Bella at binalingan muli ang anak. “Opo Mama” tugon ng bata tsaka ito humalik sa pisngi niya “sige na iha” wika ng ginang tsaka siya tumalikod na sa mga ito. Habang nag nilalatag ni Aling Mari ang kaniyang mga paninda ay nag paalam naman ang batang si Precious na babalik lang ito duon sa cottage na may videokehan at doon mag titinda tsaka gustong gusto nito ang tambayan na iyon dahil mahilig kumanta ang bata. “Sige pero hanggang duon kalang apo, huwag kang lalayo para hindi ako mahirapang hanapin ka” wika ni Aling Mari sa bata “Opo” bibong sagot nito at nag tatakbo na upang mag benta at manuod sa mga kumakanta. Napaka talinong bata ni Precious Ella, masyadong advance ang isip nito. dahil anim na buwan pa bago mag apat na taong gulang ito. Ay magaling na itong mag basa kaya nakaka sabayan nito ang mga kumakanta sa videokehan satwing pinapanuod ang mga ito. Naka tayo lamang ang batang si Precious, habang hawak sa kaliwang kamay ang mga paninda nito at sa kanan naman ay ang panindang Sampaguita. Umalis sa loob ng cottage ang apat na babaeng nag kakantahan, kaya naiwan ang videoke na may natira pang isang kanta at ang isa pa ay hindi pa natatapos kantahin. Dahil biglang umalis ang apat na babae. Nag hintay muna ng ilang Segundo ang bata tsaka nag palinga-linga upang siguraduhing hindi na bumalik ang mga babae at walang ibang Tao ang pumapasok. Hinakbang ni Precious ang mga paa niya papasok sa maliit na cottage na iyon. May anim na upuan na yari sa nara at isang maliit na lamesa na tamang tama lamang para sa mga nag gustong mag-inuman. Dinampot ni Precious ang microphone tsaka pinag patuloy ang awitin na nasa videoke. Samantala mahigit 6:pm na ng maka rating ang pamilya Yien-Gomez sa Kesha's Beach Resort. Naunang alalayan pababa ng yate si Doña Gloria kasama ang mga batang apo nito sa tuhod. na may kaniya-kaniyang mga yaya naman. tsaka sumunod namang bumaba ang Limang mga kapatid ni Fego kasama rin ang dalawang babaeng bayaw niya na sina Aliah at Dionne at todo alalay naman ang bayaw niyang si Lorence sa asawa nitong si Anazandra. Tanging sila lamang tatlo nina nina Jack at Ryker ang wala pang asawa at mga anak. Huling bumababa si Fego. At naka ngiti naman silang sinalubong ng mga taong nag tatrabaho sa resort. Maayos na naka linya ang mga staff ng resort at nasa unahan naman ang manager katabi nito si Apple. Punong-puno ng pag hanga ang makikita sa mga mata ng mga babaeng maayos ang pagkaka linya. Naka uniform lahat ang mga ito. Pagka tapos batiin at ipakilala ng manager sina Fego sa mga empleyado ng resort ay walang ganang nag tuloy-tuloy na siya papasok ng Hotel. Ni hindi man lang niya binalingan ng tingin o binati ang mga ito. Habang ang kaniyang kapatid na si Jack ay todo ang pagkaka ngiti nito lalo na nang mapa gawi ang tingin nito kay Apple. Habang si Ryker naman ay katulad rin ni Fego. Napaka lamig at seryoso ng awra. Hindi man lang ito ngumiti at binati ng pabalik ang mga empleyado. Patungo na si Fego sa kaniyang magiging kuwarto nang may mahagip ang kaniyang paningin, na isang babaeng hirap na hirap sa mga dala nito. Matangkad, balingkinitan ang kutis nito at masasabi niyang sexy ito, dahil kahit na naka suot lamang ito ng uniform ay nahahalata parin ang kurba ng katawan nito. Merong kakaibang naramdaman si Fego sa kaniyang puso nang makita niya ang likod at hubog palang ng katawan nang naka talikod na babae. Napaka familiar ng likod nang babaeng nakikita niya. subalit hindi niya mapangalanan sa kaniyang isipan kung sino. Basta namalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na humahakbang na ang kaniyang mga paa palapit sa babae. “Mis— “ay palaka!” gulat na sabi ng babae, kaya hindi naituloy ni Fego ang kaniyang sasabihin. Samantala halos maitapon naman lahat ni Bella ang kaniyang mga dala, dahil sa labis na pagka gulat. Parang gusto tuloy niyang singhalan ang Tao na gumulat sa kaniya. May buhat siyang dalawang karton na nag lalaman ng mga decoration para sa mga ikakabit nila. Upang mas lalong pagandahin ang resort lalo na't may mga bisita pa umanong darating bukas. “langhiya! Muntik na akong atakihin sa puso” saad ni Bella habang hindi parin naka tingin sa lalaking nasa likod niya. “Mis ano ang mga iyan?” wika ng lalaki sa kaniyang likod. napa kunot-nuo bigla si Bella dahil parang may kakaibang damdamin ang biglang nabuhay sa kaniyang kalooban. Matapos niyang narinig ang napaka lamig na boses ng lalaking nasa likod niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD