CHAPTER 11

1489 Words
“Carton, hindi moba nakikita” masungit na sabi ni Kesha, habang hindi parin lumilingon at kahit lilingon siya ay mahihirapan rin siyang makita ang lalaki dahil natatakpan ng malaking box. Kaya nga siya nahihirapang mag lakad dahil hindi niya nakikita ang dinadaanan niya. Sa narinig na tugon ng babae ay biglang napa kunot-nuo si Fego, hindi dahil sa sinabi ng pilosopong babae kundi dahil sa boses nitong napaka familiar sa kaniya. At hindi siya puwedeng mag kamali dahil ganon na ganon ang boses ng babaeng nag-iisang mahal niya na si Kesha. Pumikit saglit si Fego upang alisin na naman ang umaasang isip at kalobooban niya At kakaibigang dinudulot ng ekstrang herang hindi paniya nakikilala at hindi paniya nakikita ang mukha. Subalit sa kaniyang pag mulat ay nakita na niyang dahan-dahan na palang humahakbang ang babae palayo sa kaniya at ingat na ingat ang bawat kilos nito na animoy takot na takot na baka mahulog ang mga hawak nito. Napa tiim bagang si Fego dahil parang may umuutos sa kaniyang isipan at kalooban na tulungan ang hindi nakikilalang babae. Kaya wala sa sariling hinakbang ni Fego ang pagitan niya sa babaeng nag bubuhat ng dalawang malaking karton. Basta na lamang kinuha ni Fego ang isang karton kaya tig-iisa na lamang silang may buhat. Nanlaki naman ang mga mata ni Bella dahil muli na naman siyang nagulat. Akala niya ay umalis na ang lalaking nag salita kanina dahil wala siyang narinig na pag tugon mula dito. Kaya nag patuloy na lamang siya sa pag lakad, subalit hindi niya inaasahan ang biglaang pag kuha ng hindi nakikilang tao sa isa pang karton na dala niya. At dahil sa ginawa nito ay naging magaan na kay Bella ang kaniyang buhat-buhat at ngayon ay nakikita narin niya ang lalaking dalawang beses ng gumulat sa kaniya. Napa awang ang labi ni Bella habang naka tingin na siya sa lalaking kaharap na niya. Napaka badboy subalit ang hot ng dating nito para sa kaniya dahil narin sa suot nitong kulay puting polo shirt na pinatungan ng maong na kulay itim na Jacket. Naka bukas ang dalawang botones sa itaas na suot nitong polo, kaya bahagyan nasisilip ang mumunting manipis na balahibo sa matipuno nitong dibdib. Mahaba ang buhok ng lalaki na hanggang balikat at mas lalong nag paangas sa dating nito ang balbas nitong naka palibot sa panga nito. At kahit may bigote at balbas ito ay hindi maipag kakailang napaka guwapo parin nito. Matangos ang ilong, may manipis at nakaka akit na labi at bahagyan na iyon natatakpan ng bigote nito. Kulay abo ang mga mata nito at makapal ang napaka ganda nitong kilay. Subalit ang umagaw ng kaniyang pansin ay ang abuhin nitong mga mata dahil kapareho nito ang mga mata ng kaniyang anak. Samantala natigilan naman si Fego nang matitigan niya ang mukha ng babaeng may magandang hubog ng katawan. Hindi niya inaasahan na ganito ang itsura ng babae. Subalit ang ipinag tataka ni Fego ay kung bakit napaka lakas ng t***k ng puso niya habang naka titig siya sa babaeng kaharap. Mas lalo pang dumagundong ang pag t***k ng puso niya ng matitigan niya ang kulay chocolateng mga mata nito. Parang nakita na niya ang mga mata na iyon at malakas ang kutob ng puso niyang kilala niya ang mga mata na iyon. Subalit naguguluhan naman ang kaniyang isipan dahil Hindi niya kilala ang babaeng kaharap, ngunit bakit ganuon na lamang katindi ang epekto nito sa kaniya. Napa dako ang tingin ni Fego sa mala rosas na labi ng babae. Alam niyang walang lipstick iyon, subalit sh*t bakit parang gusto niyang angkinin ang mga labi na iyon. Bakit naaakit siya sa labi ng extrang herang kaharap niya gayun meron itong mukha na hindi nakaka ayang titigan. Bakit nag kakaganuon ang kaniyang puso at bigla ay napa tiim bagang na naman si Fego ng maramdaman niya ang biglaang pag sikip ng gitna niya. 'D*mn' lihim siyang napa mura dahil hindi lang ang kalooban niya ang binubulabog ng babaeng kaharap niya kundi pati narin ang kaniyang umiigting na pagka lalaki ay gusto ng kumawala. Lalo na ng matitigan niya ang mga labi ng babaeng kaharap. Napa lunok ng sariling laway si Fego habang nag tatagis parin ang kaniyang bagang. Gusto niyang kuyumusin ng halik ang naka awang na labi ng babae. Subalit ilang sandali lamang ay para siyang binuhusan ng malamig na tubig ng muling mag salita ang babae. “Se–Sir ba–bakit ho? ” nauutal subalit magalang parin na sabi ng babae. Muli na naman napa pikit si Fego dahil hindi lang katawan ni Kesha ang pagkaka hawig nito kundi kaboses rin ng babaeng kaharap niya si Kesha. Parang gustong suntukin ni Fego ang kaniyang sarili. Dahil pinag papantasyahan niyang mahalikan ang labi ng babaeng kaharap gayung naalala naman niya si Kesha dahil sa boses ng kaharap niya. “Nako Bella ang tagal mo naman—ay Hello po Sir good evening” wika ng isang babaeng katrabaho ni Bella. Natigilan at nagulat rin ito lalo ng makilala nito ang binata. “Vivi pa-paki kuha ng kahon kay Sir, tulungan mo nalang ako. Masyadong mabigat ang mga 'to kaya ako natagalan” pag dadahilan ni Bella at inalis na ang tingin sa lalaki at hinarap ang kaniyang katrabaho. Upang maka bawi mula sa kakaibang pakiramdam na dinudulot ng lalaking hindi niya kilala. “Sir ang kahon po” wika ng babae kay Fego, dahilan upang mapukaw ang kaniyang pansin mula sa pagka tulala. Oo naka tulala siyang naka titig sa mga labi ng babaeng kakaiba ang mukha. Hindi niya masabing pangit ito, subalit parang ganun nanga. Ngunit meron naman itong napaka gandang mga mata at nakaka-akit na labi. ipinilig ni Fego ang kaniyang ulo at lihim na naman siyang napa mura sa kaniyang sarili. Dahil hindi niya maipaliwanag kung bakit nag kakaganoon siya sa babaeng hindi niya kilala at talagang hindi ka aya-ayang titigan ang balat nito sa mukha. Tiim bagang na ibinigay ni Fego ang hawak niyang karton sa isa pang babae at walang lingon likod na pumasok na siya sa kaniyang kuwarto. “Grabe ang hot talaga ng dating ni Sir Fego, pang Greek god shaams ang yummy talaga niya diba Bella” kinikilig na sabi ng babae at impit pa itong tumili ng mahina nang maka pasok na ang lalaki sa kwarto nito “Siya pala si Sir Fego, ang sinabi ni Manager na bagong may-ari ng beach Resort na 'to” mahinang saad ni Bella Sabagay tama nga ang katrabaho niya talagang mapapa tulala na lang ang kahit na sinong babaeng maka harap ng lalaking boss nila. Dahil maging siya ay para siyang tinakasan ng ulirat ng maki pag titigan siya kanina sa hunk na boss pala nila. Samantala naligo lamang si Fego at nag palit ng kaniyang suot. Pagka tapos ay napatingin siya sa orasan 7:25 pm na pala. Nag wisik muna siya ng pabango at sinuklay niya ang buhok gamit ang kaniyang mga daliri at nang makontento ay lumabas na siya ng kuwarto. Upang puntahan ang kaniyang mga kapatid at abuwela. na alam niyang nasa labas ng hotel na ang mga ito. Dahil kanina ay pagka tapos niyang mag suot ng damit ay naka tanggap siya ng tawag mula kay Anazandra at sinabi nitong. Sumunod na lamang siya sa private family cottage nila. Dahil mag kakantahan at mag iihaw sila ng barbeque Habang sa kabilang dako naman ay magkaka sabay nang nilakad ng mga kapatid ni Fego ang private family cottage nila. Kasama ang abuwela nilang si Doña Gloria habang naka alalay lamang sa magka bilang gilid ng matanda sina Ryker at Jack. Habang sina Anazandra, Damon at Daniel naman ay kahakbay ng mga ito, habang nag lalakad ang asawa ng mga ito. At ang mga bata naman ay nasa hotel kasama ng mga yaya ng mga ito. iniwan ng mga ito si Fego dahil nag sabi ang binata na mahuhuli ito Hindi paman nakaka rating sa cottage ang pamilya Yien-Gomez ay napa hinto ang mga ito. Dahil naagaw ang kanilang pansin sa isang batang kumakanta, habang maraming nanunuod dito at ang ibang tao ay bini-videohan pa ng mga ito ang batang kumakanta. Nagka tinginan sina Lorence at Anazandra dahil ang kinakanta ng bata ay ang huling inawit ni Anazandra bago siya nag quit sa kaniyang carer at mas pinili ang tahimik na buhay kasama ang asawa at mga anak nito. Kinuha ni Anazandra ang cellphone na nasa bulsa ng asawa at naka ngiting lumapit sa gawi ng batang kumakanta at maging sina Dionne at Aliah ay nakita video narin. Samantala patungo na si Fego sa Cottage, subalit kaagad rin nag salubong ang makapal niyang kilay. nang matanaw niya ang mga kapatid kasama ang kaniyang abuwela na nakiki nuod rin sa isang kumpulan. Naka palibot ang ibang mga tao sa harap ng isang simpleng Cottage na may Videokehan. At mas lalo pa siyang napa kunot-nuo ng marinig na isang batang babae ang kumakanta.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD