CHAPTER 12

821 Words
“ Hi, what's your name?” saad ni Fego, tsaka hindi napigilang pisilin ng mahina ang ilong nang bata. Bigla naman sumimangot si Precious, ngumuso rin ito at inipon ang hangin sa magka bilang pisngi nito. Bago nag umpisang mangilid ang mga luha nito. “Ikaw ang Papa ko, pero hindi mo alam ang pangalan ko” tugon ng bata. Napa tingin naman si Fego sa kaniyang Abuwela, sunod ay sa lima niyang mga kapatid na animoy parang batang humihingi ng saklolo. Subalit nag kibit balikat lamang ang apat niyang kapatid na lalaki. Maging ang kaniyang abuwel ay nanatiling seryoso lamang habang naka tingin lamang sa kanila. At nag hihintay lamang kung ano ang dapat niyang sabihin at gawin upang hindi tuluyang umiyak ang bata. Naka ramdam ng kirot si Fego sa kaniyang puso nang makita niya ang mga luhang gusto ng kumawala sa mga mata ng bata. At tama nga ang kaniyang kapatid na si Anazandra, kapareho niya ng kulay ang mata ng batang kaharap. Napansin ni Anazandra na nahihirapang kausapin ang kaniyang Kuya sa bata. Kaya lumuhod narin siya upang mapantayan ang liit ng, bata. “Precious, bakit mo nasabing siya ang Papa mo?” wika ni Anazandra at pinaupo sa kaliwang hita niya ang bata sabay turo kay Fego “kasi po siya po talaga ang Papa ko, lagi kopo siya nakikita sa mga panaginip ko.. Lola, lola siya po yung papa ko” tugon ng bata tsaka ito bumaling kay Aling Mari “Apo, umuwi na tayo— “ayaw! kay Papa lang ako, Papa hindi kana aalis diba. Papa huhuhu Papa” pasigaw na sabi ni Precious dahilan upang matigilan si Aling Mari. Umalis ang bata mula sa pag kakaupo sa hita ni Anazandra tsaka tinawid nito ang pagitan nila nang lalaki Kamuntikan nang mawalan ng balanse si Fego. Dahil hindi niya inaasahang yayakapin siya ng bata. Mabuti na lamang ay naging maagap siya, kaya hindi siya natumba. Sobrang higpit ng pag kakayakap ng bata kay Fego pagka tapos ay malakas itong umiyak na halos ika bingi nilang lahat. Kung ano ang ikina ganda ng boses nito satwing kumakanta. Ay kabaliktaran naman kapag ito ay umiyak. “Jusko! Sandali pupuntahan kulang si Bella!” gulat at nag mamadaling sabi ni Aling Mari. Dahil alam nitong kapag umiiyak si Precious ay si Bella lamang ang nakaka pag patahan dito. “Papa! Hindi mo ba ako gusto? Ayaw moba saakin? Huhuhu Mamaaa! Mama!” malakas na sigaw kasabay ng pag-iyak ng bata. Nalukot naman ang mukha ni Fego dahil talagang sobrang sakit sa tenga ang sigaw at iyak ng bata. Naka yakap parin ito sa kaniya, kaya nasa tapat lamang ng tenga niya ang napaka lakas na sigaw at iyak ng bata. Wala sa sariling niyakap pabalik ni Fego ang bata tsaka siya tumayo upang buhatin ito. Dahil nanga-ngalay na ang mga tuhod siya sa pagluhod sa buhangin. “hash, sshhh…stop crying baby nandito lang ako, hindi kita iiwan. Stop crying na” mahinang saad ni Fego sapat lang upang marinig ng bata. Habang humahagod ang kanang kamay niya sa likod ng bata. Bigla siyang natigilan dahil sa kaniyang sinabi. Hindi niya alam kung bakit iyon ang lumalabas sa bibig niya. “Papa… Parang musika sa pandinig ni Fego satwing bibigkasin ng bata ang salitang Papa. Hindi niya alam sa kaniyang sarili kung bakit ganoon na lamang ang pakiramdam niya sa bata. Sobrang ibang-iba. Kumpara sa mga pamangkin niya at sa anak ng mga kaibigan niya. Hindi siya nakaka ramdam ng kakaiba kapag yakap at buhat buhat niya ang mga pamangkin at ang mga anak ng kaibigan. Kakaibang ligaya at emosyon ang pinapadama ng bata sa kaniyang puso. Kaya nang tanungin siya nito kanina ay parang piniga ang kaniyang puso dahil kakaibang epekto ang mga tinanong nito sa kaniya. Ewan ba niya kung bakit na aapektuhan siya ng batang ito, basta alam niya sa kaniyang sarili na ayaw na niya itong makitang umiyak lalo na kung siya ang dahilan. Samantala abala naman sa pag tulong si Bella sa kaniyang katrabaho, habang nag dedesenyo sila ng bulaklak na yari sa colored paper. Nag kukwentuhan pa sila ni Vivi tungkol sa mga naka rekasyon nito umano. Natigil lamang sila sa pag-uusap ng biglang pumasok si Apple kasama nito si Aling Mari na mukhang problemadong-problemado. “Oh Nay, ba't kayo napa rito? Naubos na mga paninda niyo? ” saad ni Bella, habang patuloy parin sa pag trabaho ang kaniyang mga kamay. “si–si–si Precious, si Precious kasi pinag kamalan niyang Papa niya si Sir Fego. Ayaw niyang mag pakuha, ayaw niyang bitawan si Sir. iyak ng iyak” sunod, sunod na sabi ni Aling Mari. Dahilan upang manlaki ang mga mata nina Bella at Vivi. “Ano?!” gulat na sabi ni Bella at kaagad na napatayo. Hindi na niya hinintay na maka pag salita ang matanda. Bagkus ay dali-dali siyang lumabas at hinanap ang kaniyang anak.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD