CHAPTER 13

720 Words
Nasa Family Private cottage na ang pamilya Yien-Gomez. Hanggang sa maka upo na si Fego ay hindi parin umaalis ang bata mula sa pag kakayakap nito sa kaniya. Tumigil rin ito sa pag-iyak dahil narin sa paminsang pag bulong niya dito na hindi niya ito iiwan, at sa pag hagod niya sa likod nito. Minsan ay namamalayan na lamang niya ang kaniyang sarili na hinahagkan niya ang ulo ng bata. Pinakiramdaman niya ang batang naka yakap parin sa kaniya. Normal narin ang pag hinga nito, hindi katulad kanina na sumisigoksigok ito. Dulot ng pag-iyak nito. “Paki tignan nga kung naka tulog na ba” mahinang saad niya sa kapatid na katabi niya lamang sa upuan. Sinilip naman nito si Precious tsaka tumango at napa ngiti “Yes Kuya, naka tulog na” saad ni Jack “napagod siguro kaya napaka daling naka tulog ” wika ni Dionne ang asawa ni Daniel “bakit kaya pinag kamalan kaniyang Papa niya kuya?” wika ni Jack, habang gumagawa na sauce para sa iniihaw nilang isda at pusit. “baka sabik lang sa ama, tsaka narinig niyo naman diba. Nakikita niya si Kuya sa panaginip niya hmmm sounds interesting.” ani naman ni Anazandra “baka naman kuya may naanakan ka sa mga naging babae mo or sa mga naging ex mo—awwtch! Bakit” saad ni Damon at napa daing na lamang ito ng biglang batukan ni Fego “G*go hindi ako babaero at si Kesha lang nag-iisang babae sa buhay ko. Siya ang una kaya siya rin ang huli” saad ni Fego at biglang naging malungkot sa huli niyang sinabi. Natahimik naman ang lahat, dahil sa sinabi ng nakaka tandang kapatid. “pero mga apo, sobrang gaan ng loob ko sa batang iyan Fego, tuwang tuwa ako kanina habang pinapanuod ko siyang kumakanta. Akalain niyo sa batang edad niya iyan ay napaka galing bumirit” naka ngiting saad ni Doña Gloria. “tao po…tao po” ani ng boses ng babae ang nag patigil sa pamilya Yien-Gomez. Ang cottage nila ay may naka takip na manipis na kortinang kulay puti. kaya na aaninag rin ang tao mula sa labas. Subalit ang tao sa labas ay hindi naman nakikita o na aaninag ang tao sa loob. “ako na” pag prisinta ni Aliah ang asawa ni Damon Tumayo ito at hinawi pakanan ang naka harang na kortina “Magandang gabi ho, ako ho si Bella. Sinabi ng Nay Mari ko na nandito daw ho ang anak ko?” nahihiyang saad ni Bella. Isang magandang babae ang humarap sa kaniya. Hindi tuloy maiwasan ni Bella ang maka ramdam ng hiya at pagka ilang satwing may nakaka harap siyang magaganda at nag gu-gwapuhang mga tao “Oh hi, magandang gabi rin tuloy ka, by the way I'm Aliah” naka ngiting pag papakilala ng babae. Tsaka timagilid ito upang bigyan siya ng daan. Pag pasok pa lamang ni Bella ay muli na naman siyang naka ramdam ng pagka ilang. Akala niya ay sanay na siyang taas nuong hinaharap ang kaniyang pangit na mukha sa mga taong nakaka harap niya. Subalit mukhang nag kamali siya, dahil kaagad siyang napa yuko dahil hindi niya inaasang marami palang tao sa loob. Hindi nag iisa ang boss nila, kundi may mga kasama ito at lihim na napa hanga si Bella dahil walang tulak kabigin sa mga ito. Ang gu-gwapo ng anim na lalaki at ang gaganda ng tatlong babae. “iha, good evening…may kailangan kaba?” wika ni Doña Gloria nang mapansing nahihiya ang babae “pasensya na ho sa abahala, nandito raw ho ang anak ko kaya susunduin kulang po” tugon ni Bella “i–ikaw ang Mama ng batang ito?” naka maang na wika ni Jack at pinag lipat lipat ang tingin nito sa mukha ng bata at sa mukha ni Bella “Opo Sir” “Weee talaga— “ shut up Jack!” saway ni Doña Gloria sa pinaka pasaway nitong apo. Nahihiya man subalit humakbang parin si Bella papalapit sa Lalaking yakap-yakap ng kaniyang anak. Nang maka lapit ay akmang kukunin na sana ni Bella ang kaniyang anak, subalit natigilan siya ng mag salita ang lalaki.. “Ako na, ihahatid kona kayo” saad ni Fego na ikina maang ng mga kasama lalo na si Bella.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD